Kourtney at Kim Kardashian, nagka-pisikalan; Kourtney, tuluyan nang nag-babu sa Keeping Up With The Kardashians?

Noong 2017 pa raw may ongoing feud sina Kim at Kourtney. Pakiramdam ni Kourtney ay lagi siyang pinag-iinitan ni Kim pagdating sa participation nito sa kanilang show. “I felt like every day almost I was being picked on and criticised and I just couldn't take it any more,” sey ni Kourtney.

Photos: Instagram

Noong 2017 pa raw may ongoing feud sina Kim at Kourtney. Pakiramdam ni Kourtney ay lagi siyang pinag-iinitan ni Kim pagdating sa participation nito sa kanilang show. “I felt like every day almost I was being picked on and criticised and I just couldn't take it any more,” sey ni Kourtney.

Nagdesisyon na si Kourtney Kardashian na umalis na sa reality show ng kanyang pamilya na Keeping Up With The Kardashians pagkatapos na magkaroon sila ng physical confrontation ng kapatid na si Kim Kardashian-West.

Sa pagtatapos ng season 17, nakitang nagka-pisikalan sina Kourtney at Kim. Inaawat naman sila ni Khloe Kardashian na nagulat sa nangyari.

Nagsampalan, nagkalmutan at nagtulukan ang magkapatid na Kardashian na nauwi sa pasa at madugong kalmot sa katawan ni Kim.

Nagsimula raw ang gulo nila nang sabihin ni Kim na tatamad-tamad daw si Kourtney sa kanilang show.

“If I were on my death bed, I would still show up. Mom is so used to me Kourtney … me and Khloé going on our death beds. You don’t care about stuff,” talak ni Kim sa nakakatandang kapatid na si Kourtney.

Ito ang naging sagot ni Kourtney sa akusasyon ni Kim:

“You act like I don’t do shit! You have this narrative in your mind. I will literally fuck you up if you mention it again. Literally, shut the fuck up!

“But honestly, change the narrative in your mind. I work my fucking ass off. I don’t want to hear this narrative anymore about this work ethic and ‘she’s the only one with a work ethic and she’s doing this, this and this.’ As if she’s better because she works more. It’s such bullshit. We don’t all have to do things the same way!”

Sabay binato ng bottled water ni Kourtney si Kim sa sobrang galit niya at doon ang away.

Noong 2017 pa raw may ongoing feud sina Kim at Kourtney. Pakiramdam ni Kourtney ay lagi siyang pinag-iinitan ni Kim pagdating sa participation nito sa kanilang show.

“I felt like every day almost I was being picked on and criticised and I just couldn't take it any more,” sey ni Kourtney.

Kaya noong October 2019 ay nag-decide si Kourtney na magpahinga muna sa show para matutukan ang kanyang tatlong anak.

“I just decided to spend more time as a mum and put more of my energy there.”

At bagama’t nagka-ayos na ang magkapatid, tinuloy pa rin ni Kourtney ang pagba-babu sa show. Kaya sa pagbubukas ng season 18 ng KUWTK, hindi na raw mapapanood si Kourtney. Idadaan na lang daw niya sa live tweeting ang mga gagawin niya. 

“I’ve decided to take a big step back from filming and really just pick and choose what I will allow cameras to follow.

“I won’t be live tweeting #KUWTK tonight, as I’m spending time with my kids while they are on spring break. I realize that a lot of the conversation right now surrounds my work ethic, and I feel like I need to just make one thing clear: raising children is a job as well. In fact, it’s the hardest and most rewarding job that I have ever had.

“I’ve decided to put my focus on my kids and my lifestyle brand, Poosh, which is all about finding YOUR healthy balance for living your best life.

“I don’t judge anyone who chooses a different route, and I hope that everyone can appreciate my choices as well.” 

Ang nalungkot daw sa desisyon na ito ni Kourtney ay ang ina nilang si Kris Jenner. Nung mapanood daw nito na nagsasampalan ang dalawa on national television, umiyak daw ito at sinabi: “Who are you guys? Like what is going on?”

Dahil may quarantine, kanya-kanyang diskarte na lang sina Kim, Khloe, Kendall and Kylie Jenner sa pag-shoot nila sa kanilang sarili gamit ang kanilang iPhones and tripods. 

After shooting all their social distancing activities, they will send in their footage to be edited together into a full episode.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Love Fest concert tour ni Taylor Swift, sa 2021 na!

One World: Together at Home livestream concert na in-organize ni Lady Gaga para sa Covid-19 pandemic, kasado na!

One Direction members, magre-reunite for their 10th anniversary!

Netizens, nangangambang magka-Covid-19 ang Hollywood legend na si Betty White

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.