Sa ginanap na media conference para sa pelikulang First Love, ang first team-up nina Aga Muhlach at Bea Alonzo on the big screen, naging very honest si Aga Muhlach na kahit sa eded niya ngayon [na 49 years old] ay p’wede pa ring siyang mag-fall sa isang gaya ni Bea [na 30 years old naman].
Nagbiro muna siya na hindi pa naman daw siya matanda. “Tumanda lang ako, nagka-edad lang ako pero hindi pa ako matanda!” natatawang pauna niya.
Pero kahit sinong lalaki naman daw ay tila mahihirapang ma-resist ang beauty ni “Tisay.”