Marco Gumabao, abswelto sa controversial vlog ni Donnalyn Bartolome

Naging maingay ang nag-viral, at naging No.1 trending entry sa YouTube ang “Extreme Last To Leave The Pool Wins 1 Million” pesos challenge YouTube vlog ng singer-actress and vlogger na si Donnalyn Bartolome mula noong in-upload noong May 11.  Ito ay dahil nagkaroon ng tension between Donnalyn, na siyang host ng pa-challenge, at two of her guests, ang aktor na si Marco Gumabao at ang komedyanteng si Super Tekla.

PHOTOS: @gumabaomarco & @oomphtvph on Instagram

Naging maingay ang nag-viral, at naging No.1 trending entry sa YouTube ang “Extreme Last To Leave The Pool Wins 1 Million” pesos challenge YouTube vlog ng singer-actress and vlogger na si Donnalyn Bartolome mula noong in-upload noong May 11. Ito ay dahil nagkaroon ng tension between Donnalyn, na siyang host ng pa-challenge, at two of her guests, ang aktor na si Marco Gumabao at ang komedyanteng si Super Tekla.

As of press time ay may 4.4 plus million views na ang controversial na  “Extreme Last To Leave The Pool Wins 1 Million” pesos challenge YouTube vlog ng singer-actress and vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Naging maingay ito, nag-viral, at naging No.1 trending entry sa YouTube mula noong in-upload noong May 11 dahil nagkaroon ng tension between Donnalyn, na siyang host ng pa-challenge, at two of her guests, ang aktor na si Marco Gumabao at ang komedyanteng si Super Tekla.

Kasama rin sa last-to-leave-the-pool challenge ang ilan pang celebrity vloggers na sina Donita Nose, ang vlogger and wedding videographer na si Albert Nicolas na kilala rin bilang si Asian Cutie, at ang music artist and vlogger na si Mika Salamanca. 

Aim kasi ni Donnalyn, through her #BoostAVlogger vlog series, na makapag-promote ng ibang vloggers para mas sumikat pa ang kani-kanilang vlogs.

Ang collaborative vlog ding ito ni Donnalyn ang way niya ng pagse-celebrate ng pagkaka-reach niya ng seven million YouTube followers. 

However, nagkaroon ng matinding backlash kay Marco Gumabao ang nasabing content. Sa naganap kasing tension ay lumabas na hindi sports si Marco at naakusahan ng netizens na mayabang at um-over umano ang pagiging competitive.

Ang akusa kasi nila Marco at Tekla ay madaya at magulo umano ang mga rules ni Donnalyn sa kanyang palaro. Wala rin umano sa usapan ang pagda-dagdag nito ng mga panibagong rules. Nagsimula ang mga protesta nang mai-deklarang “out” sina Marco at Tekla dahil sa mga violations na ayaw nilang tanggapin.

Pero marami ring netizens ang nainis kay Donnalyn at kumampi kina Marco at Tekla sa pagsusulong nilang madaya ay magulo ang mga rules ni Donnalyn sa kanyang palaro. May mga nagsabi ring maski siya ay sumusuway sa sarili niyang rules.

Kitang-kita sa video ang pagkaka-pikunan ng mga involved at kung paanong halos nagsisigaw na si Tekla sa panggi-gigil na sinususugan pa ni Marco na ayaw ding patalo sa katwiran.

Kitang-kita ring halos maiyak na si Donnalyn sa kaka-justify ng kanyang rulings.

Hindi natapos ang pa-event ni Donnalyn sa uploaded video at ipinakita lang na uuwi na sila Marco at Tekla nang hindi na tinapos ang game para malaman kung sino ang nanalo. 

Challenge gone wrong ang naging dating ng content.

Pero ngayong gabi May 13, two days after ng original upload, ay muling nag-upload ng karugtong na vlog si Donnalyn, kung saan ipinakita nang prank lang pala ng mga guest vloggers ang lahat at sina Marco at Tekla ang nabigyan ng lead roles kumbaga sa pangpa-prank. Abswelto si Marco sa mga bash ng netizens dahil nagro-role play lang naman pala ito.

