Bago pa mag-pandemic ay nai-alok na ang lead role na Daisy ng hit Korean thriller na The Housemaid kay Kylie Verzosa.
Ironically, mas na-plantsa pa nang husto ng Viva Films ang proyekto habang kasagsagan ng pandemic at eto nga’t sinisimulan na nila ito ngayon.
Aware si Kylie na sexy-thriller ang The Housemaid na magsisilbing first starring role niya. And naturally, aware din ang boyfriend niyang si Jake Cuenca tungkol dito dahil dito niya s’yempre unang sinabi ang tungkol sa project.
Ani Kylie, mas na-excite pa si Jake kesa sa kanya nang malaman nito ang project. Deadma raw ito kahit alam niyang may mga sexy scenes ang girlfriend with Albert Martinez, na gaganap bilang man-of-few-words but very powerful and controlling niyang amo.
Papasok kasing kasambahay si Kylie sa very patriarchal family ni William (role ni Albert) at bawat kilos niya ay mamatyagan ng mapanuring si Ms. Martha (Jaclyn Jose). Dahil sa pagbubuntis sa kambal, hindi matutugunan ng misis ni William na si Roxanne (Louise delos Reyes) ang mga carnal needs niya at si Daisy—who is very welcoming to the advances—ang mapapagbalingan niya.
Of course, every action has a consequence at doon na magsisimula ang mga destructive moments ng pelikula.
“Jake’s very supportive,” k’wento ni Kylie sa press sa story conference ng pelikula kamakailan. “He’s very excited for me. Sabi niya, ‘Ang ganda ng project! Gawin mo yan, gawin mo yan! Kung sa amin binigay yan, I’d take it.’”
Wala raw siyang narinig na pagbabawal o bilin ng mga limitations mula sa kasintahan.
Kung hindi lang nagka-pandemic ay malamang na tapos na nila ang movie by now. Pero naging advantage na rin, sort of, ang pagkakabinbin ng shoots dahil mas napa-ganda pa ang casting. Ani Kylie, mas lalo siyang na-excite at nakampante nang malaman na niya ang full cast. She knows she’d be in good hands at alam niyang marami siyang matututunan bilang relatively newbie siya kumpara sa mga co-stars.
Kaya naman kahit nandiyan pa si Covid, excited nang mag-shoot si Kylie. Aniya, she’s been raring to work. In fact, kung ang ibang artista ay paranoid pang mag-shoot at lumabas-labas, si Kylie ay atat na, so to speak, dahil mukang bored na sa buhay na “naka-kulong” sa bahay.
“I just really wanna work,” sey pa niya. Magiging maingat naman daw sila sa set at susundin ang lahat ng health and safety protocols na itinakda ng gubyerno.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: Xian Lim reveals upcoming project with Kylie Verzosa and Marco Gumabao
Maja Salvador reveals reasons that will make her quit showbiz
Jinggoy Estrada, ipinasilip ang future libingan ng amang si Erap sa Tanay