Kyline, naglalagare sa tatlong GMA shows; ka-loveteam na si Manalo, tanggap ng mga "sunflowers"

PHOTOS: Lito T. Mañago

PHOTOS: Lito T. Mañago

“Keri naman po,” sambit ng lead star ng Inagaw Na Bituin with Therese Malvar at Manolo Pedrosa, nang tanungin kung hindi siya nahihirapan sa paglalagare sa tatlong shows sa GMA Network. 

Naka-reserve ang MWF [Monday, Wednesday, Friday] sa taping ng Inagaw Na Bituin at ang araw ng Huwebes ay para sa taping ng Studio 7 with Julie Ann San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, Rayver Cruz at iba pa. At pagdating ng Sabado, rehearsal naman ng Sunday PinaSaya with Marian Rivera, Ai-Ai de las Alas, Alden Richards, and many more. 

“Sabi ko nga po, bigyan lang ako ng maraming trabaho, ako na ang bahala sa tulog ko,” madalas naming marinig sa Bicolana actress. “Keri ko na po ‘yan. Ang importante, may trabaho.”

Ang araw ng Linggo ay inilalaan naman ito ng kanyang management team sa mga out-of-town shows. 

“Strike while the iron is hot, ‘ika nga po. Minsan lang ito dumating sa buhay ng isang artista. I don’t complain. Kaya ko pa naman. Ang laki nga po ng pasasalamat ko sa GMA Network dahil pinagkakatiwalaan nila ako ng iba’t-ibang klase ng projects,” paliwanag ng brand ambassadress ng Symply G Hair & Skin Care. 

Pumapalo sa rating ang pinagbibidahan niyang afternoon show. Malaking bahagi ng tagumpay ng series ang hukbo ng kanyang mga tagahanga na kung tawagin niya ay “sunflowers.” 

“Totoo naman po. I owe it to my ‘sunflowers.’ Ang laking bagay po na andiyan sila at laging sumusuporta sa akin. Kung anuman po ‘yong naabot ko sa ngayon, malaking bahagi ang aking mga tagahanga. Kung anuman man meron ako, hindi ko ito mararating kung wala sila,” say pa ng 16-year old Kapuso actress. 

Samantala, sa dami nang sumailalim sa audition for the role bilang Prince sa Inagaw Na Bituin, unanimous na napili si Manolo Pedrosa ng production. 

“I’m very happy na napili ako,” kuwento ni Manolo. “Kasi nag-audition ako. Actually, I didn’t expect na sa akin mapupunta ‘yong role. 

First major project ito nina Kyline at Manolo pero nagkasama na sila sa isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

“I’m very comfortable na with Kyline kasi nagka-work na kami before. I felt, connected na kami agad. We clicked and hopefully, ma-further pa ‘yong relationship namin habang tumatagal ang pagsasama namin sa series.”

His impression on Kyline, “Very mature for his age, very professional and very friendly. She’s very open, walang walls. 

Dahil sa kanilang seryeng napapanood sa afternoon prime ng Kapuso Network, nabuo ang love team ng KyNolo (coined word ng kanilang pangalan). 

“I think, it’s normal naman po. Okey lang naman ako [doon], I mean, when I surprised Kyline in one of her mall shows, masaya ako dahil natanggap ako ng ‘sunflowers’ ni Kyline,” lahad ng Chinito actor. 

[“Sunflowers” ang tawag ni Kyline sa kanyang mga loyal followers].

Patuloy niya, “Of course, I’m very happy. ‘Yon nga po, the main factor talaga is pagdating sa love team, gusto ko, very comfortable ako sa aking co-star kasi it translates sa camera, ‘yong off-cam relationship, so I’m very happy na si Kyline ang ka-partner ko.”