Kristoffer Martin weds long-time girlfriend AC Banzon through a civil rite

Marami na rin pinagdaanan ang pagmamahalang Kristoffer Martin at AC Banzon. Walong taon silang mag-boyfriend-girlfriend pero, apat na taon na ang anak nila nang ipakilala ito ng Kapuso actor sa publiko noong January 2021 kasabay ng pag-amin na hiwalay na sila ng ng ina nito. But as fate would have it, sila rin pala ang magpapalitan ng I dos in the end.

Photos: @limmcristine @eunicebakunawa

Marami na rin pinagdaanan ang pagmamahalang Kristoffer Martin at AC Banzon. Walong taon silang mag-boyfriend-girlfriend pero, apat na taon na ang anak nila nang ipakilala ito ng Kapuso actor sa publiko noong January 2021 kasabay ng pag-amin na hiwalay na sila ng ng ina nito. But as fate would have it, sila rin pala ang magpapalitan ng I dos in the end.

Kasal na ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin, 27 years old sa kanyang non-showbiz partner at ina ng kanyang anak na si AC Banzon

Ikinasal sina Kristoffer at AC sa pamamagitan ng civil wedding kagabi, February 3, 2022 sa Capas, Tarlac.  

Si Mayor Reynaldo L. Catacutan ang naging presiding officer ng kanilang kasal. 

Base sa nakuha naming impormasyon, ilan lang ang present sa ginanap na civil wedding nina Kristoffer at AC. Present daw ang pareho nilang best friend at siyempre, ang kanilang limang taong gulang na anak na si Precious Kristin. 

Pawang hindi na dumalo ang mga magulang ng dalawa dahil sa pag-iingat pa rin sa COVID-19, pero may blessing naman daw ng mga magulang ang kanilang pagpapakasal. 

Maaaring i-apply ang lumang kasabihan na “sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy” sa relasyon nina Kristoffer at AC.

Marami na rin pinagdaanan ang kanilang pagmamahalan. Walong taon silang mag-boyfriend-girlfriend pero, apat na taon na ang anak nila nang ipakilala ito ng Kapuso actor sa publiko noong January 2021 kasabay ng pag-amin na hiwalay na raw sila ng long-time girlfriend.

Pinag-usapan din ang naging break-up nila lalo pa nga at nagpa-interview rin si AC that time na tila kinontra ang mga unang pahayag ng actor sa diumano’y dahilan ng break-up nila. 

Pumasok sa eksena ang Kapuso star na si Liezel Lopez na nagkaroon ng short-lived romance with Kristoffer habang ginagawa nila ang teleseryeng Babawiin Ko ang Lahat ng GMA-7. Pero kasabay ng pagtatapos sa ere ng nasabing soap opera ay ang pagtatapos din ng kanilang relasyon. 

That time, nagkapatamaan pa sa social media ang tatlo. 

At halos kasabay naman ng balitang break na sina Kristofffer at Liezel ang balitang pagbabalikan nina Kristoffer at AC. 

At eto nga, makalipas ang ilang buwan, sa kabila ng pandemic, humantong din sa kasalan ang kanilang relasyon. 

Wala pang post sa kani-kanilang social media accounts sina Kristoffer at AC, maliban sa ilang IG stories na kuha sa kanilang civil wedding. 

Ni-repost lang din nila ang IG story ng mga best friends nila na sina Eunice Bakunawa at Christine Lim.  

Sa caption ni Eunice, “our best friends got married today.” At makikita sa picture na pinost nito na tila umiiyak si Kristoffer. 

Sa picture na ibinahagi naman naman ni Christine ay iyong kita ang newlyweds na ipinapakitang suot-suot na ang kanilang wedding rings. 

Congratulations Kristoffer at AC!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Non-showbiz partner ni Kristoffer Martin na si AC Banzon, napatawad na ang pagliko ng aktor?

Kristoffer Martin at ex-girlfriend na si AC Banzon, nagkabangayan sa Twitter

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.