Bago pa umano lumabas sa mga news outlets na maayos ang relasyon nina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste ay nagtapos na umano ito. Break na raw sila, ayon mismo kay Kris.
Ito ang laman ng latest Instagram post ni Kris ngayong araw, November 20, kalakip ng video ng pagbisita sa kanya sa California ng kaibigang si Angeline Quinto at pamilya nito.
Makikita pa sa video na kinantahan ni Angeline si Kris ng theme song ng morning talk show n’ya sa ABS-CBN noon na KrisTV.
“Thank you for visiting me @loveangelinequinto… it’s a great feeling to reminisce. That’s the good thing about the past, you get to choose which memories to bring with you,” pasasalamat n’ya sa Kapamilya singer sa inilagay n’yang caption.
Kasunod nito ay ang pagtutuwid n’ya sa balitang inilabas ng isang pahayagan tungkol sa statement noon ni Vice Gov. Mark na okey umano silang dalawa at nasa “different level” na at “still going strong” raw ang kanilang kanilang relasyon.
Bago pa man daw kasi nalathala ang ang statement na ito ni VG Mark ay naghiwalay na umano sila kaya hindi na umano tugma sa sitwasyon ang nasabing online balita.
“[M]ay i clarify something i saw from the @inquirerdotnet feed? It was dated November 9, unfortunately by the time that post came out it was no longer true,” pahayag ni Kris.
Idinahilan n’ya ang LDR o long distance relationship setup nila na mahirap daw on her end ngayong nagpapagaling s’ya sa sakit.
“A long distance relationship is difficult when undergoing very physically demanding treatments like my methotrexate and my Dupixent. But i got my latest blood panel, apart from my very low hemoglobin, all my autoimmune markers are slowly improving,” aniya.
S’ya raw mismo ang nakipag-break sa Batangueno politician dahil mas gusto umano n’yang i-prioritize ang kanyang pagpapagaling.
“The truth is that i chose to lessen the stressors in my life and put my wellbeing first… on November 3, 2023, i initiated our breakup,” she revealed.
“It was a well thought out decision based on choosing to do what’s best for me now. I’m dealing with so much and my love life isn’t a priority,” dagdag pa n’ya.
Ayaw na umano n’yang ilahad pa ang buong detalye nito at humingi na lang ng dasal para sa kanya at kanyang pamilya.
“To protect my family’s privacy, please allow me to not give details about something that’s weighing heavily in our hearts (if you can pray for my sisters too, in the way you’re praying for me, sobra sobra ang pasasalamat ko),” saad n’ya.
Nagbigay rin s’ya ng update sa lagay ng kanyang kalusugan at sinabing patuloy naman na bumubuti ang kanyang health condition.
“Maraming salamat po, against all odds i am slowly getting better and by God’s grace my autoimmune thyroiditis has gone into remission,” she shared.
“And also because my doctors caught it early enough, my 5th autoimmune, the mixed connective tissue disease which was strongly pointing towards RA (rheumatoid arthritis) or SLE (lupus) in my latest panel seem to not be a present threat.”
Sa ngayon, tatlo na lang daw mula sa lima n’yang autoimmune diseases ang ginagamot nila.
“From 5, i’m now just battling 3, BUT 1 of them is the main contrabida because it’s life threatening. THANK YOU for your prayers. God really is listening. #grateful,” pagtatapos ni Kris.
Matatandaan na last October nang bumisita si Kim Chiu kay Kris ay tila maayos nang muli ang ugnayan between Kris and VG Mark, who was also there to visit her. Pinasalamatan pa niya ito dahil ito umano ang nasa likod ng camera para video-han ang pagkikita nila ni Kim. Ito rin umano ang nag-facilitate ng nasabing pagbisita ni Kim.
Pero ayon nga nga mismo kay Kris, nito lamang November 3 nang magpasiya siyang tuldukan na talaga ang relasyon nila ni VG Mark Leviste.
YOU MAY ALSO LIKE:
The Butcher | Kris Aquino has every right to get upset with exes together in one photo
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber