Kyline Alcantara, gustong mag-aral ng Law

PHOTOS: @itskylinealcantara

PHOTOS: @itskylinealcantara

Incoming college freshman na ang Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara ngayong pasukan. 

Naipasa ni Kai, nickname ni Kyline, ang ALS o Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Test ng Department of Education (DepEd) na kinuha niya sa Cainta Elementary School no’ng February 24, 2019. 

Mula Grade 9, diretso na siya sa kolehiyo. 

At dahil ALS passer, tatanggap si Kai ng certificate/diploma bearing the DepEd seal at signature ng secretary. 

Sabi ng award-winning Bicolana actress, “Para po sa akin, importante pa rin po ang edukasyon. Paulit-ulit din po itong ipinapaala ng parents ko (Mommy Weng at Daddy Butch).

“Kaya po kahit ano’ng puyat at pagod ko, binibigyan ko po talaga ng oras at panahon ang studies ko.”

Patuloy ng Symply G endorser, “Importante po talaga sa akin ang pag-aaral. Ito po ang fallback ko kapag hindi na po ako active sa showbiz.” 

Excited na si Kai sa pasukan. This early, naghahanap na siya ng mapapasukang kolehiyo. 

Balak niyang kumuha ng Political Science and eventually, itituloy niya sa kursong law. 

Samantala, naghahanda na si Kai para sa pagbubukas ng StarStruck 7 nitong Hunyo. Siya ang magiging online host ng original talent competition show at sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado naman ang main hosts nito. Magiging bahagi naman ng StarStruck 7 council sina Cherie Gil, Jose Manalo at Heart Evangelista.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kyline, palaban!

Kyline Alcantara answers Random Questions from Pikapika

Kyline, naglalagare sa tatlong GMA shows; ka-loveteam na si Manalo, tanggap ng mga "sunflowers"

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.