Among the cast ng Para sa Brokenhearted, tila si Louise delos Reyes ang maiko-consider na beterana na sa pag-ibig and consequently, sa pagiging brokenhearted.
Unang na-link si Louise sa dating GMA-7 co-star niyang si Alden Richards noong kapwa pa silang baguhan sa Kapuso Network. Nakarelasyon niya eventually ang GMA-7 star din na si Enzo Pineda at nagka-short-lived relationship din with Aljur Abrenica na co-actor niya ngayon sa Asintado ng ABS-CBN. Huling naugnay ang pangalan ni Louise kay Champ Lui Pio, vocalist and guitarist ng alternative band na Hale.
After her breakup with Champ, reportedly noong late 2017, wala nang narinig tungkol sa buhay pag-ibig ni Louise. Until of late, dahil tila nagiging open na si Louise na ipakilala sa publiko unti-unti ang non-showbiz boyfriend niya na kilala lang ng mga Instagram followers ni Louise bilang si Jino B.
Unang nasilayan ng mga IG followers ni Louise ang lalaking muling nagpatibok ng kayang puso no’ng i-post niya ang picture na ito sa IG noong April 25, 2018, na ang kalakip lang na caption ay: “I guess you’re stuck with me.” Pero dahil sa caption at sa pagho-holding hands, marami ang nag-isip na ang hindi pinangalanang lalaki ay ang bagong boyfriend ni Louise.
Nasundan lang ang post ni Louise about Jino noong August 6, kung saan makikitang very and cozy and intimate siya sa hindi pa rin pinangalang guy. Pero dahil dito at sa kalakip na caption na: “forever and always,” tila direkta nang kinumpirma ni Louise na ang lalaki sa picture ang bagong mahal niya.
Sumagot din ang lalaki sa picture, na may handle na @jino08, ng “I love you,” sa nasabing post ni Louise.
At nito lang September 3, muling nag-post si Louise ng series of pictures kasama si Jino na kuha sa 26th birthday celebration niya. Sa mahabang thank-you message niya sa picture ay espesyal ang pasasalamat niya kay Jino at tinawag niyang itong “YOU ARE THE BEST BOYFRIEND!”
Sa presscon ng Para sa Brokenhearted—na incidentally ay showing na on October 3—na ginanap sa Le Reve Pool Party Venue & Events Place sa Quezon City kamakailan ay masayang inamin ni Louise na masaya siya ngayon sa piling ng non-showbiz boyfriend niya na feeling niya ay ka-match at kasundo niya talaga.