Lassy Marquez, excited na ipakilala ang fresh-from-Saudi’ng d’yowa na si “Habibi” kina Chad Kinis at MC Muah

Natagalang hindi nakapag-vlog ang Beks Battalion dahil binigyang-laya muna nila si Lassy Marquez na makapag-moment sa boyfriend nito na umuwi ng Pilipinas from Saudi Arabia noong Holidays season. Dalawang taong din kasing hindi nito nakapiling ang long-time pero LDR na boyfriend.

SCREENSHOT: Beks Battalion on YouTube

Natagalang hindi nakapag-vlog ang Beks Battalion dahil binigyang-laya muna nila si Lassy Marquez na makapag-moment sa boyfriend nito na umuwi ng Pilipinas from Saudi Arabia noong Holidays season. Dalawang taong din kasing hindi nito nakapiling ang long-time pero LDR na boyfriend.

Humingi ng tawad ang Beks Battalion, partikular na si Lassy Marquez, sa mga manonood nila nina Chad Kinis at MC Muah dahil matagal-tagal daw sila bago muling nakapag-vlog nang magkakasama. 

Naganap ang apology nilang ito sa vlog entry nilang tatlo na in-upload last January 14 sa Beks Battalion YouTube Channel. 

Kasalan ko. Kasalanan ko na hindi tayo makagawa agad, hindi tayo makapag-upload [ng vlog] dahil sa mga pansarili ko na pinili ko na gawin ito pero nakaapekto na pala ako,” apologetic na panimulang pahayag pa ni Lassy. 

Humihingi muna ako ng paumanhin sa lahat bakit hindi tayo nakakagawa [ng vlog]. Sana mapatawad n’yo ako kasi lumayo ako…”

Pero echos lang pala ang pagdra-drama nila dahil ang totoong dahilan ay galing pala ng bakasyon si Lassy dahil umuwi mula sa Saudi Arabia ang kanyang long-time boyfriend na kung tawagin niya ay Habibi, which is Arabic for “my love.” 

Kaya po nagawa ni Lassy ’yan kasi po mas pinili n’ya na… makasama si Habibi! Dumating na po si Habibi!” masayang pambubuko ni MC. 

Dumating na po ang d’yowa ni Lassy!” tili naman ni Chad.

At dito na napuno ng tawanan, kantiyawan at biruan ang pag-uusap ng tatlo beking komedyante. 

S’yempre, puso ’yon so pinayagan namin s’ya mag-Christmas vacation!” dagdag pa ni MC. 

Excited na dagdag naman ni Chad, “...Mag-Christmas Vacation, mag-New Year vacation para magkaroon sila ng moment ng kanyang d’yowa na si Habibi. After two years ngayon lang uli sila nagkasama!

Masaya naman si Lassy na pinayagan s’ya ng mga ka-grupo na magkaroon ng oras para sa d’yowa n’yang hindi n’ya nakita ng dalawang taon. 

Ang saya-saya ko dahil pinayagan nila ako dahil ito ’yong moment naming dalawa ni Habibi talaga,” pahayag ni Lassy. 

Saad naman ni Chad, “Sabi namin kay Kuya [Lassy], ‘Sige lang. Spend time, have moment, okey lang. Ang vlog natin nand’yan makakapag-antay. Ang mahalaga ang puso mo maging masaya.”

At dahil nga hindi gaanong nagkukuwento si Lassy tungkol sa kanyang love life, dito nakahanap ng pagkakataon sina Chad at MC na ma-hot seat s’ya sa naging pagkikita nila ni Habibi. 

“Actually, nu’ng time na dumating s’ya… ’Di ba, nag-uusap tayo, nasa taping tayo nu’n, e, na dumating na s’ya. Hindi lang kami makapagkita kasi may shoot kami. Alam mo ’yong kahit alam mo [na uuwi na s’ya] masu-surprise ka pa rin,” pagbabaliktanaw n’ya. 

And because of the required quarantine days for the returning Filipino galing abroad, grabe daw lalo ang naging pananabik ni Lassy. Alam n’ya kasing nasa bansa na si Habibi pero hindi pa sila p’wede agad magkita in person. 

Ang hirap na magkita habang tumatagal. Kasi unang-una, pag galing abroad may quarantine [pag dating sa Pilipinas],” aniya. “Sobrang nananabik ka talaga. Parang ‘Kelan kaya tayo magkikita?’ S’yempre, malayo, e.

Kaya ang ginawa n’ya, noong p’wede na ay sinurpresa daw n’ya ang nobyo sa bahay nito sa probinsya. 

Tulala kami [nang makita namin ang isa’t isa]. Tapos biglang nagyakapan kami…” kinikilig na pagre-recall ni Lassy. 

Dudang singit naman ni MC sa kuwento n’ya, “Totoo ’yan, ha? Kasi p’wede ka naman [itulak], e. P’wede ring sa istorya tinulak ka, e…”

Tanong pa ni Chad sa kanya, “So, tumakbo ka papunta sa kanya [gaya sa mga pelikula]?”

Ano ito? Beach?” sagot naman ni Lassy. 

Pero pag-amin n’ya, napatakbo din daw talaga s’ya para yakapin si Habibi. 

