Maikling mensahe ni Sharon Cuneta sa mga naiwan ni dating Pres. Noynoy, tinawag na “plastic” ng isang basher; resbak ni Sharon: “Ang pakikiramay kailangan nobela?”

PHOTOS: @reallysharoncuneta & @krisaquino on Instagram

PHOTOS: @reallysharoncuneta & @krisaquino on Instagram

Hindi daw sincere si Sharon Cuneta sa pakikiramay nito sa pamilya Aquino sa pagpanaw ni dating pangulong Noynoy Aquino ayon sa isang netizen sa Instagram.

Kahapon kasi, June 24, araw kung kailan namaalam ang dating presidente, ay nag-repost ang aktres ng cartoon photo nito at nilakipan ‘yon nang maikling mensahe ng pakikiramay para sa pamilya Aquino na naka-address kay Kris.

“Deepest condolences to PNoy’s family on his passing. May God hold you all tightly in his arms as you go through this difficult time… @krisaquino,” sey ni Megastar.

Kasunod noon ay nag-post s’ya ng video ng isang organization na kumakalinga sa mga stray dogs, na sinundan ng another reposted photo ni PNoy mula sa account ng talent manager na si Noel Ferrer na naglalaman ng tungkol sa schedule ng honor and funeral rites para sa namayapang pangulo. 

Saad pa n’ya sa ikalawang PNoy post: “Rest well in God’s loving arms, PNoy…Gone too soon… Rest well in God’s loving arms, PNoy…Gone too soon…”

Hindi nagustuhan ng isang follower ang magkakasunod na posts ng Megastar at tinawag na “plastic” ang pakikisimpatya niyo. Nasa tono ng commenter ang bintang na nakiki-sakay lang diumano ang Pinoy movie and music icon sa dami ng nagbibigay pugay sa kay late Pres. Noynoy online.

“Isa ka pa … nag post ka ng pakikiramay kanina then nag POST ka ng iba ( sorry, ciempre love for dogs are never easy)i TRUSTED YOU!!!! Plastic ka pala… nung naramdaman mo ung overwhelming love kay noynoy bigla ka ng POST ng Ganito???” pahayag ng basher sa comment section. 

SCREENSHOT: @reallysharoncuneta on Instagram

Ikinainis naman ng mga supporters ni Megastar ang sinabi ng basher at kinuyog nila ito. 

Tila natauhan naman ang basher matapos resbakan ng mga loyal fans ni Sharon. 

Pinaliwang rin nito ang kayang side at sinabing, “[E]h kasi naman.. ung post nya ng pakikiramay parang helloo pooo… rip… then post agad ng ibang content( ps- Dogs are good content) whyyy??? Eh yun ang feeling ko eh,,, sorry… ang feeling ko kasi - need nya mag condole dahil may issue… pero nung nakita nya may outpourings of love kay pnoy… post ulit cya… kung cya kaya namatayan , ano ma feel nya.”

Dagdag pa ng commenter: “[I] just cant help commenting… sorry if i offended sharon… i actually have been following and supporting her in ig and yt… salamat for telling me… i NEED to apologize then and say sorry to Sharon.”

Hindi rin naman napigilan ng aktres ang sarili at sinagot din ang mapagparatang na comment ng basher. 

“HINDI KO PA ALAM NA NAMATAY SI PNOY. NUNG NAGPOST AKO ABOUT THE DOG RESCUE, OKAY?” saad ni Sharon sa comment section. “Nasa Amerika ako mag-isip ka muna di judgmental agad. Daming masama talaga ugali sa Pilipinas kaya hirap umusad eh.”

SCREENSHOT: @reallysharoncuneta on Instagram

Sa kasunod na komento ng basher, sinabi n’yang Sharonian daw talaga s’ya. Humingi rin ito ng tawad sa Megastar sa pagtawag nito sa kanyang plastic. May pagka-generic daw kasi ng mensahe niya para sa mga naiwan ni Pres. Noynoy.

“Sharon- before I admire and idolize kris aquino, nagustuhan na kita… Anyway- IM SORRY- nag comment ako dito na plastic ka. Why? Sen Kiko is so all over sa pakikiramay sa Aquinos for Pnoy’s passing… nag post ka kaning umaga ng ‘ sorry for my term-parang generic na pakikiramay,” saad ng basher.

Pagpapatuloy nito, “I cant explain why ganun reaction ko .. pero naisip ko lang maybe you are playing safe bec of whatever.. open book naman db iba political affiliation mo kay sen kiko… then nag post ka dogss welfare( ok yun, kilala lang dog lovers) cge!! Pero later this day lumabas outpouring of love and condolences kay pinoy, nakita ko nag post ka naman ulit. 

“Ano yun? My HONEST reaction?? Natural, nakisabay ka. Masakit man sabihin… ano yun? Dahil may ganung reaction mga tao , react ka din? Ok… sabi nila .. di ko lang daw alam kaya manahimik nalang ako !”

Kalaunan ay nag-sorry rin ito sa aktres at pinuri pa ang anak n’yang si Frankie Pangilinan. 

“Ok - sorry, na misjudge cguro kita.. PERO , ang taas nuo kong sasabihin, iba reaction ko kay Frankie Pangilinan- smart, intelligent at may PUSO ang batang yun. At yun ang HONEST opinion ko,” pagtatapos nito.

SCREENSHOT: @reallysharoncuneta on Instagram

Hindi naman ito bumenta kay Sharon at muli ring sumagot. Ikinatwiran na wala s’ya sa Pilipinas kaya medyo late n’ya nalaman ang malungkot na balita. 

“Excuse me - first of all di ko agad nalaman na namayapa na si Pnoy. Nasa Amerika ako okay? Pinsan ko pa nauna nagsabi sa akin ni di si Kiko! Si Kakie kaninang umaga lang ako minessage,” sagot ni Sharon. 

Kinuwestiyon n’ya rin ang pakikialam nito sa kanyang short message para mga naulila ni Pres. Noy. 

“Bakit negative agad reaction nyo! Ang pakikiramay kailangan nobela?” buwelta n’ya. “Eh buong puso at kaliluwa na serbisyo ng asawa ko at supprta ko at pamilya namin sa kanya ano naman alam mo? Relax lang.”

Tinawag rin n’yang “nagmamagaling” ang eksenadorang basher sa komento nito sa post n’ya.   

“[I]sang swimming pool na natanggap kong pambabash mula sa mga di kampi kay Pnoy eh ngayon pako matatakot? Isip muna. Kaya di umusad ang bansa dami tulad mo nagmamagaling,” pagtatapos ni Sharon. 

SCREENSHOT: @reallysharoncuneta on Instagram

Matapos noon ay naging sunod-sunod na ang post ng megastar about PNoy.

Walang makaunawa kung saan nanggagaling ang basher pero alam ng lahat na malapit ang mga Pangilinan sa mga Aquinos.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.