Marian, ayaw maging reyna ng GMA-7

PHOTO & VIDEO: Anna Pingol

PHOTO & VIDEO: Anna Pingol

Pabirong inamin ni Marian sa media conference ng Reverie by BeauteDerm Home na “bongga” ang bayad sa kanya bilang endorser ng line of home scents ng beauty company na BeauteDerm Corporation. 

Bukod pa roon ay mas tumaas daw ang TF [talent fee] niya as endoser mula nang maging nanay siya.

“Bakit ba, nagbabayad naman ako sa BIR [Bureau of Internal Revenues]?” natatawang hirit niya na sinundan agad ng pagkambiyo. “Nagpapatawa lang ako para sumaya tayo.”

Pero tila hindi naging dahilan ang presyo ni Marian para umatras ang BeauteDerm Corporation president and CEO na si Rhea Tan.

“Kahit sinong owner ng kumpanya ay gusto ang isang Marian Rivera,” esplika ni Ms. Rhea Tan. “Alam n’yo po bang kung saan galing ang name na Reverie…’yong reverie ay isang daydream…dati po ay isa lamang pong dream lang ang isang Marian Rivera…at reverie as in Rivera…may kasamang Re…I’m Rhea…kombinasyon…isa po siyang dream dati. Isang napakalaking endorser po niya and I’m so humbled na kasama na siya sa aking humble na kumpanya.”

Sa nasabing mediacon, na ginanap last October 23 sa La Chandelle Events Place in Quezon City, ay natanong din si Marian kung possible bang maging endorser din ng BeauteDerm Kids—ang bagong line na nakatakdang ilungsad din ng said beauty-product company—ang anak niyang si Zia. Pero ayon kay Marian, ang asawa daw niyang Dingdong [Dantes] ang nagde-desisyon pagdating sa anak nila.

“Alam n’yo naman ang asawa ko,” saad niya about Dingdong na kilalang metikuloso at istrikto. “Ligawan nila si Dong.”

But as far as she is concerned, hindi na nga raw nagdalawang isip si Marian Rivera-Dantes na tanggapin ang alok na pag-eendorso ng mga home scents.

Napatagal lang daw nang konti ang product launch ng “Reverie” dahil naging very hands-on si Marian sa pag-develop ng mga product—mula sa pagpili ng mga all-natural ingredients na imported pa from Europe hanggang sa pagpili ng mga botelya, packaging at kulay. Of course, siniguro rin daw niyang safe mga ingredients nito para sa mga buntis na gaya niya at para sa mga bata.

“Mabango ang bahay namin,” k’wento ni Marian. “Maarte ako, e. Hindi p’wedeng hindi mabango. Kaya sabi ko walang dahilan para hindi ko ito i-endorse kasi gusto ko siya at ’yong mga scents nito ako mismo pumili kasi eto ’yong mga favorite ko talaga na amoy.”

And speaking of home, pinag-reak din si Marian ng isang member of the press patungkol sa bansag sa kanya ngayon bilang reyna ng kanyang home network na GMA-7. Ayon sa binansagang GMA Primetime Queen, hindi na niya iniisip ang tungkol dito dahil isang klase ng reyna title lang naman daw ang gusto niya.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.