Nagyakapan kami, ang tagal-tagal,” sey pa n’ya. 

Tapos pag dilat mo wala na s’ya. Hahaha!” muling pang-aalaska ni MC sa kanya. 

Natatawang sakay naman ni Lassy, “Pag dilat ko tatay pala n’ya ’yong yakap ko. Puyat ako, e. ‘Sorry, ’Tay.’ Hahaha.”

Pang-uurot pa ni MC sa kanya, “Pagkatapos ng yakap nag-kiss kayo?

Oo naman,” sagot ni Lassy. 

Doon sa pamilya? Kaharap ang pamilya?” naiintrigang tanong ni MC. 

Pagmamalaking sagot sa kanya ni Lassy: “Hello!? Oo, nag-kiss kami. Pinatalikod ko ang pamilya n’ya. ‘Talikod muna kayo magki-kiss kami.’”

Anong una n’yang sinabi sa’yo ni Habibi?” singit na tanong naman ni Chad. 

“S’yempre, na-miss n’ya ako. ‘Na-miss kita, Love,’” may kilig na tugon n’ya.

Sa family din daw ng nobyo n’yang si Habibi s’ya nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon kaya naman ganu’n na lang ang saya n’ya. 

Ang saya-saya ko. Nakangiti lang ako. Slow-mo[tion] lahat ng nangyayari sa paligid ko. Alam mo ’yon?” pagbibida pa ni Lassy sa dalawa n’yang kaibigan. 

Nag-beach outing din daw sila sa Subic kasama ang family ng kanyang nobyo.

Pa-trivia pa n’ya, same date ang anniversary nila ni Habibi sa monthsary nina Chad at boyfriend nitong si Nico. 

“Super duper happy kami sa’yo. ’Yon actually ang dahilan kung bakit kami hindi nag-vlog. Sinadya namin na hindi mag-vlog to give time kay Lassy. Ganu’n naman kami, e,” lahad naman ni Chad. 

Pati ikaw kay Nico,” pambubuko pa ni MC. “Si Chad din doon din s’ya nag-Pasko [kina Nico]. Saka nag-New Year, doon din s’ya.

Dagdag pa ni MC: “Pag pinag-usapan ang puso hindi mo p’wede kuwestiyunin kasi meron silang naibibigay na hindi kaya nating ibigay [bilang kaibigan] sa kanila. At tanggap natin ’yon.

Iba ang pagmamahal ng pamilya, kaibigan, at ng pagmamahal ng kasintahan, karelasyon,” page-elaborate naman ni Chad. “There are different kinds of happiness that only your better half can give it to you.” 

Totoo ’yan. Pag nanghihina ka tapos makita mo ’yong d’yowa mo lumalakas ka uli,” inspired na hirit naman ni Lassy.

Tanong naman ni Chad kay Lassy: “Ikaw ba ay may planong ipakilala sa amin si Habibi?”

Kung ikaw [Chad] nga naipakilala mo si Nico, e… Ikaw [MC] kilalang-kilala ko naman kung sino-sino ’yon…” panunukso Lassy.

Grabe ’yong kung sino-sino,” reak agad ni MC sabay palo kay Lassy. “Kaya kung sino-sino kasi wala ngang matapat.” 

“’Yon ’yon. Ang importante napakilala n’ya,” pang-ookray pa ni Lassy. “Kaya ako, willing na willing akong dalhin si Habibi dito.”

Dapat pag dating n’ya maganda ang pag-istima natin,” excited na suggestion ni Chad. 

Ako, hindi ako makakapangako, ha. S’yempre, kailangan ko s’ya istimahin,” may pagtataray na sey naman ni MC. 

Oo naman, parang ate,” ani Lassy. 

Ako titingnan ko muna si Habibi. Pero feeling ko ang gaan-gaan ng loob ko kay Habibi,” kinikilig na saad ni Chad. 

Ah talaga?” tanong ni MC.

“Oo, kasi kinaya n’ya ’to, o,” sagot naman n’ya sabay turo sa mukha ni Lassy na ikinatawa ni MC. “’Yong mga ganu’n, ’yong kaya kaming mahalin ni Kuya Lassy dapat mataas ang respeto mo du’n. Fear factor ang kaya nila.

Sundot pa ni MC, “Dahil? Fear is never…”

“A factor,” magkasabay na bigkas nila ni Chad. 

At kinakabahan ako. Nagustuhan ako ni Habibi. Naku pag nakita ka,” hirit naman ni Lassy kay Chad. 

Wag ka magseselos ha,” birong busina agad ni Chad sa kanya. “Kasi kay Nico delikado din ako sa’yo, e. Hahaha!”

Hindi kaya tayo mag-delikaduhan, sila ang magkasundo?” tanong ni Lassy sa kanya. 

Mamaya tayo ang magkatuluyan?” ani Chad.

Tapos sila [Nico at Habibi]? Ay, ang sakit,” pabirong komento pa ni Lassy. 

At dahil nakabalik na nga si Lassy mula sa kanyang bakasyon with his d’yowa, abangan daw ang muling paggawa nila ng vlog nang magkakasama.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.