Mag-dyowang Kim Molina at Jerald Napoles, balak daw mag-vlog sa Europe soon!

34 vids, 119K

Photos: Melo Balingit & Instagram

34 vids, 119K

Bukod sa mga dahilan ng paglipat niya sa Viva Artists Agency at Viva Films, nausisa din kay Jerald Napoles during his contract signing with Viva last Monday, November 25, ang ilang mga detalye ng 5-year relationship ng Viva baby at new box-office royalty na si Kim Molina.

Gaya nalang ng kung sino ang mas madalas mag-selos?

“Mas selosa si Kim...mas selosa si Kim,” nangingising pag-amin ni Jerald, sabay kambiyo ng biro na kunwari ay nag-beki-bekihan. “Aaah ang gwapo ko, kina-ganda ko ’noh, kina-ganda ko ’yong part na ’yon.”

Tila aware kasi si Kim na kahit “talent is the new guwapo” ang category ng dyowa niya ay malakas ang appeal nito lalo na sa mga afam girls (foreigners). In fact, foreigner ang huling girlfriend ni Je bago sila nagkakilala ni Kim sa set ng theater musicale nilang Rak of Aegis.

Mga mestisahin, alam mo naman...,” sakay na biro ni Je sa nanunuksong mga entertainment press. “Alam naman niya ’yong 

Pero wala daw dapat ika-insecure si Kim (walastik) dahil siya naman ang tinamaan dito at in fact, siya daw ang unang “lumandi” dito.

“Sa Rak of Aegis po. Doon talaga kami [nagkakilala]... ano kasi siya pumasok siya no’ng second run ng Rak of Aegis. Original run kami po ni Aicelle [Santos] ’yong laging magka-partner. Tapos no’ng second run, pumasok siya. Ako po unang lumandi aminin ko na po. Ako talaga... nilandi ko siya, e. At saka ’yong ano landing-maton? ‘Oy, may boyfriend ka na ba?’ Hahaha! ’Yong gano’n.”

Feeling namin, ang landing-maton na ito na sinasabi niya ang nagpahulog ng loob ni Kim, na isang “bebe girl,” sa kanya. At this point in their relationship, sanay na sanay na raw si Kim sa cariño-brutal at Tondo Boy ways niya.

“Sanay na po,” pag-confirm niya. “Kasi nadala ko na siya sa Tondo minsan lalo na no’ng buhay pa yong lolo at lola ko—naabutan niyang buhay ’yong lolo at lola ko.”

May pabirong humirit na:

“Saan mo pa siya nadala?”

“Sa may ilaw ba o wala?” ganting-biro naman ng witty’ng Tondo Boy. “Kung saan-saan...kung saan-saan ko nadalang sulok ng mundo. Wow!”

At dito na naikwento ni Jerald na plano na nilang mag-dyowa na seryosohin ang pagba-vlog sa YouTube gaya ng ibang celebrity couples.

Hindi plano nga namin ’to—since may decent following kaming dalawa as couple—we’re like... ‘Baka kaya natin i-ano ito i-maximize? To go somewhere, mag-vlog tayo going somewhere. Mas mapu-push tayo magpunta magkasama sa isang lugar.’ So, ayon sabi ko naman, ‘Okey.’”

Isa raw sa goals nila ay ang makapag-Europe next year, Italy in particular.

“Si Kim po pangarap niyang mag-Rome, e. Maraming lugar na hindi pa namin napupuntahan...na mas bagay siguro pag pumunta kami ni Kim like Venice, oo Tuscany...”

Muling may humirit...

“Honeymoon?”

“Wow! Venice kasi gusto namin mag-video ng Rak of Aegis doon sa bangka sa Venice,” tuloy-tuloy na kwento ni Je na halatang dinedma ang biro.   

At may humirit na naman na: “Baka doon ka na mag-propose?”

“Wow, grabe naman!  Ipon muna ako. Sometime in the future siguro...”

At 36 (habang 28 naman si Kim), naiisip na rin siguro ni Je ang paglagay sa tahimik. Pero hindi raw ito ang priority nilang mag-dyowa at this point lalo pa’t hataw ang career ni Kim sa ngayon at si Je pa ang mismong nagsasabi ditong “strike while the iron is hot.”

Anyway, sa ngayon ay may 119K subcribers na The Jerald Napoles Channel niya sa YouTube kahit pa 34 palang ang kanyang video uploads. Pero ayon kay Je, isa ito sa plano niyang karirin next year lalo pa’t nagiging outlet daw niya ito para sa iba pa niyang unutilized talent gaya ng dancing (yup, he was a dancer first bago na-discover for theater acting). At dahil naturally fertile ang mind niya, malamang na ang daming naka-bangkong ideas nitong si Mr. Napoles. 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.