Maine Mendoza, itinangging galing sa kanya ang fake statement tungkol sa pakikipagrelasyon; "Wag agad maniwala sa mga nababasa online."

Ngayong naglipana ang fake news at fake statement mula sa mga celebrities, pinaalalahanan ni Maine Mendoza ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa nila sa social media.

PHOTO: @mainedcm on Instagram

Ngayong naglipana ang fake news at fake statement mula sa mga celebrities, pinaalalahanan ni Maine Mendoza ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa nila sa social media.

Pumalag ang actress-TV host na si Maine Mendoza sa isang pekeng statement na naka-attribute sa kanya.

May nag-upload kasi ng wedding photo nila ng husband niyang si Arjo Atayde sa social media at kalakip noon ang isang statement tungkol sa pakikipagrelasyon na galing umano sa kanya.

Narito ang laman ng statement sa quote card:

"Girls, tandaan niyo na it's not about finding the right man. It's becoming the right man for you. Kapag hindi nagbago kahit sinabihan mo na. Iwan mo na." 

Nang makarating ito sa aktres kahapon, March 21, agad niyang itinanggi na nanggaling sa kanya ang pahayag na iyon.

Puwede nga naman kasing magkaroon iyon ng ibang interpretation at judgment mula sa mga makakabasa nu'n. 

Binalaan din ng Eat Bulaga co-host ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa nila sa social media.

"Uy, hindi ko po ito sinabi ha. Wag agad maniwala sa mga nababasa online," pahayag ni Maine sa kanyang Facebook post.

Sa ngayon ay burado na ang nasabing quote card.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maine Mendoza, pumalag sa umano’y “misleading article” tungkol sa European trip nila ni Arjo Atayde; Inquirer stands by their story

Pika's Pick: Newlyweds Arjo Atayde and Maine Mendoza released their full exhilarating Las Vegas prenup video, a day after their Baguio wedding

Pika's Pick: Arjo Atayde, together with his family, went to Maine Mendoza’s Bulacan residence for the traditional pamamanhikan

Pag-amin ni Alden Richards na na-fall siya noon kay Maine Mendoza, negative ang dating sa netizens

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.