Maine, nakuyog tungkol kay Arjo

PHOTO: Anna Pingol

PHOTO: Anna Pingol

Kapansin-pansin na wala si Arjo Atayde sa grand media conference ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles kahapon. Matagal hinintay ng mga movie press at showbiz bloggers ang event na ito sa pag-aakalang sa kauna-unahang pagkakataon ay makukuhanan ng larawan sina Arjo at Maine Mendoza together at kung sakali, ay mahingan din ng pahayag tungkol sa balitang pagkakamabutihan nila sa kasalukuyan.

 

Ngunit bigo ang lahat dahil walang Arjo na sumipot. Wala ring ibinigay na dahilan pero ang bulung-bulungan ay para na rin hindi maka-agaw ng atensyon ang tinagurian ngayong ArDub (Arjo-Yaya Dub) sa iba pa pang stars ng pelikula.

 

Nakiusap din ang mga namamahala ng press conference na mag-stick lamang ang mga press sa mga tanong na relevant sa pelikula at iwasan ang mga personal questions. Nangyari naman ito. Pero matapos i-announce ang pagtatapos ng press conference ay agad na sinugod ng mga press—kabilang ang pikapika.ph— si Maine Mendoza na noon ay nagtatangka na sanang pumuslit backstage.

 

Hindi na ito nakaiwas. Bumwelo sandali ang mga members of the press pero may ilang naglakas-loob na tanungin si Maine ng direkta tungkol kay Arjo.

 

Pero pinanindigan ni Maine na magka-ibigan lang sila ni Arjo at kung lumalabas man sila ay bilang magka-ibigan pa rin.

 

 “S’yempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?” maikling pangangatwiran ni Maine.

 

Nang magpursige pa ang mga press ng ilang tanong ay nagbiro nalang si Maine na: “Hindi n’yo nga tinanong dito [sa question and answer], pero kinorner niyo naman ako! Hahaha!”


Narito ang portion ng video ng nasabing interview:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.