Kahit na nagpapagaling sa Amerika ang TV host-actress na si Kris Aquino ay may inihandang reklamo ang kanyang kampo laban sa cardiologist and online personality na si Doc Willie Ong.
Ayon iyan sa inilabas na report ng bilyonaryo.com nitong Lunes, April 17.
Ginamit daw kasi ng doktor at dating vice presidential candidate ang photos at current health condition ni Kris para sa mga pekeng advertisements.
Base sa ulat, nagpadala ng demand letter ang kampo ni Kris kay Doc Willie at misis nitong si Doc Liza Ong through Divina Law Office dahil nga ginamit umano ang photos ng aktres at pinalabas na endorser siya ng isang mixed nuts products na iniendorso rin umano ng mag-asawang doktor.
Hindi raw ikinatuwa ni Kris ang panggagamit sa kanyang mga litrato dahil wala itong pahintulot at wala umanong katotohanan na iniendorso niya ang nasabing produkto.
May lumabas nga na kopya ng online ng notice for Doc Willie mula sa Divina Law Office dated March 21 na nag-uutos na alisin ang mga photos ni Kris sa fake advertisement dahil "clear violation" umano ito ng "right of publicity" ng kanilang client.
Umalma naman si Dr. Ong nang makarating sa kanya ang balitang ito.
Itinanggi niya na may kinalaman siya sa paggamit sa mga photos ng aktres. Wala rin daw siyang mixed nuts products na iniendorso o kaya’y pag-aari.
"Wala po ako ine-endorse na kahit anong produkto except for one which is Birch Tree Advance, which is a charity advocacy for seniors. All the rest including Mixed Nuts are fake po," pahayag ni Doc Willie sa comment section ng Bilyonaryo Facebook page.
Giit niya, gaya ni Kris ay biktima rin daw sila ng kanyang asawa sa isyung ito.
"I am not the endorser or the owner of these fake FB pages using my name. The fake ads issue is a worldwide problem of influencers. I, and many other influencers are the victims here," pagtutuwid niya.
Madali naman daw ma-distinguish ang legit FB page niya dahil meron siyang blue badge.
"My official page has a Blue Verified check mark named Doc Willie Ong with 17 million followers," saad pa niya.
Noon pa man daw ay nire-report na niya ang mga fake FB pages na ito na gumagamit sa kanyang pangalan pero palaging gumagawa ng bagong fake account ang mga scammers na nasa likod nito.
"All FB pages with only a few followers using my name are fake pages po. I have no control on what fake pictures they post. I have reported this to FB for the past 5 years with little success since the scammers just keep making new FB accounts. This is a problem of many influencers. I hope you can clarify this and not harm my reputation," saad niya.
Sa isa pa niyang pahayag, sinabi ni Ong na nagkamali daw si Kris at ang kampo nito na kilatising maigi ang mga FB pages na inirereklamo ng mga ito dahil hindi daw sa kanya ang mga iyon.
"These are all obviously fake ads and scammer pages. And Ms. Kris and her lawyers were misled by these fake ads which are not mine po. I do not own nor endorse these products. Please be careful po," pagwa-warning pa niya.
Samantala, as of this writing ay wala pang response ang kampo ni Kris sa mga pahayag ni Doc Willie.
YOU MAY ALSO LIKE:
Bimby Aquino meets Ogie Diaz in the US; tells him his mom is "stable" and is "still beautiful."
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber