Kris Aquino, may patama kay “ex”: “...hindi marunong tumupad sa mga pinangako.”

Ginulat ni Kris Aquino ang mga Tarlakenyos sa sorpresang pagdalo niya sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem doon kagabi, March 23.  Gusto daw kasi n’yang magpasalamat nang personal sa kanilang mga kababayan na patuloy na sumusuporta sa kanila.  “Kung alam niyo lang yung nerbyos na binigay ko sa lahat, pero I said for my dad, ‘The Filipino is worth dying for.’ Para po sa akin, ang tumapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat. “Hindi n’yo kami iniwan. Hindi n’yo kami pinabayaan. Well at least, kayo, except for your… you know who,” banat n’ya na tila patama sa isang local politician doon na may sinuportahang ibang presidential candidate.

PHOTO: @VPLeniRobredoPH on Facebook

Ginulat ni Kris Aquino ang mga Tarlakenyos sa sorpresang pagdalo niya sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem doon kagabi, March 23. Gusto daw kasi n’yang magpasalamat nang personal sa kanilang mga kababayan na patuloy na sumusuporta sa kanila. “Kung alam niyo lang yung nerbyos na binigay ko sa lahat, pero I said for my dad, ‘The Filipino is worth dying for.’ Para po sa akin, ang tumapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat. “Hindi n’yo kami iniwan. Hindi n’yo kami pinabayaan. Well at least, kayo, except for your… you know who,” banat n’ya na tila patama sa isang local politician doon na may sinuportahang ibang presidential candidate.

May panawagan ang aktres at TV host na si Kris Aquino sa mga taga-Tarlac na huwag daw iboto ang kanyang “ex” sa darating na eleksyon. 

Sinabi n’ya ito onstage sa campaign rally ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem kagabi, March 23, sa home province ng mga magulang n’ya.

Ginulat pa ni Kris ang lahat sa kanyang pagdalo doon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may iniinda s’yang sakit. 

Matatandaan na napag-alamang may erosive gastritis at gastric ulcer daw ang aktres matapos  s’yang sumailalim sa ilang medical assessment.

Sa kabila nito ay hindi nagpapigil si Tetay, isa sa mga palayaw ni Kris sa showbiz

Sabi ko, ‘I’m going and nobody can stop me,’” pahayag n’ya.

Gusto daw kasi n’yang magpasalamat ng personal sa kanilang mga kababayan na patuloy na sumusuporta sa kanila. 

Kung alam niyo lang yung nerbyos na binigay ko sa lahat, pero I said for my dad, ‘The Filipino is worth dying for.’ Para po sa akin, ang umapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat,” pagpapatuloy ni Kris onstage. 

At sa puntong ito na s’ya nag-umpisang magpahaging.

Hindi n’yo kami iniwan. Hindi niyo kami pinabayaan. Well at least, kayo, except for your… you know who,” banat n’ya na tila patama sa isang local politician doon na may sinuportahang ibang presidential candidate.

Pasensya na. Sorry po ha. Sorry, sinabihan akong wag makipag-away pero nabubuwisit po talaga ako. I’m sorry na hindi ako ’yong mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo. Dahil nakakabuwisit talaga ’yong walang utang na loob. Pero deadma na, deadma na du’n.”

Pero hindi pa ’yon natapos doon dahil muli s’yang na-trigger nang makasama n’ya onstage ang aktres at malapit n’yang kaibigan na si Angel Locsin

Mas nais ko nga po sanang sumama sa inyo sa crowd pero sabi ni ate [Kris] magbigay-pugay daw po ako sa inyo na lumabas dito [dahil] kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas,” panimula ni Angel.

Kasi yan naman gusto natin sa isang tao, di po ba? Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan kapag kailangan mo, hindi tuwing kapag eleksyon lang,” dagdag pa ng aktres.

“Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan,” pagre-reak ni Kris sa sinabi ni Angel. “Aray! Ouch!” 

Ate, palagi kang lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni,” natatawang paglilinaw naman ni Angel sa kanya. 

Pagtutuwid naman ni Kris, “Hindi, ’yong sinabi mong may karelasyon.”

Nandito ba s’ya? Hindi naman s’ya nandidito,” natatawang tugon pa ng tinaguriang real-life Darna. 

Hindi, di ba ’yong isa nasa… UniTeam. ’Yong ex,” hirit-patama ni Kris 

Bagama’t wala namang binanggit na pangalan, wala naman siyang ibang naka-relasyon na na nasa UniTeam maliban kay former Quezon City mayor at ngayo’y aspiring senator na si Herbert Baustista.

Kabilang kasi ito sa UniTeam nina dating senador at presidential aspirant na si Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo naman sa pagka-bise presidente.

Nanawagan pa si Kris sa mga tao na deadmahin umano ang sinasabi n’yang “’yong ex” niya pag dating ng elelsyon. 

Oh, huwag n’yong iboto ’yon ah? Sayang ang boto, dahil hindi marunong tumupad sa mga pinangako. Deadma please,” panawagan n’ya sa mga Tarlakenyo, at in effect, ay sa buong Pilipinas maraming nagko-coverage doon ng live.

Hindi naman na nag-elaborate si Kris kung ano ang pangako ng kanyang ex na hindi nito tinupad pero maaaring may kinalaman ito sa mga napabalita noon na dalawang beses nitong pag-a-alok ng kasal sa aktres.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.