Aware ang singer-actress na si Krissha Viaje na na-bash s’ya nang todo nang mapasali s’ya cast ng sa mini-series na The Rain in España.
May mga readers and fans kasi ng Wattpad story na hindi napi-picture out noong umpisa na swak s’ya sa character n’yang si Yanna.
Inilahad n’ya ito sa media conference and cast reveal upcoming series na Safe Skies Archer, ang second installment ng university series, kung saan ang character na n’ya ang magiging sentro ng kuwento.
Na-open kasi ng aktres ang pinagdaanan n’ya nang makuha n’ya ang role na Yanna.
“Sa akin po kasi, in the book, ’yong visuals ni Yanna, she’s actually half-American. So maputi po s’ya, may brown eyes s’ya that’s why I’m wearing contacts [lenses], tapos mestiza. Ganu’n,” paglalarawan ni Krissha.
Dahil dito, nadismaya raw ang ilang nakabasa sa istorya dahil hindi umano s’ya ’yong nai-imagine nila na gaganap kay Yanna.
“So nu’ng nakita nila, ‘Huh? ’Yan ’yong [gaganap na] Yanna?’ Expected na [na maba-bash ako],” saad n’ya.
Hindi naman daw s’ya nag-iisa dahil halos lahat silang mga cast members kabilang na sina Marco Gallo at Heaven Peralejo ay pinagdudahan rin kung kaya ba nilang mapangatawanan ang kanilang mga karakter.
“Ang dami po talagang bashers, hindi lang sa akin, sa buong cast po talaga. So, ’yon din ’yong naging unang bond namin na parang, ‘We’re in this together,’” pagbabahagi pa n’ya.
Umabot na nga rin daw sila sa point na pinagdudahan na nila kung may tatangkilik ba sa kanilang project.
“May time din na, ‘Papatok ba ’to?’ Kasi nga ang daming negative comments,” pagpapakatotoo ni Krissha.
Maging s’ya raw mismo nag-doubt na sa kanyang sarili nang mabasa n’ya ang buong kuwento.
“Sabi ko doon sa RM [road manager] ko, ‘Ate, hindi ako ito. Kasi ’yong description sa book [iba sa akin],’” pagre-recall n’ya.
Still, naging hamon daw ito sa kanila na magsumikap para magampanan nang maayos ang kani-kanilang roles.
“But then, grabe ’yong trust nila [production] sa akin, grabe ’yong pag-encourage sa akin, ‘Kaya mo ’to! Ikaw ’yan! Ikaw na ’yan!’” saad n’ya.
“Ginawa namin ’yong part namin and ’yong pinaka-essence po ng characters namin talagang naging loyal kami doon,” pagpapatuloy ng former GirlTrends member.
Nakatulong din daw na nakapa-supportive ng writer nila na si Gwy Saludes.
“Hands-on din po kasi ’yong author nito, si Gwy. We asked her, ‘Paano ba si Yanna? Paano ba ’yong character namin? Saan s’ya nanggagaling?’” lahad n’ya sa press people.
“She’s very hands-on. ’Yon lang din po ’yong difference siguro na approve lahat. May role dito si Gwy. Hindi n’ya pinabayaan.”
Dahil rin doon, lumakas daw ang loob n’ya na yakapin ang kanyang karakter.
“’Yong mindset ko binago ko na. ‘Ako si Yanna.’ And I’m very thankful kasi marami pong nagmahal sa akin as Yanna,” aniya.
“Like, minsan kahit hindi ko sinasadya, sasabihin nila, ‘Very Yanna.’ So, I’m very grateful and honored ako na nakikita nila na kaya ko maging Yanna,” nakangiting dagdag pa n’ya.
Kung na-challenge s’ya para maging si Yanna sa The Rain in España, mas le-level up daw s’ya sa Safe Skies Archer.
May sexy scenes daw kasi sila dito ng makaka-tandem n’yang si Jerome Ponce na gaganap bilang si Hiro.
“Nu’ng una nga po, hindi naman nag-backout pero I questioned… Sabi ko doon sa RM ko, ‘Ate, kaya mo ba ito?’ Parang ayoko na kasi, ‘Bakit ako?’” pag-amin n’ya sa entertainment press.
Siniguro naman daw sa kanya ng management na hindi s’ya pababayaan sa set at hindi gagawin ang eksena beyond her limitations.
“Mineeting po nila ako. They said, ‘Sige, we will give you everything you need. We will make you feel safe sa lahat. ’Yong restrictions mo, we will respect it,’” she shared.
Sa puntong iyon ay na-realize din umano ni Krissha na kailangan n’ya ring i-level up ang kanyang artistry at mag-explore dahil nasa tamang edad na rin naman daw s’ya.
“Naiisip ko I’m getting old. I’m already turning 31 this October. So naisip ko, I think I need something talaga na magkakaroon ng new chapter in my life… I’m afraid to take risk but now kinuha ko na ’yong risk,” saad n’ya.
Sa ngayon, excited daw s’ya na makatrabaho si Jerome.
“Kasi doon sa The Rain in España hindi pa s’ya pinapakita. And then I talked about him doon sa The Rain in España pero sobrang teaser lang,” nasasabik na kuwento n’ya.
“Hindi ko pa nasabi ’yong name. Pero ngayon may face na, nakikita na natin s’ya, meron ng visual kung sino si Hiro. I’m very, very excited po,”pagtatapos n’ya.
Mapapanood ang Safe Skies Archer starting October on Viva One.
YOU MAY ALSO LIKE:
On-the-set LOOK: The Rain In España, exciting story of love, friendship, self-awareness and growth
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber