Labing-tatlong taon na ang relasyon ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez, kabilang ang pagiging magkasintahan nila hanggang sa ikasal sila.
Pero ang daming nakakapansin na mas lalo pa silang nagiging sweet at obvious nandoon pa rin ang kilig nila sa isa’t-isa. Kung ikukumpara kasi sa ibang mag-asawa na sa sobrang kumportable na ay nagiging kaswal nalang ang turing sa isa't isa, sila ay parang nasa ligawan stage pa rin.
“Siguro kasi ito 'yung comfort level namin,” lahad ni Mikael sa amin. “Ganito namin ipinapakita ‘yung pagiging kumportable namin sa isa’t-isa. Maybe for others, parang there’s distance on their relationship. Pero sa amin, wala e, ito ang nangyari.”
“And I’m thankful na ito kami, na ito ang dynamics namin,” pagsegundo naman ni Megan.
Marami rin ang natutuwa sa pagiging supportive ni Mikael sa pagiging diehard K-pop fan ng asawang si Megan, partikular na sa global hit group na BTS. At dahil nga suportado ni Mikael ang hilig na ito ng misis, kaya naman pati siya ay nakikinood at nakikisubaybay na rin sa mga K-Pop idols. Kamakailan lang ay sinamahan pa niya ang asawa sa South Korean trip nito.
Natatawang dagdag-kuwento pa ni Megan, nagulat na lang daw siya minsan dahil pati hairstyle ni Mikael, ay pang-K-pop na rin!
“Nakakatawa, isang beses, sinundo ko siya sa salon," panimula ni Megan. "Sabi niya, 'Nandito ko sa salon, nagpapagupit.' Hindi ko alam, nagpa-perm siya. Kulot ang buhok niya. Sabi ko, ‘Nagpa-perm ka ng ganyan?’ Sabi niya, ‘Yeah.'
“Tapos, ipinakita ko sa kanya ang picture ni BTS Jin bago siya mag-military na kulot-kulot din ang buhok. Sabi ko, ‘Hala, parehong-pareho kayo ng buhok ha.’”
Tinanong nga namin si Mikael kung ginagawa ba niya ‘yon para mas kiligin sa kanya si Megan?
“Hindi, wala,” nakangiting sagot niya.
“Nagkataon lang," salo naman ni Megan. "Hindi naman siya naka-subaybay, e. Pinapakita ko lang sa kanya. Sakto. Hindi ko pa naman naipakita sa kanya ang picture ni Jin [that time]. And it so happened na sabi niya, gusto niya rin na kulot ang buhok.”
Mas gusto ba ni Mikael na mga K-pop Idols ang "kinababaliwan" ni Megan dahil alam niyang hindi ito magiging threat?
“Ako naman, hindi ko naman iniisip na gano’n. Kasi 'yung BTS, Seventeen, ine-enjoy ko, e. ‘Yung mga Koreanovelas, nanonood na ko ngayon. Na-in-love na rin ako sa Korean culture.
“So, para sa akin, may natural na rin ako na relationship with K-pop.”
Dugtong naman ni Megan: “I realized, it’s fun. Being a fangirl, it’s so much fun. It’s so much fun to follow an artist. Enjoy their music, you know? When you’re following someone...Maybe if you have a favorite actor and you watch all of their shows...For me, following Seventeen and BTS, it’s because I really enjoy their music and it makes me happy.”
Samantala, nagpasintabi muna kami kina Megan at Mikael bago namin binuksan ang topic tungkol sa pagkakaroon ng anak. May ibang mga couples kasi na sensitibo sa ganitong usapin.
Pero hindi pa namin nabubuo ang aming sasabihin ay natatawang sumagot na si Megan ng: “Wala pa.”
Sa ngayon kasi, ang babies nilang itinuturing ay ang kanilang mga alagang aso.
“Matagal na rin tayong magkakilala and you know na go with the flow kami. In life, go with the flow, don’t put too much pressure to things you can’t really control.
“If it’s there, it will be there,” malumanay na esplika ni Mikael.
Hindi naman kayo nagko-control dahil may ibang mga plano pa? Sundot namin.
"No, no, hindi naman," ani Mikael.
“Relax lang," saad naman ni Megan. "Kung meron, meron. Kung wala, wala."
Sa isang banda, magkasama ngayon sa bagong GMA Primetime series sina Megan at Mikael, ang Royal Blood na magsisimula ng mapanood sa Lunes, June 19.
At nag-asawa rin ang kanilang gagampanan!
Noong una, hindi raw nila alam na pagsasamahain sila sa isang teleserye. At lalong wala silang idea na mag-asawa din pala ang roles nila.
Si Mikael daw ang naunang sinabihan na kasama siya sa Royal Blood.
“Happy kami, s'yempre,” ani Mikael. “I enjoy working with Bonez and I know, other partners, hindi nila type na magka-trabaho. Pero kami, nagwo-work.”
[Bonez is his petname for Megan.]
Ang challenge lang sa mag-asawa dito, "scheming couple" sila sa teleserye at hindi magpapa-kilig.
At dahil malayo daw ito sa tunay nilang pagkatao kaya pina-practice nla ang roles nila sa bahay.
“Nakakapag-rehearse kami ng lines kasi nga magkasama kami palagi. Pero, otherwise, masaya siya kasi ‘yon nga, ibang-iba ang characters namin dito on who we are in real life. And I think, matutuwa rin ang audience na, ‘Hala, ba’t ganyan sina Megan at Mikael?'”
Sa parte naman Megan, may ibang adjustment siyang kailangang i-calibrate dahil dati na silang nagkatambal ng bidang si Dingdong Dantes sa ibang telserye. Pero this time, sister-in-law ni Dong ang karakter niya.
“Ako ang ex niya rito,” dagdag-detalye ni Megan. “Si Diana (her character) ang ex-partner ni Napoy (Dingdong). Pero surprisingly, nang magkita kami, nakita niya na mag-asawa pala kami ng kapatid niya na si Kristoff (Mikael), so ‘yon ang parang dynamics.”
Ang Royal Blood ay tungkol sa isang bastard son (Natoy, played by Dingdong) of a business tycoon (Gustavo Royales) na para makabawi sa kanya sa mga pagkukulang nito ay unti-unti siyang ibinilang sa pamilya at ipinakilala sa mga laki-sa-luhong half-siblings. Pero nang mapaslang ang bilyonaryo, ang anak sa labas ang naging prime suspect.
Magsisimula na ang masalimuot na kuwento sa Lunes, June 19.
YOU MAY ALSO LIKE:
Megan Young fangirls over Lea Salonga; gets to chat about BTS with her
Mikael Daez at asawang si Megan Young, walang balak pakasalan ang isa’t isa noon
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber