Marco Gumabao at mga kapatid, binalikan ang alaala ng pag-aresto sa tatay nilang si Dennis Roldan

SCREENSHOT: Marco Gumabao on YouTube; INSET: Dennis Roldan on Facebook

SCREENSHOT: Marco Gumabao on YouTube; INSET: Dennis Roldan on Facebook

For the first time ay nag-open ang aktor na si Marco Gumabao at kanyang pamilya tungkol sa ama nilang si Dennis Roldan, ang dating aktor at dating congressman ng Quezon City na nahatulan ng lifetime imprisonment dahil sa pagkakasangkot sa kasong kidnap for ransom noong 2005.

Ito ang naging content ng actor- sa kanyang latest vlog entry na in-upload kahapon, November 28, kung saan kasama n’yang nag-share ng mga alaala ang kanyang Mommy Loli at sisters na sina Michele at Gita. 

Sey pa ni Marco, kung p’wede lang sana, mas gusto nga daw nilang i-share ang family life nila kasama pa ang kanilang dalawang kapatid na babae na nasa US ngayon maging ang tatlo pa nilang half-brothers. 

Sa umpisa pa lang ay naging emosyonal na ang mommy nila habang kalmado lang sina Marco, Michele, at Gita. 

Sa mga hindi po nakakakilala sa daddy namin, his name is Dennis Roldan...his real name is Mitchell Gumabao,” panimulang paliwanag ni Marco sa video. “Siguro karamihan sa inyo, alam na ang nangyari sa dad ko dati. Alam n’yo na ‘yong nangyaring kaso.”

Ang tinutukoy nga ng aktor ay ang pagkakakulong ng daddy Dennis nila way back in 2005 dahil sa kasong kidnapping. Napabalita noon na nasangkot si Dennis sa pangingidnap ng isang batang Filipino-Chinese kapalit ng ransom. 

“For some weird reason, I asked my mom and my dad. Sabi ko, ‘Ma, tutulog ako sa kwarto n’yo,’” pagre-recall ng 26-year-old Viva artist, na ten years old daw that time, tungkol sa circumstances leading to their dad’s arrest.

Hindi naman ako lagi natutulog sa k’warto nila pero that very night, hindi ko alam kung bakit. Parang just something told me na gusto ko matulog [doon]… 

“And then the next day, it was Sunday morning…5 AM, biglang ginigising ako ng mommy ko. Parang sabi n’ya sa’kin, ‘Marco, go to the bathroom. Go to the bathroom...’”

Sinalakay na daw pala ng mga pulis ang bahay nila para damputin ang tatay nila.

Ako naman naalimpungatan ako, bagong gising ako,” pagpapatuloy n’ya. “Pumunta ako ng banyo. Kami ng mommy ko nagtago kami sa banyo…. Bigla na lang ‘yong next memory ko was sinira na lang ‘yong door namin sa bathroom. Kinuha ako nu’ng isang pulis at binaba n’ya ako sa sala namin. 

“So on the way out, nadaan ko ‘yong daddy ko. ‘Yong daddy ko was nakadapa na sa kama n’ya tapos pinoposasan na,” salaysay pa ng aktor. 

Gulat na gulat daw noon si Marco sa bilis ng mga pangyayari. 

“So, s’yempre, ‘di ko alam kung ano’ng nangyayari. ‘Di ko alam kung ano’ng ginagawa nila sa tatay ko. Ganyan. So pagbaba ko… Literally, 20 to 30 policemen nasa loob po ng bahay namin. 

“S’yempre, galit ‘yong naramdaman ko. Galit na galit ako [noong time na ‘yon],” pag-amin pa n’ya. “Tapos hindi ko nakita ‘yong mga kapatid ko kasi nasa k’warto sila. Ako lang talaga ‘yong nasa sala. Tapos ‘yong nanay ko na-stuck s’ya sa banyo. Hindi s’ya pinapababa. Parang nangyari lahat in, like, three minutes. Sobrang bilis. Ang bilis ng mga pangyayari.

Sa murang edad, hindi daw nila maintindihan ang mga naganap. Hindi rin naman daw ‘yon maipaliwanag ng mommy nila. 

Parang hindi mo alam kung ano’ng magiging reaction mo?” patuloy na pagbabahagi pa ng aktor. “S’yempre, tinatanong namin ‘yong nanay namin kung ano’ng nangyari. S’yempre, s’ya, hindi n’ya rin alam. Hindi n’ya rin masabi sa amin. Hindi n’ya rin ma-explain nang maayos sa amin kasi, s’yempre, mga bata pa kami [that time] at shocked pa kaming lahat.” 

