Maine at Coco, may inamin tungkol sa isa’t isa

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Karaniwan nang nali-link ang mga leading men sa kanilang mga leading ladies kapag nagsama ang mga ito sa pelikula man o sa TV project.

 

Ganito sana ang inaasahan kina Coco Martin at Maine Mendoza na nagsama for the first time sa isang higanteng movie project ng pinagsanib na pwersa ng M-Zet Productions (ni Bossing Vic Sotto), APT Entertainment (ni Mr. Tony Tuviera) at CCM Productions (ni Coco Martin) para sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Jack Em Popoy: The Pulis Credibles.

 

Pero imbes na kay Coco ma-link si Maine ay kay Arjo Atayde (na isa sa paboritong kontrabida ni Coco) nabaling ang mga bulung-bulungan na romantic linkage.

 

Ganu’n pa man ay natanong pa rin ang dalawa sa grand press confrerence ng pelikula na ginanap kahapon sa Cities Events Place sa Quezon City kung may pagkakataon bang naisip nila na baka “maging sila?”

 

Hindi inaasahan ng lahat ang naging sagot ni Maine, na sinegunduhan din ni Coco.

 

“Una po sa lahat, para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami [ni Coco],” esplika ni Maine. “Distant relatives po kami.”

 

Nalaman daw ni Maine ang tungkol dito two weeks bago nila simulan ang shooting ng Jack Em Popoy, kung saan love interest siya ni Coco, sa isang family reunion nila sa Bulacan. May family tree daw kasi doon at laking gulat niya na sa magkabilang dulo ng mga branches ay nandoon ang picture nila ni Coco.

 

Kinuwento raw niya ito kay Coco, na in turn ay nagtanong naman sa kanyang Lola kung may kamag-anak nga silang mga Mendoza sa Bulacan. Kinumpirma ito ng lola ni Coco sa kanya.

 

Malayong-malayong degree naman ang pagka-next of kin nila. Nakakatuwa lang na kapwa sila superstar ngayon.

 

Narito ang explanation ni Maine at Coco tungkol sa nadiskubre nilang ito tungkol sa isa’t isa.

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.