Lolit Solis, tinalakan si G Tongi!

Lolit on G: “Taga ibang bansa ka na. You talk about Trump.”

PHOTOS: @akosilolitsolis & @gtongi

Lolit on G: “Taga ibang bansa ka na. You talk about Trump.”

Kahapon, November 12, ay naglabas ng saloobin sa Instagram ang kilalang talent manager at dating talk show host ng Startalk na si Manay Lolit Solis tungkol sa US-based Pinay actress na si G Tongi.

 

May kinalaman ito sa naging IG post din ni G kung saan nagpahayag siya ng pagbubunyi sa pagkaka-deklarang guilty ng Sandiganbayan kay former first lady Imelda Marcos sa mga graft charges sa kanya.

 

Ani ni G—na aktibo ngayon sa mga activities at movements ng mga Filipino-Americans sa Los Angeles, California—sa kanyang post:

 

“As a Filipina American, most people I meet around the world almost always mention that all they know of the Philippines is about this woman with the shoes or that boxer turned biblical fanatic. It’s not a good reputation for the Filipino people when the world knows of your country by the woman who plundered away the wealth of the Filipino people on shoes... this PROVES THERE IS JUSTICE after all. Former First Lady & Ilocos Representative has been found GUILTY. Injustices against the Filipino people will be remembered in history! #NeverForget #endMartialLaw join the @malayamovement to hold Philippine government accountable!.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Giselle "G" Tongi- Walters (@gtongi) on

 

Bukod kay Lolit, marami ring hindi nagka-gusto sa mga nasabing ito ni G, particular na ang mga Marcos at President Duterte loyalists at mga fans ni boxing champ-turned senator Manny Pacquiao. Pero marami rin namang bumilib sa pagiging matapang at direkta ni G.

 

Hindi na bago kay G ang ma-bash ng mga Netizens dahil sa paghahayag niya ng opinion tungkol sa Pilipinas at sa mga personalidad dito.

 

Pero ayon kay Lolit, na nag-dedicate ng isang buo at mahabang post para parunggitan si G, ay hindi na ganap na Filipino si G mula nang piliin nitong maging American citizen at manirahan doon kaya sana daw ay maghinay-hinay ito sa mga opinion niya tungkol sa mga tao sa bayang iniwan niya.

 

Narito ang kabuuang post ni Manay Lolit:

 

“Inggit pa more di bah!!! Hindi ko naman masabi Salve na hindi dapat mag-opinyon ang isang tao lalo na public figures ang involved. Si G Toengi na matagal nang nasa US at isang American citizen na Filipino, ok ibigay kong ano opinyon niya sa mga nagaganap sa bayan natin, pero kung magbibigay opinyon tayo ang sakit sa tainga ng mga salita na disgrace sa mga tao na binibigyan mo ng comment sa ating bansa, ang Pilipinas. Siguro kung dito ka nakatira, hindi mo inalis pagiging Pilipino mo, sabihin mo iyon, kapani-paniwala ka. But a citizen na ipinagpalit na ang citizenship niya para sa ibang bayan, hinay-hinay lang. Manny Pacquiao is one example, icon siya, Pilipino pride, kung may naging pagkakamali, ipagmamalaki ko pa rin kababayan ko siya. Dating first lady Imelda Marcos, ok nahatulan na, ang tagal nang sinisisi sa mga bagay na ilang dekada ng nangyari, kahihiyan? Siguro sa iba OO, pero meron pa rin kampi sa kanya, what I mean, nang maging US citizen ka, may mga puna ka man sa Pilipinas isipin mo, taga ibang bansa ka na. You talk about Trump, iyon nagaganap ngayon kung nasaan ka, huwag kang parang authority sa ibang bayan. Kung nandito ka at kung sasabihin mong Pilipino ka kasi kaya affected ka, maniniwala pa ako. Well, hindi naman kasi naging sikat na sikat si G Toengi kaya baka nga naman pag sinabi niya na international bad image si Manny Pacquiao at Imelda Marcos, maging daan para mapansin siya. I feel sad for her, anyone na nakadarama ng kahihiyan para sa kababayan niya for me is pathetic. Whatever ‘bad’ basta kababayan mo, dapat understand mo, ipakita mo, iisa tayong lahi , together we will be able to set things straight. Hindi iyon announce mo pa, nakakahiya sila, ah kaya pala nagpalit ka citizenship nahiya ka. Si huwag ka nang makialam, diyan ka na lang noh, di ka naman Pilipino. #lolitkulit #71naako #instatalk.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

G, who is now G Tongi-Walters, was part of the Gimik cast in the early 90s. She’s made more than two dozen films kabilang na ang Enteng Kabisote series ni Vic Sotto na ginawa niya noong pabalik-balik na siya ng Pilipinas.

 

Umalis si G pa-Amerika noong taong 2000 to pursue acting studies in New York at matapos ang ilang taon ay nag-base na siya sa Los Angeles kung saan niya nakilala ang asawang si Tim Walters at kung saan din nagkaroon siya ng TV show—as host and producer—called Kababayan Today.

 

Huli siyang napanood sa pelikulang Trophy Wife noong 2014 pero kamakailan lang ay nagkaroon siya ng cameo role, bilang nanay ni Edward Barber, sa Aga Muhlach-Bea Alonzo starrer na First Love na kinuhanan sa Vancouver, Canada.

 

Hiningan namin ng panig si G, via Facebook Messenger, tungkol sa particular na post ni Lolit Solis sa kanya pero as of press time ay wala pa siyang sagot.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.