Lotlot de Leon, nagpapa-manage na rin sa manager ng anak na si Janine Gutierrez; gusto ng mga “great projects.”

“I think sa buhay ko, there’s a part of me that always deviated from the career that I have,” pagre-reflect ni Balot. “l always deviate...gawawa ako nang ganito, magbebenta ako ng alahas, nagluluto ako, nagre-restaurant...sabi ko nga kulang nalang magbenta ako ng insurance. Kumbaga lahat ng p’wedeng gawin, parang I tried already...Maybe it’s about time to say that I really am an actor...this is my job. ’Yong to accept it wholly.”

PHOTO: Anna Pingol

“I think sa buhay ko, there’s a part of me that always deviated from the career that I have,” pagre-reflect ni Balot. “l always deviate...gawawa ako nang ganito, magbebenta ako ng alahas, nagluluto ako, nagre-restaurant...sabi ko nga kulang nalang magbenta ako ng insurance. Kumbaga lahat ng p’wedeng gawin, parang I tried already...Maybe it’s about time to say that I really am an actor...this is my job. ’Yong to accept it wholly.”

March 2, 2017 nang pumanaw ang showbiz manager noon ni Lotlot de Leon na si Cornelia Lee na mas kilala sa tawag na Tita Angge.

At magmula noon ay nag-self managed na si Balot (palayaw ni Lotlot). Nagpapatulong na lamang daw siya sa bookings sa mga kaibigan at kakilala.

Pero na-realize daw niya na ang dami pa pala niyang gusto gawin sa larangan ng pag-arte at mahirap makipag-usap o makipag-negotiate kung walang magre-represent sa kanya.

Kaya naman after nearly three years ay gusto niyang subukang magpa-handle muli sa isang professional na talent manager. Si Leo V. Dominguez ng LVD Management ang napisil niyang pag-alagain ng kanyang career dahil sa nakita niyang maayos na pamamalakad nito sa career ng kanyang anak na si Janine Gutierrez.

At kaninang tanghali nga, January 27, ay ginanap sa The Frazzled Cook restaurant sa Quezon City ang pormal na pirmahan nila ng 3-three managerial contract.

“I think sa buhay ko, there’s a part of me that always deviated from the career that I have,” pagre-reflect ni Balot. “l always deviate...gawawa ako nang ganito, magbebenta ako ng alahas, nagluluto ako, nagre-restaurant...sabi ko nga kulang nalang magbenta ako ng insurance. Kumbaga lahat ng p’wedeng gawin, parang I tried already but...siguro I never really [focused]...

“Maybe it’s about time to say that I really am an actor...this is my job. ’Yong to accept it wholly. ’Yong parang ganoon? Kasi in the past, may time na I would tell Nay Rommel, ‘Nay, parang gusto ko nang mag-retire.’

(Nay Rommel is her reporter friend Rommel Gonzales.) 

“Pero parang hindi ko pa rin naa-achieve ’yong potential ko as an actor. Hindi ba? So, siguro, this is it. This time I wanna work seriously...I wanna do great projects.”

Kabilang sa agad niyang naka-linyang exciting projects ay ang iWant project ni Direk Joel Lamangan na The Beauty Queens, kung saan gaganap siya bilang lesbian lover ni Ms. Gloria Diaz.

Hindi first time naka-ganap ng lesbian role si Balot pero first time daw niyang makakaranas ng intimate scenes sa ganoong role. Ayaw pa masyadong i-detalye ni Lotlot ang mga nai-shoot na nilang intimate scenes pero sinisiguro niyang hindi ito malaswa.

“It’s kind of challenging,” banggit ni Balot sa role. “And then it’s my first time to work with Miss Gloria [Diaz]. So, I’m really excited about it. The script is beautiful. Hindi s’ya daring but very intimate and personal. Hindi malaswa.”

Bukod pa doon, Balot is also part of the Filipino cast of Almost Paradise, isang international collab project kung saan nag-audition pa, for the first time ever, ang maituturing ng seasoned actress na si Balot. Makakasama niya sa said project ang American actor na si Christian Kane.

Congrats, Balot!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.