“Next thing we knew, nasa news na lahat. Parang, ‘Dennis Roldan, nakulong na sa kasong kidnapping.’ Ganyan, ganyan. Sa TV pa namin nalaman.

Kung galit ang naramdaman ni Marco, takot naman ang sa volleyball player-turned-beauty queen na si Michele Gumabao, na 12 years old daw that time.

Maging ang room daw kasi nila ng sister n’yang si Gita ay pinasok din daw ng mga pulis. 

Nu’ng pinasok ‘yong bahay namin that morning, wala talaga kaming alam,” k’wento ni Michele. “Akala namin… Akala ko kinidnap s’ya, e [ang daddy nila]. Nakakatakot talaga kasi wala kaming kaalam-alam. Kahit si mama wala rin s’yang alam. 

“So, s’yempre, nakakatakot kasi bata pa kami lahat,” pagbabalik-tanaw pa n’ya. ‘And first and last time na na-experience ‘yon namin na… Siguro, five or six men in full battle gear na akala mo pupunta ng giyera. Mga ganito kahahabang baril nakatutok sa’ming dalawa [ni Gita].” 

Nagka-trauma daw ang volleyball player and TV personality sa karanasang iyon. 

Pag gising mo ‘yun ‘yong unang makikita mo? At first, hindi ko naisip na traumatic experience pala s’ya. Pero after that, kapag nakakarinig ako ng kalabog or loud noises, alam mo ‘yon, hindi mo pa rin mawawala na… Magugulat ka.

K’wento pa ng Miss Universe Philippines 2020 2nd Runner-up, nagtago daw sila ng sister n’ya noon sa kumot dahil takot. 

“Looking back, ‘yon talaga ‘yong memory na masasabi kong hindi ko makakalimutan. Kasi si Gita super bata [pa] n’ya [noon], e. Nu’ng nag-bang ‘yong door, umiyak na s’ya agad. Ako ‘yong, ‘Sige, sige... Sa ilalim ka lang.’ Sa ilalim kami ng kumot nagtatago. Grabe talaga ‘yong experience na ‘yon.

Ipinaliwanag din ni Michele na ibinahagi nila ang karanasang ‘yon para kapulutan ng aral at maging inspirasyon sa iba….na kahit nakulong ang tatay nila ay napalaki sila nang maayos at namamayagpag sa kanilang mga karera sa ngayon. 

“We don’t talk about this normally,” ani Michele. “I think this is the first time that we ever talk about this… Siguro, it’s time na… Kapag nakikita ng mga tao ang family namin, lagi kaming masaya. [‘Yong] dalawang sisters namin, they’re already successful in other country. Tapos, Gita is starting her career. Si Marco, successful na sa career n’ya. Ako naman successful with what I’m doing. 

Iniisip nila na, ‘Ah, ang saya ng family.’ Lagi sinasabi ng mga tao, ‘Mayaman sila.’ Ang hindi kasi alam ng mga tao ‘yong pinagdaanan namin as a family. Talagang nawala lahat. Nawala talaga lahat. 

“We wanted to say this kasi gusto namin maka-relate ‘yong mga tao na lahat tayo as a family… Pag-usapan man natin, i-publicized man ‘yan natin, may pinagdadaanan tayo lahat. And kailangan sama-sama lang talaga para pag dating sa dulo, lahat kayo maging successful. Lahat kayo maging blessed. I’m happy to say na lahat naman tayo blessed, ‘di ba?

Paglilinaw naman ni Marco, hindi daw nila ipinagtatanggol ang tatay nila dahil matagal na daw sarado ang kaso. At kung may maganda man silang nakuha sa pangyayari, ‘yon ay ang naging mas matibay daw ang pananalig nila sa D’yos sa as family. 

“We’re not defending my dad,” pahayag ng aktor. “‘Yong kasong ‘yon, kumbaga… Tapos na ‘yong kaso, e. It’s in the past. Siguro why we’re doing this video is to show to people kung saan kami galing at kung paano kami binago ni God. Kung hindi nangyari ‘to, hindi kami lahat naging Kristiyano.

Pinuri naman ni Michele ang kanilang Mommy Loli na hindi sumuko kahit hindi madali ang pinagdaanan nila as a family.

