Isinilang na ng comedienne-entrepreneur na si Lovely Abella ang first child nila ng mister n’yang si Benj Manalo, si Baby Liam Emmanuel.
Sa kanyang Instagram post kahapon, September 17, ibinalita ng komedyana sa kanyang online followers ang magandang balitang ito kalakip ang kanyang candid and unfiltered photo habang karga n’ya ang anak.
Sey ni Lovely sa kanyang post, hindi na umano n’ya nakuhang mag-ayos pa dahil ang naging priority umano n’ya ay maayos na mairaos ang kanyang panganganak.
”Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko, ng mga oras na to wala akong kinapitan kundi ang Faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan ang pagmamahal sakin ng Asawa ko @benj Pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo,” pahayag ng celebrity mom.
Kuwento pa n’ya, ibang-iba raw ang naging experience n’ya sa panganganak kay Liam kumpara noong isilang n’ya si Crisha, ang daughter n’ya from her previous relationship, 15 years ago.
“Binigla kami ng pagkakataon, di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko, kaya ang larawan na to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin,” paalala ng aktres.
“Walang sinumang magulang naghangad ng masama para sa Anak. [Red heart and smiling face with hearts emojis],” dagdag pa n’ya.
Abangan din daw ang ilalabas nilang vlog dahil makikita umano roon ang hirap na dinanas nila ng kanyang mister bago nila nasilayan ang newest bundle of joy ng kanilang pamilya.
Ayon pa kay Lovely, nag-a-adjust pa ang katawan n’ya sa ngayon lalo na sa pagpo-produce ng breast milk dahil 15 years din ang pagitan ng kanyang panganganak.
“Itutuloy ko lang po ang pagpapa breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon hirap pa din ako mag produce ng milk, pag aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng Anak ko [Smiling face with smiling eyes emoji],” aniya.
Nagpasalamat din s’ya sa Itaas, at sa mga doktor na tumulong para safe n’yang maisilang si Liam.
“At higit sa lahat Maraming maraming salamat sa lahat ng Doctor namin ni Liam. Di ko na po kayo iisa isahin sobrang salamat at ginabayan kayo ni Lord [Folded hands and red heart emojis],” pagtatapos ni Lovely.
Dumagsa naman ang pagbati sa kanya sa comment section mula sa kanyang fans and celebrity friends gaya nina Iya Villania, Carla Abellana, Shaira Diaz, ang kakapanganak lang din at first-time mom na si Kris Bernal, at marami pang iba.
Matatandaang Enero ng kasalukuyang taon nang ianunsyo ng BenLy couple na magkakaanak na sila after three years na sinusubukan nilang magka-baby.
Congratulations, Lovely and Benj!
YOU MAY ALSO LIKE:
After three years of trying, Lovely Abella and Benj Manalo, nakabuo na ng kanilang “miracle baby”
Kasal nina Benj Manalo at Lovely Abella, minadali daw para makabuo na agad ng baby
Lovely Abella at Benj Manalo, may bago ng “baby.”
Pangako ni Lovely Abella sa namayapa niyang mother-in-law: “Di ko pababayaan ang anak mo.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber