Kristoffer Martin, gustong makatrabahong muli si Kathryn Bernardo; “Sayang ’yong Endless Love, oh. Ituloy natin.”

Dahil kagagaling lang ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan, “peace sa heart n’ya” ang hiling ng nakatambal n’ya noon sa Endless Love series na si Kristoffer Martin.

PHOTOS: @gmanetwork on FB & YouTube; @misskathrynbernardo on FB

Dahil kagagaling lang ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan, “peace sa heart n’ya” ang hiling ng nakatambal n’ya noon sa Endless Love series na si Kristoffer Martin.

Isa pala sa mga hiling ngayon ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang muling makatrabaho ang Kapamilya actress ko na si Kathryn Bernardo.

Sinabi n’ya ito nang mag-guest s’ya kahapon, February 7, sa Fast Talk With Boy Abunda kasama ang kanyang Makiling co-actors na sina Royce Cabrera at Teejay Marquez.

Nasali si Kathyrn sa usapan nang mapa-throwback ang TV host na si Tito Boy noong panahong naging magka-love team sina Kristoffer at Kathryn noong 2010 sa teleseryeng Endless Love, ang Philippine adaptation ng hit Korean TV series na Autumn in My Heart.

Doon ay gumanap ang dalawa bilang young Dingdong Dantes at young Marian Rivera.

Dahil dito ay natanong ng King of Talk ang aktor kung in touch pa in ba sila ni Kathryn.

Hindi, Tito Boy. But nagkikita kami, Tito Boy, sa event. Nagha-hi, hello-an. Pero ’yong personal na nagme-message-an hindi po,” sagot ni Kristoffer.

Nang humirit naman ang TV host na baka mapanood ni Kath ang interview nilang iyon ay hindi na nag-aksaya pa ng chance si Kristoffer para magbigay ng mensahe sa aktres.

Inaya n’ya ito na magsama silang muli sa isang project.

“Kath, baka naman, ’di ba? Work tayo, oh. Sayang ’yong [nasimulan sa] Endless Love, oh. Ituloy natin,” paanyaya n’ya.

Natanong din s’ya sa show kung ano ang hiling n’ya ngayon para sa Kapamilya star na nanggaling sa breakup.

“Peace sa heart n’ya, Tito Boy, kasi deserve n’ya ’yon, e. Importante ’yong peace,” pagtatapos ni Kristoffer.

Napapanood si Kristoffer kasama sina Teejay at Royce sa revenge-drama series na Makiling sa GMA Afternoon Prime.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kristoffer Martin, still on high sa kanyang unang pagsabak sa triathlon competition

Kristoffer Martin, bumaba ang pride mula nang magpakasal

Kristoffer Martin reveals his hopeless romantic side through his latest single

Kristoffer Martin weds long-time girlfriend AC Banzon through a civil rite

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.