Lotlot, humagulgol sa wedding speech ni Boyet

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Bukod sa pronouncement ng personal wedding vows between Lotlot de Leon at asawa na niya ngayon na si Fadi El Soury ay naging very emotional moment din sa kasal ni Lotlot kahapon, December 17, 2018, ang speech ng kinilala niyang ama na si Christopher de Leon.

 

Sa kanyang speech, nagbalik-tanaw si Boyet (palayaw ni Christopher) sa mga happy moments nila noong mga bata pa sina Lotlot at Ian (kapatid ni Lotlot) hanggang ngayon na bigyan siya nito ng apat na magaganda at poging apo.

 

Pinuri din ni Boyet si Lotlot sa pagiging napakabuti nitong ate sa kanyang apat na kapatid kay Nora Aunor na sina Ian, Matet, Kenneth, at Kiko na hindi umano binitawan ni Lotlot.

 

Si Lotlot ang first among the four kids na kinupkop ni Nora Aunor mula pagkabata. Sila ni Ian (biological son nina Boyet at Nora Aunor) ang halos lumaki ng sabay bago pa dumating sina Matet and the rest.

 

Nakadagdag din marahil sa paghagulgol ni Lotlot ang non-presence ng kanyang inang si Nora Aunor bagama’t expected na ito ng lahat dahil maging sa kasal ni Ian three years ago ay hindi ito nagparamdam.

 

Hindi rin nakadalo sa kasal ni Lotlot ang kanyang biological dad na si Donald Olson na hinanap at natagpuan niya nine years ago. Galing diumano ito sa operasyon recently lang. Pero on his behalf ay nakarating naman ang tatlong kapatid na babae ni Lotlot sa kanyang Daddy Donald na galing pa lahat ng Amerika.

 

After ng speech ni Boyet ay nagsayaw ang mag-ama sa tugtog na “Wind Beneath My Wings” na kinanta ng live ng kanyang Ate Dawn (isa sa kanyang sisters from the US). Matapos noon ay sumunod na tinawag ang nag-iisang anak na lalaki ni Lotlot na si Diego Gutierrez (pangatlo sa apat na anak nila ng ex-husband niyang si Ramon Christopher Gutuerrez) para isayaw din ang ina.

 

Heto ang kuha ng pikapika.ph sa madamdaming moment na iyon sa kasal ni Lotlot de Leon.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.