KimJe couple—Kim Molina and Jerald Napoles—magra-riot sa Dubai

Ang pagdayo sa Dubai ng celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ay sa paanyaya ng Philippine Business Council-Dubai and the Northern Emirates, isang non-profit organization of entrepreneurs & professionals recognized by the Dubai Chamber of Commerce & Industry. The KimJe couple will grace the Kalayaan 2022: The “Wowest” Philippine Independence Day Celebration,” na magaganap on June 12  sa Zabeel Hall 2 of the Dubai World Trade Centre.

Photo: @iamjnapoles @kimsmolina

Ang pagdayo sa Dubai ng celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ay sa paanyaya ng Philippine Business Council-Dubai and the Northern Emirates, isang non-profit organization of entrepreneurs & professionals recognized by the Dubai Chamber of Commerce & Industry. The KimJe couple will grace the Kalayaan 2022: The “Wowest” Philippine Independence Day Celebration,” na magaganap on June 12 sa Zabeel Hall 2 of the Dubai World Trade Centre.

Any moment now ay lilipad patungong Dubai ang kenkoy na mag-sweetheart na sina Kim Molina at Jerald Napoles, na kilala rin bilang KimJe couple, para magsabog ng kilig and saya sa mga kababayan natin doon para sa celebration nila doon ng ating Independence Day on June 12.

Ang pagdayo doon ng celebrity couple ay sa paanyaya ng Philippine Business Council-Dubai and the Northern Emirates, isang non-profit organization of entrepreneurs & professionals recognized by the Dubai Chamber of Commerce & Industry.

Ito ay under the umbrella of the Philippine Business Council - UAE, na naitatag noong 2001 under the initiative of the then Philippine Ambassador to the UAE Amable Aguiluz III. Ang mga miyembro nito ay mga Filipino businessmen, entrepreneurs, and senior executives, “who have decided to organize a group dedicated to promoting and improving the UAE-Philippines relations and development of bilateral trade.”

Ang PBC-Dubai and the Northern Emirates, sa pakikipagtulungan ng Emirates Loves Philippines, ang bumuo ng event na a-attend-an ng KimJe, ang Kalayaan 2022: The “Wowest” Philippine Independence Day Celebration,” na magaganap on June 12 sa Zabeel Hall 2 of the Dubai World Trade Centre.

Excited na ang mga kababayan natin doon dahil two years nga naman silang hindi nakaranas ng ganitong celebration dahil sa pandemic.

Sa panayam ni PBC-DNE Chairperson Marian “Bobbi” Carella, sa The Filipino Times, sinabi niyang ine-expect niya ang big attendance ng mga Pinoys sa nasabing event.

“We do expect a lot of Filipinos attending this event. It’s been three years that the pandemic has disrupted our lives so what better way to celebrate Philippine Independence Day but in person.”

Bukod kina KimJe, darating din doon para magbigay kasiyahan sina Piolo Pascual at ang Darna tandem nina Jane De Leon at Joshua Garcia.

Dubai-based Jasmine Luis, VP for Business Development of Viva, said she pushed for the KimJe couple dahil dalawa sila sa malalakas na Vivamax stars, whose films such as Jowable, Ang Babaeng Walang Pakiramadam, Ikaw at Ako at Ang Ending, at ang horror comedy na Sa Haba ng Gabi, ay talaga namang kinaaliwan ng mga taga-Dubai and Northern Emirates. What better way na rin na mag-thank you sila sa mga kababayan natin doon than by in person.

Bukod sa pakikipag-kumustahan, the couple, who are both superb performers, will also serenade our kababayans doon.

And maybe, mag-a-advance promo na rin sila ng mga paparating nilang Vivamax movies, ang solo starter ni Je na Tondo Prince at ang balik-tambalan ng KimJe na Seoul Mates; pati na rin ng paparating nilang podcast na The Comfort Room.

Samantala, hindi rin mawawala ang mga performances from local stars doon gaya nina Alira, isang Emirati singer na naging sikat sa mga Pinoys for singing Pinoy songs, si Ralph Richie Ilado, a Filipino na kilala naman for singing Arabic songs.

Magso-showcase din ng kanilang latest creations nang apat na Dubai-based designers namely Harvey Cenit, Ryan Pacioles, Benj Dela Rosa, and Garimon Raferos.

S’yempre, hindi mawawala ang mga kiosks for anything Pinoy sa one whole day event (10AM to 8PM) na iyon—food especially.

Parang ang saya! Kahit hindi kami taga-Dubai, nae-excite kami.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kim Molina at Jerald Napoles, walang keber sa overexposure; “porn” na nga daw kasunod na project?

Pika's Pick: KimJe couple (Kim Molina and Jerald Napoles), ecstatic for landing on the biggest digital billboard in EDSA

Exclusive: The KimJe couple answers Pikapika’s Random Questions

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.