Kasabay ng finale week ng GMA primetime series na Royal Bloood, nag-goodbye na ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young sa kanilang mga karakter sa naturang murder-mystery drama.
Nitong nagdaang weekend, nag-share si Mikael sa Instagram nang pagpapa-makeover nila ni Megan.
Makikita sa ilang ipinost na photos ni Mikael na bago na ang hairstyles nila ni Megan. Pareho silang nagpagupit dahil tapos na sila sa taping ng Royal Blood.
Balik sa short haircut si Mikael at si Megan naman ay naka-layered bob cut na.
Caption ni Mikael: “New lewk, hu dis? Goodbye to Kristoff and Diana #RoyalBlood.”
Noong September 14 ay nag-post naman si Megan sa Instagram na hawak ang clapper sa set ng Royal Blood. Nakasulat sa clapper ay “LAST TAPING DAY”
Pinost niya ang ilang photos kasama ang Royales Family na sina Mikael, Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Lianne Valentin, Aidan Veneracion, at ang kanilang direktor na si Dominic Zapata.
“Royal Blood is ending soon and I’m so excited for you all to witness the journey of the Royales family. We just finished our last taping day and I can’t believe that I am not waking up to another day of being Diana Royales?!” bahaging caption ni Miss World 2013.
Gumaganap si Mikael bilang si Kristoff, ang ambisyosong half-brother ni Napoy (Dingdong Dantes). Si Megan naman ay si Diana, siya ang ex-girlfriend ni Napoy na nagpakasal sa half-brother nito na si Kristoff.
Noong nakaraang linggo, nagsalita na si Diana sa mga pinaggagawa ni Kristoff para lang mapunta sa kanya ang titulo bilang president and CEO ng family corporation. Kasama na rito ang pagsunod niya sa kanilang amang si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) na patayin ang kanilang inang maysakit sa pamamagitan ng pagpatay ng life support machine nito.
Bilang ganti, siniwalat naman ni Kristoff ang pagnakaw ni Diana ng milyones mula sa kanilang kumpanya.
Ngayong Lunes ng gabi, September 18, kaabang-abang ang rebelasyon tungkol sa tunay na killer ni Gustavo Royales.
YOU MAY ALSO LIKE:
Megan Young fangirls over Lea Salonga; gets to chat about BTS with her
Mikael Daez at asawang si Megan Young, walang balak pakasalan ang isa’t isa noon
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber