Liezel Lopez admits dating an older guy; open din sa lesbian relationship?

Hindi pa raw nararanasan ni Liezel Lopez na maligawan ng miyembro ng LGBTQ pero hindi umano sarado ang isip niya sa bagay na ito. "Wala naman pong masama kung bisexual or lesbian. Kasi walang gender ang pagmamahal, 'di ba? Malay natin... ang makakatuluyan ko balang araw ay babae, 'di ba? Bahala na po si Lord."

Photos: @liezel.lopez on Instagram

Hindi pa raw nararanasan ni Liezel Lopez na maligawan ng miyembro ng LGBTQ pero hindi umano sarado ang isip niya sa bagay na ito. "Wala naman pong masama kung bisexual or lesbian. Kasi walang gender ang pagmamahal, 'di ba? Malay natin... ang makakatuluyan ko balang araw ay babae, 'di ba? Bahala na po si Lord."

Inamin ni Liezel Lopez na single siya ngayon at hindi niya priority ang magkaroon ng karelasyon. Pero kahit daw focus siya sa kanyang career, nagagawa pa rin naman daw niyang makipag-date paminsan-minsan.

"I'm single but I am dating," aniya sa maikling panayam namin sa kanya kamakailan. "Hanggang dating lang muna. Gusto ko pong i-discover pa ang sarili ko. Baka may mga hindi pa ako nagagawa na gusto kong gawin na. Kaya 'yun muna ang gagawin before maging serious ako sa isang relationship.

Ang dine-date daw ngayon ng Sparkle actress ay older sa kanya at hiniling umano niya rito na maging magkaibigan muna sila. 

"Older po siya sa akin. Gusto ko po 'yung maging magkaibigan muna kami before we get into a relationship. Let's get to know each other before everything else. 'Yun ang preferred kong set-up."

Wala pa raw munang reveal kung sino ito: "Secret po muna siya. Gusto ko po munang i-keep sa sarili ko. Kapag sure na sure na, ako na mismo ang magsasabi. Parang... surprise!"

Aminado si Liezel na mabilis siyang ma-in love noon lalo sa lalaking nagpapakita ng interes sa kanya. Kaya naman very guarded na daw s'ya ngayon pag dating sa romance.

"Totoo po! Bihira po kasi sa lalake 'yung mag-show ng feelings nila, 'di ba? Kapag may gano'n, sobra kong naa-appreciate," reveal n'ya.

"Pero alam ko naman po kapag binobola na ako. Kapag gano'n, kina-cut off ko na. Malakas dapat ang self-control mo para di ka ma-take advantage of. Natuto na po ako!" dagdag sabay tawa niya,

Naka-tatlong boyfriends na raw si Liezel at lahat daw ng mga iyon ay naging supportive sa kanyang mga ginagawa ngayon. 

"I'm very thankful sa mga natutunan ko sa mga relationships na iyon. Naging very supportive sila sa career na napili ko. Isa kasi sa reasons kung bakit naghiwalay kami ng first boyfriend ko is because mas pinili ko ang show business. Better to separate ways kasi long distance relationship iyon at gusto ko po talagang maging artista," patuloy ni Liezel.

Kabilang sa nakarelasyon noon ni Liezel ay ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin. Nagkaroon sila ng relasyon noong nagkasama sila sa lock-in taping ng 2021 GMA teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat. Pero pagkaraan ng anim na buwan ay naghiwalay din sila. 

Nakipagbalikan si Kristoffer sa non-showbiz girlfriend nito na si AC Banzon kung kanino meron siyang anak na babae named Pre'. Kinasal sila noong February 2022 sa Capas, Tarlac.

"Kami naman ni Kristoffer, we're civil. Nakipaghiwalay po ako sa kanya para magkaroon kaming dalawa ng peace of mind. Whatever happened sa aming dalawa, I am still rooting for him. Gusto ko pa rin siyang mag-excel sa mga ginagawa niya ngayon. Nakikita ko naman na happy siya at happy rin naman ako sa nangyayari sa buhay ko," sey pa ng aktres. 

Sa kinabibilangan na teleserye ni Liezel na Asawa Ng Asawa Ko, ang kanyang character na si Shaira ay gumawa ng masamang paraan para maagaw ang isang lalake na asawa ng iba. Sa totoong buhay daw ay never pang nangyaring nang-agaw si Liezel ng lalaking pag-aari ng iba.


"Never ko pang naranasan na magmahal sa asawa ng iba. Naku, tatakbo po akong palayo! Wala pa namang gano'n nangyayari in real life. Kapag may mga naririnig na akong mga kuwento tungkol sa kanya, magpa-background check ako nang malala. Magtanong-tanong ako sa mga friends lalo na kapag may ganitong naririnig ako."

At hindi naman daw sinasara ni Liezel ang posibilidad na pasukin din siya ang kakaibang relasyon tulad ng isang lesbian relationship. So far, daw ay wala pa raw nagtatangkang manligaw sa kanya na kapwa niya babae. Pero kung sakali ay hindi umano niya sinasara ang isip tungkol dito.

"Wala pa naman po akong nalalaman na may girl na gusto akong ligawan. Wala naman pong masama kung bisexual or lesbian. Kasi walang gender ang pagmamahal, 'di ba?  Malay natin... ang makakatuluyan ko balang araw ay babae, 'di ba? Bahala na po si Lord," ngiti pa ni Liezel na isa sa ilo-launch bilang Sparkle 10 kasama sina Rabiya Mateo, Faith da Silva, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Shuvee Entrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Kate Valdez, at Elle Villanueva.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.