LOOK: MUP 2020 Rabiya Mateo “paints the town red” in her Iloilo homecoming

PHOTOS: @selwindalida via powerhouseph_ (L) & @aces_and_queens (R) on Instagram

PHOTOS: @selwindalida via powerhouseph_ (L) & @aces_and_queens (R) on Instagram

“Home is where the heart is.”

Iyan ang sinabi ni Rabiya Mateo sa kanyang Facebook account ngayong araw, November 13, matapos na nakauwi sa kanyang hometown, Iloilo.

Kahapon, November 12, dapat ang homecoming ni Rabiya pero dahil sa masamang lagay ng panahon ay naurong ito ngayong araw. 

Ito ang unang pagkakataon na nakauwi sa Iloilo ang 23-year-old Filipino-Indian beauty queen matapos makoronahang Miss Universe Philippines 2020 sa ginanap na beauty pageant sa Baguio City last October.

 

Home is where the heart is ❤️

Posted by Rabiya Mateo on Thursday, November 12, 2020

Last Wednesday pa lang, November 11, nanghikayat na si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa kanyang mga constituents na magsuot ng pula sa pagsalubong sa Ilongga beauty queen. 

“We will paint Iloilo City red!” pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook post. “My beloved Ilonggos, we encourage you to come and welcome our Miss Universe Philippines 2020, Rabiya Mateo, on her homecoming to the City of Love on November 13 at 9:00 AM. 

“Let us show the Ilonggos’ power by wearing red and bringing red pieces such as flaglets, banners, and balloons in support of the queen.”

Bukod pa dito, nagpaalala din s’ya sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagtalima sa physical distancing dahil nga umiiral pa rin ang COVID-19 pandemic. 

“We also remind everyone to observe proper health protocols,” sey pa ni Treñas. “Always wear your face masks and face shields, and observe social distancing. It is a day to celebrate and be proud of being an Ilonggo. Level up Iloilo!”

 

We will paint Iloilo City red! My beloved Ilonggos, we encourage you to come and welcome our Miss Universe Philippines...

Posted by Jerry Treñas on Wednesday, November 11, 2020

At kaninang umaga nga, bumiyahe na pa-Iloilo si Rabiya. 

“Mapuli na ako Iloilo,” sey pa n’ya sa kanyang Instagram post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Pagbaba pa lang sa airport, pasabog na ang Pinay beauty queen suot ang kanyang Miss Universe Philippines crown at modern Filipiniana terno. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Air Jimenez (@airxmnz)

At talaga namang she "paints the town red" nang magpakita s’ya sa publiko in her red beaded Filipiniana terno designed by an Iloilo-based designer, Ram Silva. 

Sinalubong naman si Rabiya ng kanyang proud kababayan sa kanyang motorcade. 

Pagkatapos ng motorcade ay nakatakdang um-attend si Rabiya sa Ceremonial Lighting of Christmas Parol of Hope sa SM City Southpoint. 

Bukas, November 14, pangungunahan ng Ilongga beauty queen ang community outreach program sa umaga, at dadalo rin sa Ceremonial Lighting of Christmas Tree sa Festive Walk sa hapon. 

Si Rabiya Mateo ang magiging pambato ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe pageant early next year. Layon din n’yang maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown ng bansa.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.