Naging maingay na usapin sa showbiz ang pabirong hinaing ni Dennis Padilla sa social media noong nakaraang linggo, June 22, ukol sa hindi pagbati ng mga anak niya sa dating asawang si Marjorie Barretto—sina Julia, Claudia, at Leon—ng “Happy Father’s Day” noong Araw ng mga Ama.
Ang unang ipinost ni Dennis noon ay dedicated sa binata na niyang anak na si Leon. Kalakip ang lumang larawan nilang mag-ama, saad ni Dennis:
“Leon… You forgot to greet me last [S]unday… Hehe… Love you ingat… [praying hands and heart emojis].”
Sa kasunod na post naman ay ang photo ng dalawa n’yang anak na dalaga, sina Julia at Claudia, ang inilagay niya kasama ang mensahe na: “Miss you both,” saad ni Dennis sa caption. “You forgot to greet me last [S]unday… Hehe!! Love you… God bless you more [praying hands and heart emojis].”
Kaagad ding binura ni Dennis ang mga nasabing posts pero naagapan nang na-screenshot iyon ng mga showbiz news sites.
Noon namang June 26, nag-repost siya ng screenshot ng pagkikita at pagyayakapan ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice at ng ama ng mga itong si Yilmaz Bektas sa Turkey na ang pahiwatig ay tila naiiinggit siya sa reunion ng mga ito.
Ayon pa sa caption niya: “Most precious moments... It broke my heart... This made me... 😢😢💔”
Basa ng publiko dito, tila patama ito sa kanyang mga anak kay Marjorie.
Apat na araw matapos ang mga pagpaparamdam ni Dennis sa mga anak through social media, naglabas naman ng kanyang saloobin ang bunso niya kay Marjorie na si Leon na idinaan din sa social media.
Ayon kay Leon, pinag-isipan niyang talaga kung susulatan daw ba niya ang ama niya at kung talagang tama na sa social media niya idaan. Pero dahil napapansin naman daw nila na tila sa social media talaga idinadaan ni Dennis para makipag-communicate sa kanila, gagayahin na lang din daw niya.
“Dear Papa, I’ve been contemplating whether I should write this to you and if this is even the best way to do so. But it seems that social media is your preferred way to reach us so maybe I can try it too,” tila sarcastic na panimulang bitiw ni Leon.
“Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day.’ It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day,’” patuloy na hugot ni Leon.
Bukas naman nga sa publiko ang tila ‘on and off’ na relasyon ni Dennis sa tatlong anak niya kay Marjorie. Pero ayon din kay Leon, palagi raw nasisira ang attempts on both ends na ayusin ang gusot sa tuwing may sasabihin si Dennis sa mga interview nito at sa mga hugot nito social media na nagiging dahilan para masaktan sila.
“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father? It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us,” dire-diretsong hirit ni Leon na tila punong-puno ng hinanakit.
“Is public sympathy more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, papa,” pagre-remind pa niya dito.
Sa kanilang tatlo, si Julia ang madalas na humaharap sa mga controversy at accusations patungkol sa mga isyu nila sa kanilang ama.
Pero ngayon daw, bilang siya ang lalaki, siya na raw ang nagsalita para protektahan naman ang mga kapatid na babae na sina Julia at Claudia.
“For years I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in public. It’s exhausting, papa. As the only man in the family, this is me stepping up to protect my sisters.”
Nakiusap din si Leon sa ama kung maaari raw na itigil na nito ang pagre-resort sa public shaming sa kanilang mga anak niya.
“I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa. Can you please stop resorting to public shaming when things don’t go your way?
“I long for the day when I can greet you a ‘Happy Father’s Day’ and know that it comes from a place of gratitude and healing.
“Leon.”
Sa ginawang open letter na ito ni Leon, kapansin-pansin na tila nag-360 degree turn ang mga netizens na noong unang mag-post si Dennis na hindi siya nakatanggap ng anumang pagbati ng ‘Happy Father’s Day’ sa mga anak ay nakuha ang simpatiya ng maraming netizens habang na-judge naman agad ang tatlong magkakapatid.
Sa pagkakataong ito, halos lahat ng mga nagko-comment sa letter ni Leon sa ama ay pawang positibo at nagsasabing mas naiintindihan na raw nila ang pinanggagalingan ng magkakapatid.
May ilan ding celebrities ay nag-comment sa post ni Leon, kabilang na ang isa sa mga anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia Robredo na nagsabing: “Hugs, Leon.”
Gayundin si Bela Padilla na ang comment sa open letter ni Leon ay: “Beautifully and respectfully said.”
Samantala, may maikling sagot si Dennis Padilla sa naging open letter ng anak na si Leon.
Ipinost pa rin niya ang katulad ng picture sa kanyang deleted kung saan magkasama sila ng bata pang si Leon. At doon ay humingi siya ng patawad sa anak.
“I am sorry leon… Miss ko lang kyo… God bless you more.”
Sa post na ito ni Dennis, mapapansin din ang pagkambiyo ng netizens. Payo nila kay Dennis, gaya ng nakasaad sa sulat ni Leon, na tantanan na nito ang pagpo-post sa social media ukol sa mga anak kay Marjorie at imensahe nalang umano nang personal.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber