Kumalat na video ng pagkadapa ni Eddie Garcia, rerebyuhin ng GMA-7

PHOTOS: Melo Balingit & screengrab from Mhervin Maco Video

PHOTOS: Melo Balingit & screengrab from Mhervin Maco Video

Official statement from GMA Network on Eddie Garcia

 

“The video of Mr Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA.  We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took, before we make any conclusions on what really transpired.

 

The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson. 

 

We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition. 

 

Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery.”

 

Ang tinutukoy sa official statement ay ang video na nag-viral kahapon, June 8, na kuha ng isang nagngangalang Mhervin Maco, kung saan makikitang tila natapilok ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa isang wire o cable na nakalapag sa daraanan nito. Tila nawalan ng balance ang aktor at pasubsob na tumumba.

 

 

Judging from the video footage, Tito Eddie didn’t seem like he had heart attack. As he entered the scene, you can...

Posted by Maristella Noel Gumila on Saturday, June 8, 2019

 

Kasabay ng pagkalat ng video na ito ay ang pagkalat din ng mga litratong kuha naman ng isang Glaysa Apoya, kung saan makikitang binubuhat ng ilang kalalakihan ang aktor habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid. Ayon sa caption ni Glaysa, inakala niyang bahagi lang ng eksena ng teleserye ang pagkakagulo.

 

Photos courtesy of Glaysa Apoya

 

Kapwa mga residente ng lugar sa Tondo kung saan kinuhanan ang mga eksena ng Rosang Agimat, isa sa mga bagong teleserye ng GMA-7, ang mga nag-upload na ito ng video at litrato.

 

Kasabay ng pagkalat ng mga nasabing footage ang pagkalat ng balitang na-comatose ang magaling na aktor at una munang isinugod sa Mary Johnston Hospital sa Tondo. Bandang alas tres ng hapon, na-revive na diumano ang aktor at nailipat na sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

 

Unang naging hinala ng publiko sa dahilan ng pagbagsak ng aktor ay atake sa puso, stroke, at heat stroke dala ng init ng panahon. Pero ayon sa official statement ng pamilya ng aktor, na ipinakalat through GMA-7, ang aktor ay dumanas ng “severe heart attack” at under “critical observation.”

 

Ayon naman sa latest na nakalap ng pikapika, nasa Neuro ICU na ng Makati Medical Center ang aktor at round the clock na ini-obserbahan pa rin ng mga doctors nito.

 

Humihiling pa rin ang pamilya nito ng patuloy na panalangin.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


Eddie Garcia, na-revive na matapos mabalitang na-coma

Official Statement of Eddie Garcia’s family confirms the great actor suffered from “severe heart attack.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.