Lassy Marquez, confident na proud si Vice Ganda sa kanya

Si Vice Ganda ang maituturing na pinaka-successful na stand-up comic/comedy bar host na nakapag-cross over sa TV at pelikula. Bukod sa halos taun-taong blockbuster credits ng kanyang mga MMFF (Metro Manila Film Festival) entries, namamayagpag din ang kanyang mga TV shows na It’s Showtime at Gandang Gabi, Vice (GGV). Ang success niyang ito ang dahilan kung bakit siya naman ngayon ang nagbibigay ng chance sa mga dating kasamahan sa comedy bars para bahaginan ng kanyang kinang by including them in his movies. Payback time, ika nga. At dalawa sa mga ito ay sina MC Calaquian at Lassy Marquez. Katwiran ni Vice, wala namang ibang magsasama sa kanila kundi siya.  Pero si Lassy, in particular, ay nakaka-raket na, so to speak, sa mga pelikulang wala si Vice. In fact, sa Papa Pogi na pinagbibidahan ni It’s Showtime co-host na si Teddy Corpus, malaki ang role ni Lassy.

PHOTOS: Anna Pingol & @akolassy on Instagram

At ayon kay Lassy, haping-hapi ang titinuturing niyang mentor na si Vice sa mga breaks na nakukuha niya outside his graces. Nevertheless, hindi maiaalis kay Lassy na tanawing malaking utang na loob kay Vice ang pagpe-pave ng way para mapasok niya ang mundo ng movies at TV.

“Nagpapasalamat talaga ako ke Meme Vice kasi isa talaga siya sa nag-push sa akin para mapasok ang industriya [ng showbiz],” panimula ni Lassy. “Si Vice kasi talagang full support sa akin bilang kapatid niya, kasamahan niya sa trabaho, at isang BFF.”

In fact, sa unang movie projects na nasamahan niya nang wala si Vice, sumuporta raw ng todo ang tinuturing na phenomenal star na si Vice at nanood pa ng premiere night.

“Nong una akong gumawa ng pelikula na wala siya, lagi siyang naka-abang kung anong mangyayari sa akin, ’yong gano’n? ’Yong parang nanay…na pinapanood, tinitingnan, tinatanaw ’yong anak niya kung ano ’yong ginagawa…” k’wento pa ni Lassy, “E, one time may ginawa akong movie na um-attend siya ng premiere night…so ang layo namin sa isa’ isa, hindi kami makapag-usap…s’yempre kinakabahan ako dahil first time na wala siya, ano kaya magiging reaction niya? So, no’ng napanood niya, maya-maya lumapit…minura ako at kinong-gratulate…sabi niya, ‘Buti nalang mahusay ka diyan bago natin gawin ’yong Metro Manila Film Festival, kundi mapapahiya tayo.’

“So kinabahan talaga ako…alam mo ’yong gano’n …alam mo na isang phenomenal [star]…’yong nasanay talaga ako na lagi siyang kasama? ’Yong sure ball talaga pag dating sa comedy.”

Para kay Lassy, ang kaibigan si Vice ang itinuturing niyang pinaka-magaling na komedyante sa bansa ngayon.

“Siya na ang pinaka-mahusay para sa akin, e, pag dating sa komedya…siya ang pinaka-sikat. So siya ang tinitingala ko, siya ang tinitingnan ko sa bawat yapak niya so, siya ang mentor.”

At ngayong hinahayaan na siya ni Vice to spread his own wings, kampante raw siyang susuportahan pa rin siya nito at that Vice is proud of him.

“Edge ko na ’yon, e, kasi kaibigan ko siya,,,tama nga ’yong sa ni Teddy [Corpus] na ang laki ng market natin, ang laki no’ng social media ano [reach] natin, di ba, dahil dikit kami sa mga malalaking tao. So ’yon ’yong suportang nararamdaman ko sa kanya…at ngayon, eto, makikita na naman niya ito at malalaman niya, so super proud po siya para sa akin.”

Regal Films’s Papa Pogi, incidentally, opens in cinemas on Wednesday, March 20. 

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: Bela, Kim and Angelica got their friendship tattoo!

Kisses Delavin tells the importance of friendship in showbiz

Yul Servo, non-stop na tinutulungan ni Piolo Pascual; puring-puri ang kaibigan sa dami ng scholars

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.