Kyline, palaban!

VIDEO: Melo Balingit

VIDEO: Melo Balingit

More than five years ang itinagal ni Kyline Alcantara bilang talent ng Star Magic, ang talent management firm ng ABS-CBN. Gumanap siya bilang young version ng maraming bida sa mga teleserye ng Kapamilya Network gaya o kaya nama’y isa sa mga anak ng bida.

 

Pinaka-malaking break niyang maituturing doon ang 2013 teleserye na Annaliza, where she played the nemesis to her half-sister played by Andrea Brillantes.

 

When she turned fifteen last year, her Star Magic contract expired and along came an opportunity to audition for an important role in ABS-CBN’s rival network, GMA-7. Kyline took the plunge. And it changed her life.

 

Her competent attack on her dual roles as the adopted sister of lead star Bianca Umali and as her “dead” real sister who inhabits her body in the highly successful primetime drama Kambal, Karibal not just earned her the nods of both the viewers and the Network bosses, it also gave her her first two acting awards—Best Drama Supporting Actress from the Star Awards and the Most Promising Female Star for TV form the Alta Media Icon Awards.

 

Tunay na lutang na lutang ang acting ni Kyline sa nasabing serye— shifting from benevolent to extremely vengeful. At naging dahilan ito para maintrigang nasapawan niya ng husto ang bidang si Bianca Umali. Ang napatunayan niya sa show ang siya ring naging launching pad ni Kyline para mapabilang sa mga aabangang papalaking artista ng Kapuso Network.

 

At dahil may magandang mukha at magandang ugali despite her villain role, naghakot din ng maraming fans—na tinatawag niyang mga “sunflowers” ng buhay niya—si Kyline, who just turned 16 last September.

 

Sa ngayon ay halos walang pahinga ang young star dahil bukod sa dalawang regular shows—Studio 7 at Sunday Pinasaya—ay mabenta rin siya sa mga guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7. Hindi pa kabilang dito ang recording at concerts na extra curricular pa sa mga pinagkakaalabahan niya.

 

“I’m happy I took the risk [of transferring],” nakangiting tsika ni Kyline sa maiikling panayam sa kanya ng pikapika kamakailan sa GMA-7 studio. “At happy po ako na puno ang schedule ko kasi matagal din po akong nabakante.”

 

Kasalukuyan nang nagpe-prepare si Kyline para sa bago niyang drama show na may tentative title na Kidnap. Ang equally talented na si Therese Malvar (Ang Huling Cha-Cha ni Anita, School Service) naman ang makakatunggali niya sa aktingan. Bida-kontrabida na naman daw ang role niya dito. Bagay na siya mismo ang may gusto. Ayaw daw niyang umiba na ng linya pa sa ngayon.

 

And here’s her reason why: