Mag-amang Andre Yllana at Jomari, maganda nang muli ang samahan; naging GF ni Andre, si Jom ang nag-reto

“Kasi dati hindi talaga consistent si daddy sa akin. Kumbaga, nandito s’ya ngayon, next week wala. Ngayon talagang hindi kami makalagpas sa isang linggong hindi nag-uusap,” masayang lahad ni Andre sa muling pagkakamabutihan nila ng amang si Jomari Yllana.

PHOTOS: Melo balingit & @jyllana on Facebook

“Kasi dati hindi talaga consistent si daddy sa akin. Kumbaga, nandito s’ya ngayon, next week wala. Ngayon talagang hindi kami makalagpas sa isang linggong hindi nag-uusap,” masayang lahad ni Andre sa muling pagkakamabutihan nila ng amang si Jomari Yllana.

Happy ang young Viva actor na si Andre Yllana sa magandang estado ngayon ng relasyon nila ng daddy n’yang si Jomari Yllana

Inilahad n’ya iyan sa ilang piling entertainment press kamakailan right after ng press con proper para sa upcoming digital series na The Rain in España, kung saan isa siya sa mga bibida.

Nauwi d’yan ang usapan matapos makumusta ng press people ang love life ng Viva actor.

Ayon kay Andre, may non-showbiz girlfriend na s’ya ngayon. 

Dahil dito ay nausisa ang 24-year-old actor kung naiintindihan ba ng bago n’yang nobya ang trabaho n’ya bilang artista.

Hindi ko pa alam kasi bago pa lang kami, e. Pero dapat. Dapat maintindihan n’ya dahil trabaho is trabaho, e,” sagot ni Andre. 

Natanong din s’ya kung saan ba n’ya ito na-meet. 

Pinakilala ni Daddy,” nakangiting sagot n’ya. “Friends ni Daddy ’yong parents so si Daddy ’yong ‘bugaw,’” birong hirit pa ng kalog na binata.

Kasunod nito ay natanong na s’ya sa lagay ng relasyon nila ngayon ng ama n’yang actor-turned-politician. Hindi naman kaila sa publiko na hindi lang minsan na naging malayo ang loob ni Andre sa ama.

Okey na kami ni Daddy. Ano na rin kasi, parang naisip ko…kung laging magkaka-problema, e, mag-give way na lang,” lahad n’ya.

Napansin daw n’ya ang malaking pagbabago ng daddy Jom n’ya sa pakikitungo nito sa kanya.
 
Hindi ko masabing ako ’yong nag-reach out pero nakita ko rin kasi ’yong pinagbago ni daddy,” ani Andre.

Noon daw kasi ay hindi tuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng oras at atensyon sa kanya. 

Kasi dati hindi talaga consistent si Daddy sa akin. Kumbaga, nandito s’ya ngayon, next week wala. Ngayon talagang hindi kami makalagpas sa isang linggong hindi nag-uusap,” masayang pagbabahagi ng panganay nina Jomari at Aiko Melendez.

Dahil sa nakita umano n’yang changes and consistencies sa kanyang daddy, nagpasya daw si Andre na mag-effort din para mas maging close ulit silang mag-ama. 

Kaya ako na rin ’yong nag-open ng doors na, ‘Sige, Dad. Try natin.’ Ganyan. Recently, kumarera ako tapos sinuportahan n’ya ako,” pagtatapos n’ya.

Kabilang si Andre sa inaabangang serye na The Rain in España kung saan makakasama n’ya sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Gab Lagman, Aubrey Caraan, Francis Magundayao, Nicole Omillo, Krissha Viaje, Frost Sandoval, at Gabby Padilla.

Mapapanood ang The Rain in España simula May 1 sa Viva One.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Andre Yllana bonds with dad Jomari Yllana and his girlfriend Abby Viduya over the holidays

Pangri-real talk ni Andre Yllana, disadvantage daw sa kanya ang pagiging celebrity kid

Andre Yllana on his dad Jomari Yllana: “Minsan kasi may mga bagay na it’s too late na. Siguro ’yong thirst ko for a father dati hindi na rin ganu’n [katindi]. Sa totoo lang ha, sa true lang.”

Aiko Melendez, emosyonal sa pag graduate sa college ng panganay na si Andre Yllana

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.