Maine at Alden, binati ang AlDubNation sa kanilang 4th anniversary

Binati ng tambalang Maine Mendoza and Alden Richards ang kanilang fandom na tinatawag na AlDub Nation para sa kanilang fourth year anniversary sa Twitter.

PHOTOS: @mainedcm on IG and screen grab on Alden and Maine's official Twitter accounts

Binati ng tambalang Maine Mendoza and Alden Richards ang kanilang fandom na tinatawag na AlDub Nation para sa kanilang fourth year anniversary sa Twitter.

Today marks the 4th anniversary ng tambalang Maine Mendoza and Alden Richards na kinilalang AlDub (Alden at Yaya Dub) na nabuo sa daily noontime show na Eat Bulaga.

Nagpatunay na marami pa ring members ng fandom ang nanatiling loyal at matatag ang suporta sa tinaguriang phenomenal “love team” dahil nag-trending ang iba’t-ibang hashtags na may kinalaman sa fourth anniversary ng AlDub sa Twitter.  

Sa Eat Bulaga na lang for now nakikitang magkasama sina Alden at Maine at sa ngayon ay kapwa sila busy sa respective projects nila na iba ang mga katambal. Pero hindi nakalimot ang magka-loveteam na batiin at pasalamatan pa rin ang ever-supportive nilang fans na tinatawag na AldubNation sa kanilang respective Twitter accounts. After all, kahit may mga kanya-kanya na rin silang solid fandoms, hindi pa rin mababalewala ang naging contribution ng AldubNation sa nging estado ng kanilang career at buhay sa ngayon.

Sa tweet ni Maine, nagpasalamat siya sa mga patuloy na nagmamahal sa kanila ni Alden.

She wrote: “Happy 4th anniversary, AlDub! Maraming salamat sa lahat ng tunay na nagmamahal at sumusuporta hanggang ngayon! Salamat sa lahat ng naging parte ng AlDub Nation sa loob ng apat na taon.” 

Habang si Alden naman ay nag-wish ng mas marami pang taon na puno ng pagmamahal at suporta mula sa kanilang fans. 

His tweet read: “To all solid ALDUBnation’s out there, maraming salamat sa 4 na solid na taon ng suporta at pagmamahal sa amin. More anniversaries pa ang pagdadaanan nating lahat. Maraming salamat sa INYO. #ALDUB4YearsUnrivaled.”

Maraming Dabarkads at fans ang natuwa sa kanilang gesture dahil patuloy pa din ang pagpapasaya nila sa mga ito despite their busy schedules. 

Happy Anniversary, AlDub!!

YOU MAY ALSO LIKE:

Alden, sumumpa: “Hindi pa tapos ang Aldub.”

AlDub tandem, tinitilian pa din

Alden, humingi ng negosyo tips kay Maine

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.