Dito naging malinaw na napaglaruan lang pala si Donnalyn at lumabas ang winner, as promised earlier in the first video, ay mapupunta sa mga loyal subscribers ng YouTube Channel ni Donnalyn.

 

THE BACK STORY

Pinag-usapan ang “Last To Leave The Pool Wins 1 Million” vlog hindi lang dahil sa intensity ng challenge involved kundi dahil nga sa “pagkakapikunang” naganap between Donnalyn herself at kanyang mga guests, partikular sina Marco at Super Tekla.

Ang extreme pa-challenge ni Donnalyn ay may catch na maglalagay ng kung anu-anong may “fear factor” na bagay sa pool ang facilitating team ni Donnalyn.

Kay Donnalyn manggagaling ang papremyo sa challenge kung saan kasali rin s’ya sa mga maglalaro. At ayon sa kanya, wala siyang alam sa kung ano ang mga ilalagay na bagay ng officiating staff sa pool. Sabi pa n’ya, kung s’ya daw ang mananalo ay ibibigay n’ya sa kanyang mga subscribers ang premyo. 

Sa simula ay ipinakita nang lumublob sa pool ang mga challengers.

At habang tumatagal ay nilalagyan na nga ng mga taga-officiating team ang pool ng mga ipis at palaka. Hindi naman ito ikinatinag ng mga manlalaro.

Nagkaroon din ng pagkakataon na pinag-blindfold ang mga celebrities na kalahok habang nakalublob pa rin sa pool para kapain ang kanilang pa-meryendang galing sa sa Botejyu at Wing Zone.

Later on ay nag-warning na si Donnalyn sa kanyang co-challengers ng: “Teka lang, guys. Explain ko lang ha. Hindi ko alam lahat ng ilalagay dito. Pero guys nagpatawag na ako ng medic.”

Pinapirma din sa waiver ang lahat ng kasali dahil medyo intense na ang susunod mangyayari. 

Kung noong umpisa ay mga ipis at palaka ang inilagay sa pool, ni-level up ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga buhay at naglalakihang ahas.

Bukod sa tilian ay wala pa ring natinag among the challengers.

After a few minutes inalis ang mga ahas sa pool at ipinalit naman ang mga maliit na buwaya.

Dito na na-out si Donita dahil umakyat s’ya sa railings ng pool. Maluwag naman n’yang tinanggap ang pagkatalo. 

Maya-maya ay si Marco naman ang nakitang umupo sa railing at inangat n’ya din ang kanyang mga paa. 

Nang makita ito ni Donnalyn ay sinabi n’yang out na sa game si Marco pero hindi pumayag ang aktor dahil wala naman daw ‘yon sa rules. 

Makalipas pa ang ilang sandali ay sabay-sabay nang pinakawalan ang mga ahas at buwaya sa pool. 

Dito na nagsaad ng panibagong rules na bawal nang umahon mula sa tubig ang mga kalahok at may itinakda ring area sa pool na kung lalagpas ang sinuman doon ay ma--a-out na s’ya.

Sa hindi sinasadyang pangyayari ay lumagpas si Tekla sa itinakdang area kaya sinabihan s’ya ni Donnalyn na tanggal na s’ya sa laro. 

Tugon naman sa kanya ni Tekla, “Wala naman sinabing [bawal] lumagpas. Ang sabi [bawal] umangat.  Ang labo naman ng mga rules ninyo.”

Sinigundahan naman ito ni Marco na ilang ulit ding pina-alis sa pool pero nagmatigas s’ya. 

Dagdag-protesta pa ni Tekla kay Donnalyn: “Late ka nagsabi ng rules. Dapat bago mag-start ang [challenge] pa-clear lahat ng rules. Kasi competition ‘to, e.

