Liza Soberano, naiyak sa sama ng loob kay Ogie Diaz: "It feels like he’s trying to fight me or trying to ruin me when I never said single bad thing about him."

Aminado si Liza Soberano na may tampo siya ngayon sa dating manager niyang si Ogie Diaz. Hindi raw kasi niya maintindihan kung bakit pakiramdam n’ya ay gusto na s’yang sirain nito ngayon. “...Because he’s saying so many things that are untrue, like for the past two years hindi po s’ya kumukuha ng kumisyon...It makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano ’yong nangyayari sa loob.”

PHOTOS: GMA Network & @ogie.diaz.5 on Facebook

Aminado si Liza Soberano na may tampo siya ngayon sa dating manager niyang si Ogie Diaz. Hindi raw kasi niya maintindihan kung bakit pakiramdam n’ya ay gusto na s’yang sirain nito ngayon. “...Because he’s saying so many things that are untrue, like for the past two years hindi po s’ya kumukuha ng kumisyon...It makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano ’yong nangyayari sa loob.”

Hindi napigilang maiyak ng aktres na si Liza Soberano habang naglalatag ng mga tampo n’ya sa dating manager na si Ogie Diaz.

Naganap ito sa second part ng interview ng former Kapamilya artist with Boy Abunda na ipinalabas ngayong araw, March 13, sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda

Napag-usapan nila Liza at Tito Boy ang mga nakukuhang komisyon sa kanya ni Ogie before lalo na’t lumabas umano sa mga balita na nakapagbitiw daw si Ogie recently na hindi na s’ya kumukuha ng komisyon sa kinikita ng aktres in the last two years. 

(Before, 30 percent umano ang nakukuhang komisyon ni Ogie Diaz kay Liza, habang ang isa pa n’yang manager na si Tita Joni ay 20 percent. Ten percent naman ang napupunta sa Star Magic at another ten percent para sa kanyang US and Philippine tax. Bale, 30 percent na lang ang umano ang nakukuha ni Liza sa kanyang kinikita. 

Dumating daw ang panahon na pinagkasunduan nila itong baguhin. Naging 20 percent na lang ang kay Ogie, 15 percent kay Tita Joni, at nanatiling ten percent ang para sa Star Magic.)

Itinanggi ito ni Liza dahil hanggang ngayon daw ay nakakatanggap pa rin ito ng parte sa kinikita n’ya. 

“It’s not right. That’s incorrect,” tahasang sinabi ng aktres. “It actually hurts me when he’s making up those lies about me because…”

Sa puntong ito s’ya napaiyak. Pakiramdam daw kasi n’ya ay pinalalabas ni Ogie na hindi s’ya kumikita ng pera sa nakalipas na dalawang taon. 

“Sorry… My God... I feel like he’s trying to…making it seem like I wasn’t profitable in the past two years that we’re working together when he knows the truth,” umiiyak na sabi n’ya. 

“He knows my pains, he knows the things that I felt, things that were mishandled, and stuff like that. So, it’s kinda unfair that I feel like he’s trying to tarnish my name.”

Ayaw na raw sana n’yang isapubliko pa ito pero para sa kaalaman daw ng publiko, hanggang ngayon, ay nagbibigay pa rin umano s’ya ng komisyon sa dati n’yang manager.

“I don’t want to bring this up, but he still gets commissions from some of the endorsements of mine that fell under the time that I was under contract with him, even though he has no more obligations. We told him he has no more obligations towards me in those endorsements,” pagsisiwalat n’ya.

Nitong nakalipas na February nga lang daw ay inabutan n’ya ito ng parte sa kinita n’ya sa isa n’yang endorsement.

“Literally, last month we gave him a paycheck for an endorsement that was renewed before our contract ended,” ani Liza. 

“And kahit na wala na po s’yang ginagawa for that, we gave his commission because that is what’s right. I wouldn’t breach my contract. He’s going to get another one [paycheck] this week.”

Natanong din ni Tito Boy si Liza kung may tampo ba s’ya sa dati n’yang manager. 

Ngayon po, opo,” diretsang sagot n’ya. 

Nag-iba na raw kasi ang tono nito kahit na maayos naman daw s’yang nagpaalam dito.

“Because natapos naman po ’yong kontrata namin nang tama, nang maayos, nang hindi po kami magka-away. Super nagkakaintindihan po kami,” pagbabalik-tanaw pa n’ya. 

Ang pagkakaintindi ko po, suportado [n’ya ang] lahat ng gusto ko. Ako din naman po ganu’n towards him,”

Limang buwan bago tuluyang mag-expire ang kasunduan nila ay nagbigay na umano s’ya ng heads up dito tungkol sa kanyang mga plano sa kanyang career. 

Nag-usap po [kami]. Nagpaliwanag po ako nang maayos five months before my contract ended with him, dahil na bi-bring up na po n’ya… Like, in passing, ‘Kung magre-renew ka sa akin, ganito na lang ang kumisyon na kukunin ko sa’yo,’” she recalled.

“I felt out of respect that I needed to let him know what my plans were. And I told him nang maayos. Nilinaw ko sa kanya, ‘Tito Ogie, I’m grateful for you. I’m so thankful for everything that I’ve achieved and experienced because of you and your guidance and I will forever hold in my heart the lessons you have taught me. It will forever be a part of me.’ Sinabi ko ’yon sa text [message] ko sa kanya,” she went on. 

Sinabi ko sa kanya, ‘By the time our contract ends, hindi na po ako magre-renew.’ In-explain ko kung bakit. Sinabi ko, ‘We’ve been working for eleven years now…’ I was signed to a ten-year contract with him.”

