Lorna Tolentino, binawalan na ng mga anak magka-lovelife; isa pa, wala naman daw papantay talaga sa love story nila ni Daboy

“Wala, e, para kaming Crash Landing on You, e,...may pagka-ganoon, e,” natatawang pagkukumpara pa ni LT sa hit K-Drama sa classic love story nila ni Daboy. “Tapos si Daboy, Wala rin e [makakapantay]...paano naman... guwapo, malinis, mabait...ano pa? Good provider, ano pa?”

Photos: Instagram & courtesy of BeautéDerm

“Wala, e, para kaming Crash Landing on You, e,...may pagka-ganoon, e,” natatawang pagkukumpara pa ni LT sa hit K-Drama sa classic love story nila ni Daboy. “Tapos si Daboy, Wala rin e [makakapantay]...paano naman... guwapo, malinis, mabait...ano pa? Good provider, ano pa?”

It was in June 2008 when movie royalty Rudy “Daboy” Fernandez  succumbed to cancer. Twelve years na ang nakakalipas since then at kamakailan lang, March 3, ipinagdiwang ni Lorna “LT” Tolentino at mga anak at kaibigan ang what would have been his 68th birthday. He was only 56 when he passed on.

Kung tutuusin ay p’wedeng-pwede nang magka-lovelife ang Ang Probinsyano kontrabida.  Ito ang naging paksang tukso kay LT ng entertainment press noong mag-renew siya ng contract sa BeautéDerm kamakailan as brand ambassador.

Pero ani LT, wala kasing makakapantay sa mala-pelikulang love story ni Daboy. Parang anything less than that is not worth na para sa kanya.

Recall ni LT: “Ummm....ummm...kasi ako, ano siguro gano’n talaga...’yong love story namin ni Daboy...kumbaga nag-umpisa niya akong nagustuhan bata pa ’ko...pinangako niyang papakasalan niya ako...ten years ’yong [age] difference namin...so no’ng ano naman, sabi niya, ‘Tinupad ko ’yong pangako ko, maliit ka pa lang...’

“So, no’ng 14 palang ako, crush ko na si Daboy...so, siguro hindi ’yong...hindi p’wede ’yong basta nakilala mo lang or hindi p’wedeng...dapat ’yong matagal mo nang [kilala].

May nagbanggit pa kay LT na hindi pa naman huli ang lahat para humanap siya nang makakasama sa kanyang pagtanda gaya nang nangyari kay Miss Boots Anson-Roa. She was 69 when she married Francis Rodrigo na 75 years old naman at that time.

Pero ani LT, ayaw na rin daw ng mga anak niya.

“Kasi sinabi rin ng mga anak ko na wag na, e, wag na...no’ng time na medyo bata-bata pa...noong wala pa akong 50s. Forty-six lang ako no’ng nawala si Daboy—56 si Daboy, 46 ako...dapat noon palang di ba? Bago mag-50. Ngayon na 58 na, malapit na akong mag-senior...hindi ’yon ang priority ko talaga...lalong na-lessen [ang desire] habang tumatanda ako...Ay, na-pass na ’yong stage. Okey lang.”

And since naka-tagal naman siya ng 12 years na walang lovelife, lalo niyang na-prove na hindi kailangan. Lalo pa nga’t wala nga daw makakapantay sa love story nila, at lalong walang makaka-pantay kay Daboy.

“Wala, e, para kaming Crash Landing on You, e,...may pagka-ganoon, e,” natatawang pagkukumpara pa ni LT sa hit K-Drama sa classic love story nila ni Daboy. “Tapos si Daboy, Wala rin e [makakapantay]...paano naman... guwapo, malinis, mabait...ano pa? Good provider, ano pa?”

Masaya naman daw siya sa apo niyang si Tori at sa iisang compound naman daw sila titirang mag-iina (Rap at Renz)—sa same property na iniwan sa kanila ni Daboy sa QC—kaya kahit magsipag-asawa ang mga ito ay may kasama pa rin siya.

So, there.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lorna Tolentino, natatawag na "Siopao" ng bashers dahil kay "Lily;" magpapahinga daw nang bongga pag nawala na siya sa Ang Probinsyano

Lorna Tolentino, naniniwalang magkaka-ayos din sina Robin Padilla at Coco Martin; pero tumangging maging peacemaker

Exclusive: Mag-iinang Lorna Tolentino at Rap and Renz Fernandez, ipinasilip ang bagong bahay!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.