Lianne Valentin, ayaw mag-boyfriend para hindi masira ang focus sa career

Pelikula naman daw ang gustong gawin ni Lianne pagkatapos ng Apoy Sa Langit. Okey lang daw na tumanggap siya ng sexy role pero may limitations. “Iba kasi po ’yung sexy sa TV compared sa movies. I cannot go very far. I’m willing to do love scenes and show some skin, but no frontal.”

Photos: @lianne.valentin

Pelikula naman daw ang gustong gawin ni Lianne pagkatapos ng Apoy Sa Langit. Okey lang daw na tumanggap siya ng sexy role pero may limitations. “Iba kasi po ’yung sexy sa TV compared sa movies. I cannot go very far. I’m willing to do love scenes and show some skin, but no frontal.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating afternoon teleserye ng GMA na Apoy Sa Langit, muling nagpapasalamat ang Kapuso actress na si Lianne Valentin dahil sa big break na binigay sa kanya bilang ang kontrabidang mistress na si Stella.

Sa naging huling Zoom mediacon para sa naturang teleserye, sinabi ni Lianne na hindi raw niya malilimutan ang mga natutunan niya mula sa aktor na si Zoren Legaspi at sa kanilang direktor na si Ms. Laurice Guillen.

"Noong pumasok po ako sa lock-in taping after na sinabing ako ang napiling gaganap na Stella, hindi ko alam ang gagawin ko talaga. Pero naging prepared ako dahil alam kong maraming kaming gagawin na mga intimate scenes ni Zoren who plays Cesar.

"Lahat ng mga napanood nila sa mga naging episodes ng Apoy sSa Langit, maraming kinalaman doon si Zoren. Dahil alam kong direktor din siya, tinuturuan niya ako ng mga tamang pagkilos ko sa eksena, kung paano ako dapat mag-react at kung gaano dapat kalakas ang mga sampal ko sa kanya. As in, lahat ng mga eksena, inalaagan ako ng husto ni Zoren kaya ang laki ng pasasakamat ko sa kanya," pahayag ni Lianne.

Ang pinakamahirap daw na ginawa niyang eksena ay ang bugbugan scene kunsaan inamin niya kay Cesar na siya ang dahilan nang pagkakalaglag ng anak nila ni Gemma (played by Maricel Laxa).

“Totoo ang sampal na ginawa ni Zoren sa akin. Naramdaman ko ang sakit at tamang reaction ang ibibigay ko. Gusto naming makatotohanan lahat ang pag-arte namin.

"Kahit na nakapag-rehearse kami ng ilang beses para sa blockings at kung paano ako hahawakan, itutulak at sasampalin, naiba pa rin siya sa actual na take. Gusto kasi ni Direk Laurice na natural at totoo at hindi mukhang rehearsed. 

"Kaya 'yung pinakita ko sa eksena na mga reaction at emotions, totoo lahat iyon. Umiiyak talaga ako at natatakot talaga ako. Ang laking tao pa naman ni Zoren, just imagine kung gaano kalakas yung sampal niya sa akin?" sabay tawa pa ni Lianne.

Patungkol naman kay Direk Laurice, habambuhay daw na dadalhin ni Lianne ang mga natutunan niya rito. 

“Nag-usap muna kami ni Direk Laurice in regards to my character Stella. She said na ibang klaseng contravida si Stella kasi she’s young and her lover is much older. So, bawal sa akin yung puro galit, puro sigaw. Sabi ni Direk Laurice, dapat, when given other villain roles, iba-ibahin ko ’yung flavors. 

"Dito, ’yung emotional scenes ni Stella, she shows she does her nasty acts dahil sa pagmamahal niya kay Cesar, so biktima rin siya ng pag-ibig. Sabi niya dapat si Stella, hindi sobrang sama, dapat tao pa rin ang dating niya. 

"Sa start pa lang in the script reading, she already gave her inputs about our characters na naging malaking tulong sa akin because it's my first time to work with an award-winning actress and director. Kaya forever kong dadalhin ang mga sinabi niya sa akin. Lahat ng mga natutunan ko sa pag-arte ngayon, I owe it all to Direk Laurice."

Pelikula naman daw ang gustong gawin ni Lianne pagkatapos ng Apoy Sa Langit. Okey lang daw na tumanggap siya ng sexy role pero may limitations.

“Iba kasi po ’yung sexy sa TV compared sa movies. I cannot go very far. I’m willing to do love scenes and show some skin, but no frontal. 

"After playing Stella na tumatak na sa maraming tao, alam ko na it's a tough act to follow. Kaya wish ko na magkaroon ako ng movie na may impact din tulad ng ginawa ni Stella sa teleserye."

Kahit maging busy raw si Lianne sa kanyang showbiz career, hindi raw niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. Incoming third year college student ang aktres sa ISHRM School System at Bacoor, Cavite taking up business management, major in human resources.

Isa pa raw sa pinasalamat ni Lianne ay wala siyang lovelife noong gawin niya ang Apoy Sa Langit. Kaya walang nagseselos o nakikialam sa mga desisyon niya sa kanyang career. 

“Wala po akong boyfriend. May mga nanliligaw pero ayoko po muna. Ang tagal kong hinintay ang ganitong big break sa career ko, so I won’t just let it slip away. 

"Focused muna ako totally sa trabaho natin dahil ayokong mawala ito. Panganay ako sa aming magkakapatid and naging malaking tulong sa aming pamilya itong trabaho ko."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.