Marco Gumabao, kakasa kaya sa #LAKIreveal “hamon” ni Direk Darryl Yap?

Kung “reveal” ang usapan, si Marco Gumabao, for his part, ay hanggang pa-pwet palang so far. At ginawa niya ang “pa-silip” sa isang eksena nila ni Anne Curtis sa Just A Stranger noong 2019.

Photos: VinCentiments / Vivamax

Kung “reveal” ang usapan, si Marco Gumabao, for his part, ay hanggang pa-pwet palang so far. At ginawa niya ang “pa-silip” sa isang eksena nila ni Anne Curtis sa Just A Stranger noong 2019.

Idinaan ni Direk Darryl Yap sa social media ang kanyang birong panawagan o hamong maituturing kay Marco Gumabao na sana daw ay patunayan ng aktor kung malaki nga talaga ang kanyang pagkalalaki. 

Nag-ugat ito sa isang eksena nina Marco at Sharon Cuneta na isinali sa trailer ng upcoming dramedy film nilang Revirginized kung saan kabilang sa dialogue ni Megastar ang “assessment” na well-endowed ang celebrity hunk “down there.”

Bumenta ang trailer sa mga netizens kaya no wonder at pumalo na agad sa mahigit five million ang views nito sa unang araw pa lang ng release.

Bagama’t dialogue lang sa pelikula ang binitiwan ni Mega, marami ang naintriga kung totoong “malaki” nga ba ang pinakatatago ni Marco. 

Kaya naman sa kanyang Facebook page kagabi, July 5, pabirong nanawagan si Direk Darryl sa aktor para patunayan ang dialogue ni Sharon. 

“Marco Gumabao, napapahiya na kami ni Mega [star Sharon Cuneta], baka pwede daw may patunay, #LAKIreveal sana. [A]lam mo na? [R]ealidad tayo dito. [D]un lang tayo sa totoo.”

 

 

Marco Gumabao napapahiya na kami ni Mega, baka pwede daw may patunay, #LAKIreveal sana. alam mo na? realidad tayo dito. dun lang tayo sa totoo.

Posted by Darryl Yap on Monday, July 5, 2021

 

Sa ngayon ay wala pa namang tugon dito si Marco. Pero kung pumayag man s’ya na mag-frontal nudity in any of his upcoming films ay paniguradong ipagbubunyi iyon ng kanyang mga fans. 

Tila nauuso ang pagpo-frontal nudity ng mga binatang artista nowadays, lalo na ngayong may kalayaan ang mga filmmakers dahil sa online ipinalalabas ang kanilang mga pelikula. Hindi kasi sakop ng MTRCB ang online world.

Matatandaan nga na kahit “fake news” umano ay umingay pa rin ang accidental exposure umano ni Paulo Avelino ng kanya private part sa award-winning MMFF 2020 movie n’ya na Fangirl. 

Naging matapang naman ang mga baguhang sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, at Miko Pasamonte sa pagbuyangyang ng kani-kanilang pagkalalaki sa Anak ng Macho Dancer na ipinalabas online nitong nakalipas na January.

Inulit pa ito ni Sean sa upcoming movie na Lockdown kung saan bida naman ang half-brother ni Marco na si Paolo Gumabao. Maging si Paolo ay may frontal nudity din sa pelikula.  

Si Marco, for his part, ay hanggang pa-pwet palang so far. At ginawa niya ang “pa-silip” sa isang eksena nila ni Anne Curtis sa Just A Stranger noong 2019.

Bukod sa pag-aabang sa sagot ni Marco Gumabao sa “panawagan,” nag-aabang din ang mga netizens sa mga panibagong pasabog dialogues ng Megastar sa mga kasunod pang trailers ng Revirginized.

Mapapanood naman ang kabuuang Revirginized movie, kung saan kasama rin ang paborito ni Direk Darryl na si Rosanna Roces, sa Viva streaming app na Vivamax sa August 6.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta, winarningan ang Sharonians bago mapanood ng mga ito ang official trailer ng Revirginized movie niya

Pika's Pick: Darryl Yap releases poster of Revirginized starring Megastar Sharon Cuneta

Darry Yap, sa punang paborito siya ng Viva: “'Yong mga nagsasabing, ‘Wala na bang ibang direktor maliban kay Darryl?’, sila po ang nagbibigay ng relevance na ‘yon sa akin.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.