Maine Mendoza, inaming nagka-crush nang “slight" kay Carlo Aquino

Ayon kay Carlo, walang imik noong una si Maine pero talagang kalog daw pala ito nang lumaon. Gano’n din naman ang impression ni Maine kay Carlo. Akala niya ay gaya ito nang napanood niyang character nito sa isang pelikula na masyadong seryoso pero kabaligtaran din daw pala.

Photos: Anna Pingol & Black Sheep Productions

Ayon kay Carlo, walang imik noong una si Maine pero talagang kalog daw pala ito nang lumaon. Gano’n din naman ang impression ni Maine kay Carlo. Akala niya ay gaya ito nang napanood niyang character nito sa isang pelikula na masyadong seryoso pero kabaligtaran din daw pala.

Malakas ang on-screen chemistry nina Maine Mendoza at Carlo Aquino and even in person, mukang jibe na jibe na ang dalawa dahil matindi nang mag-alaskahan. Ito ang agad napansin ng mga entertainment press sa dalawa during the press conference ng Isa Pa, With Feeelings ng Black Sheep productions last September 30 sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma mall, Quezon City.

 

Pero hindi naman daw naging mabilis ang proseso para maging in synch agad ang mga personalities nila. Ayon kay Carlo, walang imik noong una si Maine pero talagang kalog daw pala ito nang lumaon.

 

Gano’n din naman ang impression ni Maine kay Carlo. Akala niya ay gaya ito nang napanood niyang character nito sa isang pelikula na masyadong seryoso pero kabaligtaran din daw pala.

 

Pero na-excite daw si Carlo nang malaman niyang si Maine ang makakapareha niya.

 

“S’yempre excited saka s’yempre kinabahan,” pag-amin ni Carlo. “Kasi s’yempre ang laki no’ng fanbase nila [ni Alden Richards] tapos ako ‘yong sisingit. But more than that, excited talaga akong maka-trabaho siya dahil pinapanood ko lang dati ’yong mga dub-dub niya...”

 

“Ano’ng dub-dub?” singit na pang-aasar ni Maine. Sabay tanong na rin sa binata ng: “Ano muna first impression mo sa akin? Gusto ko ding malaman? Hindi ko pa rin natatanong sa’yo, e.”

 

“Quiet-quiet lang siya no’n, e, no’ng una?” sagot ni Carlo, directing his answer to the press. “Tapos no’ng tumagal-tagal, kalog-kalog pala...hindi mo akalain talaga na magiging gano’n.”

 

When Maine was asked the same question kung ano ang initial reaction niya nang malaman na ipapareha siya kay Carlo, ay biro ulit ang naging hirit ng komedyana.

 

“Nainis po ako...joke lang!”

 

Quickly, Maine added: “Siya po talaga ’yong gusto kong maging leading man. Kasi noon pong napanood ko ’yong movie nila ni Bela [Padilla], ’yong Meet Me [in St. Gallen], talagang ’yong admiration ko do’n sa character niya...kay Bela ...ewan ko po no’ng napanood ko siya, naging crush ko siya nang slight...”

 

Nang mapansin ni Maine na maraming kinilig sa sinabi niya ay agad itong kumambiyo: “Pero no’ng pag labas sa sinehan, nawala na rin naman.”

 

Turning serious again, she said: “So, siya talaga....iba siya sa sinehan, sa big screen. So, sabi ko kung magkaka-movie ako, sana mabibigyan ako ng chance na si Carlo ’yong makapareha ko.”

 

Incidentally, hindi raw ginawa ang Isa Pa, With Feelings as pantapat sa Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ng original ka-loveteam ni Maine na si Alden Richards opposite Kathryn Bernardo.

 

Tungkol kasi sa isang binatang deaf and mute at isang dalagang gustong mag-aral ng sign language ang istorya ng Isa Pa...Ayon sa director na movie na si Prime Cruz, nakita lang nilang bagay kay Maine ang role dahil very expressive ito at ma-gesture kaya in-offer nila at naswertihan namang nakuha nila si Maine. As for Carlo, na napaka-expressive naman ng mga mata, hands-down choice din daw ito ng production dahil alam nilang kayang-kaya ni Carlo’ng umarte nang hindi nagsasalita.

 

So, there.

 

Isa Pa, With Feelings is showing in cinemas October 16.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.