Basta sama-sama, tulong-tulong… Family man ‘yan, kaibigan man ‘yan, country man ‘yan, kaya nating i-overcome ang kahit ano,” pahayag ng dalaga. “Kasi nu’ng mga bata kami akala ko wala na, end of the world na. Akala namin hindi na namin makikita ang daddy namin forever. Akala namin tapos na lahat. 

Pero dahil kay mama, s’ya talaga ‘yong tumayong pillar ng family namin, center of faith, center of strength.”

Gayunman, growing up daw ay nakaranas din sila na ma-bully dahil sa pangyayari.

Nu’ng mga bata kami, sa school, it was really hard time for us,” k’wento pa ni Marco. “Kasi ‘yong tao, ‘yong mga kaklase mo [sinasabi], ‘Ah, ‘yong tatay mo kidnapper.’ Aasarin ka talaga. ‘Ah, ‘yong tatay mo nasa kulungan. ‘Yong tatay mo kriminal.’ 

Ganu’n ‘yong mga naririnig namin before. S’yempre, until now. Kumbaga, may mga haters pa rin d’yan na talagang ibabalik nila kung anong nangyari nu’ng 2004. E, ngayon, what? Sixteen years after. Pero ‘yon nga, you can’t run away from your past. 

“But the best thing to do is how can you show people na what happened to your past became a blessing sa future mo…”

“Blessing pa rin for us kasi alam ni God na matibay kami,” pagpapatuloy pa ni Marco. “Itong ganitong klaseng tragedy na nangyari sa family namin, it all made us stronger… Nagka-foundation kami.

“Daddy namin naging pastor sa loob ng kulungan,” dagdag pa n’ya. “The first year na nakulong s’ya, na-born again s’ya sa kulungan. So for us, that was the biggest turning point of our lives. Kasi nu’ng na-born again ‘yong tatay namin lahat kami nag-change.

Ang daddy daw nila ang nagpatibay ng faith nila nang makapagpiyansa ito at pansalamantalang nakalabas ng kulungan nu’ng 2007. 

“And then when he got out in 2007 on bail, one thing that he did was to put us to church,” pagbibida naman ni Gita. “As in pinaupo n’ya kami nakahilera sa first row kasi s’ya ‘yong nagsasalita.

“Every Thursday, Bible study sa bahay—sapilitan,” singit naman ni Marco. “Kung hindi papagalitan ka ni Papa.”  

Dugtong naman ni Gita: “Nine years ‘yon na ganu’n kaming lahat. Pero sa nine years na ‘yon, dahil undeniable ang presence ni God sa buhay namin at kung paano binago ang tatay namin, isa-isa kaming nagka-relationship with Him.

Taong 2014 nang mahatulan si Dennis Roldan ng korte ng lifetime imprisonment dahil sa kinasangkutan n’yang kaso. Pero kahit ganu’n daw ang nangyari, hindi daw nakaranas ng gutom sina Gita. 

“And I can say na I’m the living proof na hindi kami nagutom kahit na nangayari ‘yon sa daddy namin,” pahayag n’ya na ikinatawa nina Marco at Michele. 

Ikinuwento pa n’ya ang isa sa mga pagsasakripisyo ng kanilang ina para maitaguyod silang magkakapatid. 

“Pero one thing I remember talaga… Bida na naman si mama dito,” lahad ni Gita. “Kasi kunwari, pupunta kaming [McDonald’s], lahat kami may tig-iisang burger, s’ya magsa-sacrifice. Wala s’yang burger for some reason. Siguro nagtitipid s’ya or something. 

Pero kakagat s’ya tig-iisa sa burgers namin. Never ko na-gets ‘yon. Parang, ‘Bat di ka na lang mag-order?’ ‘Di ba, as a kid, ‘Akin ‘to, ah. Ba’t di ka na lang mag-order?’ 

Pero looking back, grabe talaga ‘yong sacrifice ni mama,” sey pa ni Gita. “And never naming nakita na nag-away sila ng daddy namin. Never n’ya pinakita na hate n’ya si Papa or something. It was all love. As in, everything na we received from mama, lahat ng tinuro n’ya sa ‘min was just to love, forgive, and to stay together as a family. I always say, hindi kami mayaman, guys. Pero ‘yong kayamanan namin talaga, pamilya, relationship with God.”

Pahabol naman ni Michele: “Kung ano ‘yong nangyari sa parents natin, it doesn’t define who we are. It doesn’t define our choices, our life, our future.”

PANOORIN ang kabuuan ng vlog ni Marco kung saan ibinahagi nila ng kanyang mga kapatid for the first time ang pinagdaanan ng kanilang pamilya dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.