Since 2017 ay consistent ang LizQuen, or sina Liza Soberano at Enrique Gil, na “exclusively dating” na sila. At bagama’t wala pa ring direktang pag-amin kung nag-level up na ang relasyon nila, ay gano’n na rin ang suma-total noon para sa kanilang mga tagahanga.
Anim na taon nang magka-trabaho ang dalawa at sa loob ng mga taong ’yon ay naging kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Kaya naman ng tanungin ng blogger na si Albert Bryan Abelido kung ano ang mga bagay ang mas gusto nilang gawin alone kaysa together and vice versa—which was an effort to play with wordings of their upcoming Valentine movie Alone/Together—ay nakakagulat na pareho sila ng sinabi na they’d rather shop alone kaysa magpasama sa isa’t isa.
It turned out na mas nagkaka-LQ (lovers’ quarrel) pa sila kapag magkasamang nagsa-shopping dahil magka-iba ang trip nila sa fashion. Iba rin ang style nila sa pamimili ng gamit. In short, nagkakasukatan sila ng pasensya kapag shopping na ang pinag-usapan.
Hindi na nagpa-tumpik-tumpik pa si Liza sa pambibisto sa shopping ritual ni Quen.
“ Sorry ha, pero si Quen, siya po ang babae sa relationship na ’to,” birong bungad ni Liza. “Like pag nagsa-shop kami, ako 15 minutes, done. Hindi ako nagpi-fit. Wala. Nandoon lang ako. Tapos, sa labas ako nag-aantay, naka-gano’n lang ako.
“Siya….—hindi ako OA po—mga one hour and thirty minutes. May one time, naka-two hour siya. Nakakainis siyang kasamang mag-shopping kasi pag nagpi-fit siya, tatanungin niya sa akin, ‘O, maayos ba ’to?’ Sasabihin ko, ‘Oo, yeah, maayos, maganda.’
“’Parang hindi, e.’ Tapos siguro mga 15 minutes niyang titignan ’yong isang outfit lang sa mirror. Lalakad pa siya, ganyan. Tapos, halimbawa sinabi kong maganda…hindi niya kukunin. Lalo na pag kunyari gandang-ganda ako sa isang outfit, hindi niya talaga kukunin. Pero pag sinabi kong hindi maganda, ’yon ang kukunin niya.
“Tapos, minsan reverse psychology, baligtad pa rin! Nakakainis.”
Natatawa-tawa lang si Quen sa mga sinasabi ni Liza, pero nag-attempt siyang i-depensa ang sarili. Kaya naman harap-harapang nakita ng media kung paano mag-LQ ang dalawa.
“Kasi naman ako, s’yempre kung bibili ako, gusto ko kasya sa akin…” panimulang esplika ni Quen na sinangga agad ni Liza.
“Tapos hindi mo naman sinusuot, ang dami-dami mong binibili!” sumbat ni Liza.
“Sinusuot ko!,” rebuttal ni Quen. “Kesa naman ikaw, minsan ang binibili mo sa kakamadali mo, hindi kasya. Oh!”
“At least nabibigay ko sa mga kasama ko sa bahay,” depensa ulit ni Liza.
“Sure buyer lang ako, sure buyer,” say ulit ni Quen.
Nang may humirit kung bakit inaabot si Quen ng two hours sa pamimili, sinabi nitong OA lang si Liza, na agad sumagot ng: “Hoy, hindi ako OA. Kahit sino’ng tanungin…kahit nanay mo, kapatid mo, buong pamilya mo!”
Nang na kay Quen na ang floor, sinabi nitong ayaw din niya kasamang mag-shopping si Liza dahil kontrabida daw lagi ang magandang ka-“exclusive date” niya.
“Kahit gusto ko na….’bagay sa ‘kin ’to!’… ‘Quen, hindi. It’s so ugly.’ Na-hurt naman ako kasi gandang-ganda ako, e…”
Humirit na naman si Liza, directing her statement to Quen: “Kasi taste mo minsan exotic, e.”
Then addressing the crowd, sinabi ni Liza na: “Hindi ko alam kung nagdo-joke siya na gandang-ganda siya. As in gusto niya ’yong mga makukulay na…—well, bagay naman sa balat niya—pero parang…feeling… gusto niya mag-explore minsan pero parang hindi siya. Yon.”
Naganap ang media fair para sa Alone/Together ng Black Sheep Production sa The Rooftop along Kalayaan Avenue kagabi, February 3.
Watch the funny exchange between Liza and Quen here: