Kyline Alcantara, kinilig nang sabihan ni Nora Aunor na maganda ang mga mata niya; nahiya daw siyang magpa-selfie sa Superstar

Photos: Instagram

Photos: Instagram

Maganda ang pasok ng 2020 kay Kapuso actress Kyline Alcantara dahil bukod sa mainstay siya ng All Out Sundays, ang newest weekend variety show ng GMA-7, ay makaka-trabaho pa niya si Superstar Nora Aunor this year.

Kasali kasi si Kyline sa tine-taping na ngayong TV adaptation ng 1989 classic Nora Aunor movie na Bilangin ang mga Bituin sa Langit.

Sa nasabing pelikula—which served as her reunion movie with her former loveteam partner na si Tirso Cruz III—binitawan ni Superstar ang immortal lines na: “Wala pang taong hindi rumespeto sa pangalang Magnolia dela Cruz! At ang hindi marunong kumilala sa aking pangalan ay aso lamang!”

Apo ni Nora ang magiging role ni Kyline sa TV adaptation ng GMA-7, habang si Mylene Dizon ang gaganap sa dating role ni Ate Guy na Magnolia dela Cruz.

Nakapag-taping na raw ang ibang cast, say ni Kyline, pero siya ay ini-schedule pala. Pero hindi pa man ay kabadong-kabado na daw siya.

“Kinakabahan nga po ako kasi si s’yempre si Ate Guy po ’yon,” k’wento ng dalaga nang matsika namin sa backstage ng All Out Sundays last January 5. “Then si Miss Mylene [Dizon], tapos si Direk Laurice [Guillen] pa. Ang wini-wish ko lang talaga hindi ako masigawan ni Direk. Hahaha! Kinakabahan po ako.” 

Nagpa-k’wento kami kay Kyline sa first encounter niya sa Superstar na first time niyang makaka-trabaho. Nangyari daw ang first meeting nila tail end of last year, during the story conference ng TV project nila.

“Naka-sabay ko po siya sa elevator ta’s nag-freeze po ako,” natatawang recall ni Kyline. “Naka-sabay ko po siya sa elevator nauna po siya [pumasok], e, so parang doon sa elevator naka- ganyan lang ako. Nahiya ako.”

Pero naglakas-loob pa rin daw siyang i-greet hug ang Supertar.

“Opo, nag-hello po ako sa kanya...S’yempre aanuhin ko na ’yong moment na ’yon na maka-hug ang isang Superstar.”

Ang hindi raw niya kinaya ay ang mag-request na makipag-selfie dito.

“May picture po kami together pero selfie wala po, nahihiya po ako magpa-selfie.”

Bago daw simulan ang storycon ay in-interview muna silang mga cast ni GMA-7 showbiz news correspondent na si Lhar Santiago at may sinabi raw ang Superstar na nagpa-kilig nang husto sa kanya.

“Ikaw pala si Kyline,’” ulit ni Kyline sa dialogue ni Ate Guy. “Habang ini-interview kami ni Tito Lhar, may isa ‘po siyang sinabi sa akin na sobrang na-flatter ako...na habang tinitingnan niya ako, sabi niya, ‘Ang ganda ng mata mo.’ Sabi ko, ‘Ayyyyy! Kinilig po ako talaga nang sobra. Kinilig ako. Na-touch po ako.”

Now palang ay aware na din si Kyline na mata rin ang panlaban ng Superstar. Nawarningan na daw siyang wag tititig sa mga mata nito dahil madi-distract siya.

“Tapos sabi nga po nila, wag daw titingnan si Ate Guy sa mata kasi mawawala ka na daw sa lines mo. Kaya kung magkakasama kami, dito ako titingin [sa iba]. Hahaha!”

Tungkol daw sa three generations of a women na may pinaglalaban sa buhay at sa pagmamahal ang bago niyang soap opera. At ang ila-loveteam daw sa kanya dito ay ang baguhang si Yasser Marta na produkto ng talent search ng Eat Bulaga!

When asked kung magle-level up ba siya ng image para sa nasabing teledrama...

“Cute pa rin po ako pero medyo mature,” natatawang pagtatapos ng mag-e-eighteen years old palang na si Kyline.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.