Sa huli, sinabi ng nasa officiating team na tatlo na lang ang kasali sa challenge at ‘yon ay sina Donnalyn, Mika at Asian Cutie. 

Pag-alis nina Marco at Tekla sa pool ay napatanong si Donnalyn sa viewers kung pina-prank daw kaya siya noong dalawa?

“Is it a prank? I want to know if I really disrespected. Grabe ito. Hindi pa ako na-ganito sa collab before,” himutok pa ng singer-actress.

Pagkabihis ng mga na-out na siya Marco at Tekla ay nagpaalam na ang mga ito para umuwi kahit hindi pa natatapos ang laro. Natigil na ang video sa puntong ito at hindi malinaw kung sino ang nanalo.

Umabot sa punto na idinelete ni Donnalyn ang nasabing vlog at naglabas ng hinaing sa kanyang verified Facebook Account na ang basa ng Netizens ay patama kina Marco at Tekla.

“Deleted na yung vlog okay na tayo?” panimula n’ya sa kanyang FB post, published as is.

“1M yunn. 1M. 1 Million pesos galing saakin mismo yung pera na yun. Tingin niyo madali lang ibibigay ang 1M? 

“Malamang may ahas at crocodile dun kaya mas okay magsialisan na lahat sa pool, nangangagat talaga yung mga buhaya na yun. Kaya nga tayo may waiver at medic kasi unsafe,” pagda-justify ni Donnalyn sa kanyang ruling.

“Kaya ko doblehin yang 1M na yan making content with you guys, kikitain natin yan kahit di kayo manalo so sana walang pikunan.”

Dagdag pa n’ya, “Sayang friendship grabe...

“LAST TO LEAVE THE POOL WINS 1 MILLION PESOS tapos kailangan bawal new rules? Pwede umakyat sa railing for like 30 seconds and still be in the game? Come on,” pagtatapos ni Donnalyn.

 

Deleted na yung vlog okay na tayo? 1M yunn. 1M. 1 Million pesos galing saakin mismo yung pera na yun. Tingin niyo madali...

Posted by Donnalyn on Monday, May 10, 2021

Ang Facebook himutok na ito ni Donnalyn ang pinik-up ng mga media outlets noong araw ding ’yon.

That same day din, May 11 ay nag-desisyon si Donnalyn na muling i-upload sa kanyang YouTube ang nasabing tensyonadong content.

Kahapon naman, May 12, ay muling nag-post ng saloobin si Donnalyn sa Facebook, this time, ay inisa-isa niyang sagutin ang mga akusa ng Netizens na pandaraya niya umano.

 

1. Ako tumatayo? Madaya? Pakitaan ko kayo lahat ng raw clips. Lahat tumatayo sa pool na yan after I said lumubog sila.....

Posted by Donnalyn on Tuesday, May 11, 2021


 

MORE QUESTIONS

Sa Part 2—ang EXTREME LAST TO LEAVE THE POOL PART 2 (THE TRUTH + RAW CLIPS)—na in-upload ngayong araw, May 13, ipinakita ngang prank lamang ang lahat at ang tunay na mananalo ng P1M ay ang mga subscribers ni Donnalyn.

Pero ang namumuong tanong naman ngayon ay kung aware daw kaya si Donnalyn na prank lang ang lahat nang mag-emote siya sa Facebook ng dalawang beses?

Aware din kaya sina Marco at Tekla na magpo-post ng ganoon si Donnalyn?

If they’re all in on these, viewers ang tunay na biktima dahil natangay nila tayo. Pero happy ending pa rin dahil marami namang matutulungan ang P1M na ipamimigay ni Donnalyn.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marco Gumabao at mga kapatid, binalikan ang alaala ng pag-aresto sa tatay nilang si Dennis Roldan

Sa mga crushes niyang sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, at Ivana Alawi... si Ivana ang pantasyang dyowain ni Marco Gumabao

Marco Gumabao, inaming nakatanggap ng indecent proposal worth P2 million

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.