Marcelito Pomoy, ang multi-voice piece na “We Are the World” daw sana ang gustong kantahin sa AGT grand finals

Hindi lang daw dalawang voices sana ang gagamitin niya pag nagkataon. Nakaka-intriga tuloy kung paano niya itatawid ang multi-voices piece na ito na never pa niyang in-attempt gawin locally. Ang “We Are The World,” na sinulat pa ng yumaong si Michael Jackson ay ni-record ng mga bigating international singers noong 1985 para makalikom ng pondo para ipantulong sa mga dumaranas ng famine sa Africa. Bukod kay Michael, ilan sa mga kasamang kumanta sa historic single ay sina Tina Turner, Lionel Richie, Prince, Bob Dylan, at Cindy Lauper. Ang bongga sanang panoorin kung paano sasapian ng mga singers na ito si Marcelito.

Photos/Video: Anna Pingol

Hindi lang daw dalawang voices sana ang gagamitin niya pag nagkataon. Nakaka-intriga tuloy kung paano niya itatawid ang multi-voices piece na ito na never pa niyang in-attempt gawin locally. Ang “We Are The World,” na sinulat pa ng yumaong si Michael Jackson ay ni-record ng mga bigating international singers noong 1985 para makalikom ng pondo para ipantulong sa mga dumaranas ng famine sa Africa. Bukod kay Michael, ilan sa mga kasamang kumanta sa historic single ay sina Tina Turner, Lionel Richie, Prince, Bob Dylan, at Cindy Lauper. Ang bongga sanang panoorin kung paano sasapian ng mga singers na ito si Marcelito.

Alam na nga ng lahat ng sumubaybay sa journey ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent: The Champions, kung saan pinaglaban-laban ang mga piling champions ng iba’t-ibang AGT franchisees ng mga bansang meron nito. Si Marcelito ang na-produce na grandwinner ng PGT o ng Pilipinas Got Talent noong 2011.

Naging emotional ang mga Pinoys nang okrayin ni Simon Cowell—sa mga leaked videos ng taped finale performance ni Marcelito na kumalat online bago paman maipalabas sa US TV—ang pagkakapili ni Marcelito sa “Beauty and the Beast” biglang finale piece niya. Predictable umano ito at hindi pang-grand finals level. Na-boo tuloy si Simon ng audience.

Pero nauna na rito ay nakapag-post si Marcelito ng hinaing niya sa Facebook na hindi umano siya nabigyan ng hand para mamili ng kantang gusto niya at pinagdiinan niyang ang mga tao daw ni Simon umano ang nagde-desisyon nito. Kalaunan ay tinanggal ni Marcelito ang nasabing post niyang iyon, na ang hinala ng marami ay inutusan siya ng nga taga-AGT.

Si Simon, bukod sa pagiging isa sa mga judges ng show, ay siya ring executive producer ng AGT kung kaya’t may say ito sa mga nagaganap sa show.

Pero sa mga sumunod na post ni Marcelito sa Facebook, na ang iba ay kalat na rin sa Youtube, sinabi niyang wala na umanong oras mga taga-AGT para aralin pa ang mga bagong piyesa for him dahil “sumasakit na rin ang ulo nila.” Napaka-lame ng dahilan kung ito man ang ipinaniwala nila kay Marcelito. At base na rin sa post ni Marcelito, ang naging stand niya ay makipag-cooperate na lang daw. At hinilingan pa niya ang mga supporters na “relax” nalang daw.

Ganito rin, more or less, ang laman ng mga pahayag ni Marcelito nang saglit siyang makausap ng pikapika.ph sa 57th birthday party ni Senator Jinggoy Estrada kagabi, February 17, na ginanap sa isang private event place sa Mandaluyong City, kung saan siya ang main performer.

“Ganito po kasi ang nangyari... Actually wala na po kasing time para ’yong binigay kong kanta para pipilian pa nila,” medyo vague na tsika ni Marcelito sa amin. “So, ’yong ibang songs kasi hindi na nila masyado in-aprubahan kasi wala na talagang oras. 