Iginiit din n’ya na hindi nangangahulugang hindi s’ya masaya kaya s’ya kumalas dito kundi ang kagustuhan n’yang mag-explore.  

“Not for anything, na I didn’t like ’yong pinagsamahan namin, na hindi po ako naging masaya sa career ko. It’s because I want growth. And I believe I can find that by working with other people, by learning things from other people as well, by taking new experiences,” katwiran ni Liza. 

Nu’ng una natakot po akong sabihin sa kanya ’yon kasi I didn’t know kung paano n’ya iti-take ’yon. Pero ’yong response n’ya towards that message was very good. He was very supportive and very understanding.”

Nakapag-message pa daw si Ogie sa kanya nu’ng umugong ang tsikang na-hack ang social media accounts n’ya at buong akala umano n’ya maayos pa rin ang samahan nila. 

“So, ngayon, nagtatampo po ako sa kanya kasi even before, few weeks ago, before ko ni-release ’yong vlog ko… Actually, nu’ng blinack out ko ’yong social media ko nag-message pa po s’ya sa akin,” kuwento ng aktres.

Parang sabi n’ya, ‘Nak, may tumutulong na ba sa’yo to get your social media accounts back?’ Kasi akala n’ya na-hack ako. So, we were okay.”

Hindi n’ya daw maintindihan kung bakit pakiramdam n’ya gusto na s’yang sirain nito ngayon. 

“So, I don’t understand why he is choosing to fight me. It feels like he’s trying to fight me or trying to ruin me when I never said single bad thing about him… Because he’s saying so many things that are untrue, like for the past two years hindi po s’ya kumukuha ng kumisyon,” diin ni Liza. 

“That just makes me look… It makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano ’yong nangyayari sa loob.”

Dagdag pa n’ya, pinalalabas umano nito na ungrateful siya sa pinanggalingan n’yang TV network kahit ang totoo ay tumatanaw umano s’ya ng utang na loob. 

“He’s calling me ungrateful when he knows how grateful I was to ABS-CBN, na kahit wala akong kontrata sa kanila I was doing so much work for them. I was supporting them,” giit ng aktres. 

Nu’ng na-shut down ang ABS-CBN I was one of the artists that rallied alongside them because I don’t think it was fair na mangyari ’yon sa employees nila na nakakasama ko sa taping every day. I didn’t think it was fair for them to lose their jobs,” she continued. 

“He knew how grateful and thankful I was to everyone. S’ya po mismo nagsabi, masunurin ako, mabait ako na bata. So, why is he trying to say things to make people turn against me.”

Sa ngayon ay hindi pa umano ito nagre-reach out sa kanya. Mas pinili nga daw nitong daanin ang lahat sa YouTube channel nito imbes na kausapin daw s’ya nang personal.

“When he messages me, I message [back]. I reply to him. But regarding this issue, he took things publicly without reaching out to me privately first. So, I didn’t feel the need to message him privately,” pahayag ni Liza. 

Anak pa man din ang tawag n’ya sa akin. Gagawin n’ya ’yon sa mga anak n’ya? Would he have done that to his daughters? He has five daughters.”

At nang matanong pa s’ya kung ano ang gusto n’yang sabihin sa kanyang Tito Ogie, ngayon, sinabi n’yang sana ay kinausap daw muna s’ya nito bago ito nag-reak.

Sana kinausap man lang n’ya ako. ’Cause before naman whenever we have a problem we talk it out,” saad n’ya.

Dito, kung na-hurt s’ya sa mga sinabi ko, sana sinabi n’ya muna sa akin personally instead of treating me like everyone else in the industry that he talks about in his [YouTube] channels. 

“Yeah, he should have talked to me. Kasi para namang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi n’ya ako anak kahit ‘anak’ ang tawag n’ya sa akin ’cause he’s treating me like everyone else in the industry.”

Pero sa ngayon, dahil sa mga nangyari, hindi pa raw s’ya handang makipag-usap sa kanyang former talent manager.

At dahil matapang n’yang pinasok ang journey na kinalalagyan n’ya ngayon, natanong pa ni Boy si Liza, “What if you fail?”

“At least I tried. At least wala po akong regret pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan ito, na I didn’t give my all, I didn’t give myself a chance to discover it that makes me happy, what I find fulfillment in,” she answered.

“It’s not that I wasn’t happy in all those years that I was in a love team, all those years na nakatrabaho ko ang ABS, si Tito Ogie, si Quen [Enrique Gil],” paglilinaw n’ya.

“I experienced some of the best things in life because of that. I achieved everything that I have now because of that. 

“And I left it happy. I left it fulfilled. But that doesn’t mean that I can’t want more. That doesn’t mean that people don’t change, and want growth, and want new experiences,” she concluded.

Bukas ang pikapika.ph sa kampo ni Ogie Diaz hinggil sa mga ipinahayag ng dati n’yang talent na si Liza Soberano.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pag-aartista, hindi raw pinangarap ni Liza Soberano pero "I needed to make money for my family."

Ogie Diaz, hinanapan ng resibo si Careless CEO Jeffrey Oh sa claim nitong inimbitahan si Liza Soberano noon na mag-audition sa Spider-Man

Liza Soberano suffers another backlash matapos sabihing sila ni Enrique Gil ang first choice sa megablockbuter hit na Hello, Love, Goodbye

Ogie Diaz, hinimay ang laman ng "This is Me" vlog ni Liza Soberano; "Nagtataka ako doon sa [sinasabing] hindi siya nabigyan ng boses...Sa lahat ng pagkakataon, tinatanong s’ya."

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.