Magpapasabog na naman ng kilig ang tambalang MarVen nina Marco Gallo at Heaven Peralejo via their new film, Men Are From QC, Women Are From Alabang.
Malayo na rin ang narating ng kanilang tandem mula nang pagtambalin sila sa matagumpay na teen romantic drama series na The Rain in España na inilapag sa streaming app na Viva One noong Labor Day last year.
Nasundan pa ito ng pelikulang sa “The Ship Show” at bagamat hindi sa kanila naka-pokus ang story ay naging integral part din ng equally successful na follow-up university series na Safe Skies, Archer ang kanilang tambalan.
Kaya naman maituturing na anniversary offering ng kanilang tandem ang Men Are From QC…, ang pinakabagong obra ni Direk Gino Santos, na base sa best-selling book ni Stanley Chi na may kaparehong titulo.
Sa romantic drama’ng ito ay tatalakayin ang kuwento ng magkarelasyon na magkakalabuan dahil haharapin nila ang ilang pagsubok tungkol sa paglago, kasiguraduhan sa isa’t-isa, seguridad at ang litetal na distansya nila sa isa’t isa (QC and Alabang) na nakaka-apekto sa kanilang relasyon.
Although personally, hindi raw naniniwala ang bidang si Heaven na hadlang ang distansya sa tagumpay ng isang relasyon.
“I think distance should not be a hindrance in any relationship. Iyong LDR kaya naman, kaya naman siyang mag-work. Basta mahal mo iyong tao. Kaya lahat, kahit gaano kalayo,” paliwanag niya.
Ganoon din ang paniniwala ni Marco lalo pa’t makabago na raw naman ang teknolohiya ng komunikasyon sa kasalukuyan.
“With the advent in technology, there are many ways to connect, so I think it should not be a problem also,” ani Marco.
Dagdag pa nila, never pa rin daw naman silang nakaranas ng long-distance relationship sa tunay na buhay.
“Sa akin, walang distance sa past ko. Also because as a person medyo clingy ako…I also want space,” say ni Heaven.
Sa kaso naman ni Marco, naging praktikal lamang daw siya dahil magastos daw kapag na-involve sa LDR.
Samantala, dahil sa kanilang sobrang closeness ngayon at tila galawang-magdyowa na, so to speak, natanong ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
“Feeling ko nasa Ortigas na tayo,” ani Marco na tila referring sa panunuyo niya kay Heaven. “We’re halfway na…. we’re halfway papuntang babymaking. It’s a joke,” birong bulalas ng aktor na agad din niyang kinambiyohan.
“No. Ah. You know, working with Heaven is just this love-hate relationship we have. And I just love it. Sometimes it could be fun. Sometimes, you just feel falling in love and sometimes you feel like hating each other. We’re like that.
“We’re just so comfortable with each other that you just can’t help than being yourself and so you don’t wanna ruin it. You just try to be friends but sometimes you can’t help it. Some things come out of your mouth and wondering if it’s the right thing to say.
“So I feel at one point, we’re really trying to enjoy each single day we have and taking it slowly until now after a year,” pahayag ni Marco.
Sey naman ni Heaven, bagamat ilang beses na silang nagkasama sa mga proyekto ni Marco, ay marami pa silang dapat madiskubre sa isa’t-isa.
“Halfway pa rin kami. Kasi ang dami pa naming kailangang malaman sa isa’t-isa. Ang dami pa naming dapat na matutunan sa isa’t-isa. So, yes, meron kaming love-hate relationship and I think, it’s good. It gives color.
“And doon sa love-hate relationship, we learned to be better persons afterwards. Natututo kang maging humble, mawala iyong pride. Iyong mga ganoong bagay. Mga little things like that and actually it builds, you know, the future,” saad ni Heaven.
Hirit naman ni Marco, feeling daw niya ay nakatali na siya kay Heaven maliban na lang na hindi pa sila kasal.
“You know what it feels, it feels like a marriage without a ring, makahulugang pahayag ng aktor.
Ang Men Are From QC, Women Are From Alabang ay kuwento ng love story nina Tino (Marco Gallo) at Aica (Heaven Peralejo) mula sa kani-kanilang point of view.
Sina Tino at Aica ay dalawang magkasalungat na tao na magtatagpo sa trabaho at mahuhulog sa isa’t-isa. Kahit na may kanya-kanyang problema at maraming pagkakaiba, hindi nila mapipigilang magkagusto sa isa’t-isa at mananatiling matibay ang kanilang relasyon habang sinisimulan nila ang kanilang mga trabaho.
Pero nang lumipat nang ibang trabaho si Tino, dadaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon. Magkakaroon ng distansya sa pagitan nila, bibigat ang responsibilidad nila sa kanilang mga trabaho at magiging mahirap sa kanila ang paglalaan ng oras at enerhiya para magkita sila nang madalas.
Hanggang kailan magtatagal ang isang relasyon na kulang sa pagpapakita ng emosyon at oras? Tuluyan na lang kaya silang mawalan ng pagmamahal para sa isa’t-isa? Magawan pa kaya ng paraan nina Tino at Aica na sagipin at ayusin pa kung anong mayroon sila o sadyang hindi sila para sa isa’t-isa.
Ang mga katanungang ito ay sasagutin sa romantic-drama na Men Are From QC, Women Are From Alabang na handog ng Sari-Sari Network, Inc. ng Viva Films at MediaQuest Ventures. Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula May 1.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber