Malia O’Brian, ayaw nang magka-boyfriend pa ang mommy niyang si Pokwang

Ipinangako ni Pokwang na ang mga anak n’yang sina Mae at Malia ang priority n’ya sa buhay kesa sa ang pagkakaroon ng boyfriend.

PHOTOS: @maesubong on Instagram

Ipinangako ni Pokwang na ang mga anak n’yang sina Mae at Malia ang priority n’ya sa buhay kesa sa ang pagkakaroon ng boyfriend.

Hindi napigilang matawa ng komedyanang si Pokwang sa hirit sa kanya ng anak n’yang si Malia O’Brian

Sa video kasi na ipinost ng Kapuso comedienne-TV host sa kanyang Instagram Story kahapon, April 2, sinabi ng anak n’yang ayaw nitong magkaroon pa s’ya ng bagong karelasyon.

“Mama, I love you,” panimulang paglalambing sa kanya ni Malia sa video.

“I love you too,” tugon naman ni Pokwang sa kanyang anak.

Kasunod nito ay ang hirit ng bagets na ikinagulat n’ya.

“And I don’t want you to get a boyfriend,” deklara ng kanyang six-year-old daughter.

Nagulat naman dito sa Pokwang kung kaya’t tinanong n’ya ito kung anong dahilan.

“Huh? Why? Why? Why?” sunod-sunod na tanong ng celebrity mom.

Pero malayo ang naging sagot ni Malia sa tanong n’ya.

“Because I saw it from my ipad, Mom,” saad nito na ikinahalakhak n’ya.

“Ano daw? Hahahaha! Chururot Bumble Bee?” pa-beking tanong n’ya rito.

“No. You’re the one being chururot Bumble bee,” natatawang balik nito sa kanya.

Sa inilagay naman na text ni Pokwang sa video, tiniyak n’ya kay Malia na ito at ang ate nitong si Mae ang priority n’ya sa buhay kesa ang paghahanap ng bagong karelasyon.

“Ayaw niya ako mag-boyfriend! Kasi nga yung ama kung siney siney na chaka ang ka-join hahahah,” pahaging pa n’ya sa nakahiwalayang si Lee O’Brian na father ni Malia.

“Don't worry nak, ikaw at si ate lang ang priority ko. Pangako yan,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: @itspokwang27 on Instagram

Matatandaan na naghiwalay sina Pokwang at Lee noong November 2021 pero naisapubliko lang ito noong July 2022, at ayon sa aktres sa isa n’yang interview ay nag-ugat umano iyon sa pagiging ma-pride ni Lee.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pokwang, may bagong banat sa kanyang mga bashers; “Sige, invalidate pa more!”

Pokwang, may bagong patutsada kay Lee O'Brian: “Ayun nagpaka ama na naman sa SOCMED! ANG KAPAL!!"

Pokwang, nanawagan sa online followers na mag-unsubscribe at mag-unfollow sa mga hindi nabawing social media accounts mula kay Lee O’Brian

Pokwang, iginawa ng bagong IG account si Malia; may resbak din sa mga nag-a-akusang “bitter” siya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.