“And then that time parang hindi naman as in si Simon talaga ang umano [pumili] ng kanta...kumbaga, ’yong crew niya ang nagba-base sa sinasabi ni Simon na para maiba naman. Parang gano’n po.”

Sakto naman na kinabukasan, February 18, ay ie-ere na sa America ang pagtatanghal ng grand winner. 

Bungad na tanong namin ay kung totoo ba ang balitang natalo na siya kaya nga’t nasa Pilipinas na siya sa ngayon?

“Hindi ko muna p’wedeng sabihin kasi bukas pa ang [airing ng] resulta, e,” nakangiting tanggi ng man of the hour.

“Manalo, matalo man, at least proud ako bilang Filipino kasi isang malaking karangalan po para maging representative sa ibang bansa.”

Ani Marcelito, hindi raw sila nagka-chance magkaharap ni Simon Cowell, pero sigurado daw na alam na nito sa ngayon #JusticeforJoselitoPomoy sentiments ng mga Pinoy na sangkot si Simon dahil nga sa hindi nito pagkaka-gusto sa flawless last performance niya gayong mga tao naman pala nito ang namili ng piyesa niya. In short, tila na-set up siya to fail. Na-bash tuloy si Simon dahil dito.

“Ewan ko. No comment na ako d’yan. . . hahaha!” natatawang iwas pa niya.

Pero come September daw ay may bagong paimbita ang AGT sa kanya. Hindi pa raw malinaw ang mga detalye pero sana raw ay matuloy ito.

“Pero hopefully, ewan ko lang pero sana matuloy this coming September daw inimbita nila ako ulit para mag-perform para sa... hindi ko alam kong ano’ng klaseng event pero... not sure pa.

September sana matuloy. Parang gano’n din po yata parang talent show rin po.”

Kaninang umaga ay pumutok na nga ang balitang 3rd runner up lang ang nakopo ng crowd favorite na si Marcelito. 

Pero si Simon na rin ang nagbanggit, after nitong pulaan ang “song choice” ni Marcelito, na he believes our guy has a massive career in front of him.

At ’yon din naman ang ipinagpapasalamat ni Marcelito, hindi lang sa AGT, kungdi sa pinagmulan niyang PGT (Pilipinas Got Talent).

“Actually kahit noong nag-uumpisa palang naman ako mag-audition [sa PGT] marami ng mga international [promoters] na kumukuha talaga sa akin,” pagtatapat ni Marcelito.

“At ngayon, napaka-laking tulong sa akin ng AGT... kung hindi po dahil sa kanila at hindi po ako nakilala... siguro wala, wala talaga. Pero ngayon nakilala po sa buong mundo. Ang dami-daming blessings na dumating sa akin. So, pasalamat pa rin ako. No matter what happened, anuman mangyari sa akin sa AGT, pasalamat pa rin ako. Kasi kung hindi man nangyayari ito, hindi ako makilala sa mundo.” 

Bilang pang-huling tanong, we asked Marcelito na kung nabigyan siya ng free hand, ano kaya ang piyesang pang-gulat sana niya sa grand finals imbes na “Beauty and the Beast?”

“We Are the World!” bulalas niya. 

Hindi lang daw dalawang voices sana ang gagamitin niya pag nagkataon. Nakaka-intriga tuloy kung paano niya itatawid ang multi-voices piece na ito na never pa niyang in-attempt gawin locally.

Ang “We Are The World,” na sinulat pa ng yumaong si Michael Jackson ay ni-record ng mga bigating international singers noong 1985 para makalikom ng pondo para ipantulong sa mga dumaranas ng famine sa Africa. Bukod kay Michael, ilan sa mga kasamang kumanta sa historic single ay sina Tina Turner, Lionel Richie, Prince, Bob Dylan, at Cindy Lauper.

Ang bongga sanang panoorin kung paano sasapian ng mga singers na ito si Marcelito.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.