Maine Mendoza, pumalag sa umano’y “misleading article” tungkol sa European trip nila ni Arjo Atayde; Inquirer stands by their story

Sa kanyang buradong X post, pinaalalahanan ni Maine ang netizens na maging mapanuri sa mga balitang nababasa nila, katulad na lang umano ng tungkol European trip nila ng mister n’yang si Arjo Atayde. “Next time yung mga magagaling nating netizens kung walang time mag fact check, huwag padalos-dalos sa pa react. Mema minsan. Pati kayo nagpapaloko sa maling balita at impormasyon. Sayang ang pagiging ‘woke’ kung lahat nalang papaniwalaan,” pagre-remind ng aktres.

PHOTO: @mainedcm & @im_j_mainer on Instagram

Sa kanyang buradong X post, pinaalalahanan ni Maine ang netizens na maging mapanuri sa mga balitang nababasa nila, katulad na lang umano ng tungkol European trip nila ng mister n’yang si Arjo Atayde. “Next time yung mga magagaling nating netizens kung walang time mag fact check, huwag padalos-dalos sa pa react. Mema minsan. Pati kayo nagpapaloko sa maling balita at impormasyon. Sayang ang pagiging ‘woke’ kung lahat nalang papaniwalaan,” pagre-remind ng aktres.

Pinalagan ng TV host-actress na si Maine Mendoza ang umano’y fake news tungkol sa nakatakdang biyahe nila ng mister n’yang si Quezon City Rep. Arjo Atayde.

Sa kanyang pahayag sa X (formerly Twitter), pinalagan ng newly-married actress ang ulat ng INQUIRER.net tungkol sa biyahe nila ng asawa n’yang actor-politician sa Switzerland, Itay, and Greece few days after ng kanilang private wedding sa Baguio City.

Nakasaad kasi doon na parte umano iyon ng “official trip” ni Arjo bilang vice chairperson ng House special committee on creative industry and performing arts.

Magkasama umanong dadalo sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland ang bagong kasal dahil kabilang sa festival ang pelikula ni Arjo na “Topakk.”

RELATED STORY: Arjo Atayde, Maine Mendoza to fly to Switzerland, Italy and Greece after wedding

Inalmahan ni Maine ang balitang ito at tinawag n’yang “fake news” ang nasabing article.

“Huh? Fake news na naman. This seems to be written by an uninformed and privy writer. The headline is misleading and FALSE,” pahayag ng E.A.T. host sa kanyang now-deleted social media post.

Oo nga’t pupunta raw sa Switzerland si Arjo sa festival pero tila malisyoso umano ang dating sa kanya na tawaging “official trip” ang kabuuan ng biyahe nila dahil sarili raw nilang pera ang gagamitin sa nasabing travel. 

“Arjo will go to Locarno as his film is part of the Locarno film fest. Our PERSONAL trip after that is at PERSONAL expense.. out of our OWN pockets,” diin pa n’ya.

SCREENSHOT: @mainedcm on X

Sa kasunod n’yang X post, na deleted na rin, pinaalalahanan ni Maine ang netizens na maging mapanuri sa mga balitang nababasa nila. 

“Next time yung mga magagaling nating netizens kung walang time mag fact check, huwag padalos-dalos sa pa react. Mema minsan. Pati kayo nagpapaloko sa maling balita at impormasyon. Sayang ang pagiging ‘woke’ kung lahat nalang papaniwalaan,” pagre-remind ng aktres.

SCREENSHOT: @mainedcm on X

Dismayado rin si Arjo at tinawag na “very inaccurate… misleading and disappointing” ang ipinublish na article tungkol sa magiging biyahe nila. 

SCREENSHOT: @AtaydeArjo on X

Sa ngayon ay burado na rin ang post na ito ng kongresista.

Nakarating naman sa INQUIRER.net ang reaksyon ng mag-asawa pero sa panibago nilang article, pinanindigan nila ang kanilang sinabi na “official trip” ang pagpunta nina Arjo at Maine sa ilang European countries.

Mapapatunayan daw nila ito ng mga dokumento mula sa kanilang sources.

“INQUIRER.net is standing by the story, as this is backed by documents, and obtained from highly-placed sources. It is also not inclined to disclose its sources. A document secured by INQUIRER.net, however, was clear on the destinations covered by the ‘official trip,’” saad ng pahayagan sa kanilang article.

Iginiit din nilang “official trip” talaga ang byahe ni Arjo from August 5 to 27 dahil sa kanyang posisyon sa kongreso na vice chairperson of the House special committee on creative industry and performing arts na nakabase naman daw sa statement na ini-release ng kampo n’ya sa media. 

Wala rin naman daw silang binanggit sa kanilang ulat na government funds ang gagamitin ng mag-asawa sa kanilang pag-alis. 

RELATED ARTICLE: Arjo Atayde, Maine Mendoza deny trip to Switzerland, Greece, Italy is ‘official’; INQUIRER.net stands by story

However, hindi pa rin nakuntento rito si Maine at sinabing “misleading” umano ang panibagong article dahil sa kulang ito sa context.

“The article is still misleading and lacking context. It insinuates that this trip is at government expense. There are two kinds of ‘official’ travels and I hope you include that in your article and where this trip falls under,” panawagan n’ya sa INQUIRER.net.

“I will probably be asked to delete this again but I shall say it again one last time, EVERYTHING is at PERSONAL EXPENSE. 100%. No government funds will be used. Hope you can insert that somewhere in your article. Salamat,” pagtatapos n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Newlyweds Arjo Atayde and Maine Mendoza released their full exhilarating Las Vegas prenup video, a day after their Baguio wedding

Pika's Pick: Arjo Atayde, together with his family, went to Maine Mendoza’s Bulacan residence for the traditional pamamanhikan

Art Atayde to the newlywed couple Arjo and Maine: “Gawa na kayo kaagad ng baby.”

Sylvia Sanchez, hindi pa rin makapaniwalang kongresista na si Arjo Atayde; “Di ko akalain darating ang araw na ’to sa buhay natin.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.