Kim, nabinyagan na sa love scene

PHOTOS: Anna Pingol & @chinitaprincess

PHOTOS: Anna Pingol & @chinitaprincess

At 28, Kim Chiu agrees to do love scene for the first time in her 12-year showbiz career. At ito ay para sa Metro Manila Film Festival entry niyang One Great Love. And she did it not just once but thrice! Isa with Dennis Triilo na kinunan sa isang romatic setting na may fireplace; at dalawa with JC de Vera—isa sa bath tub ng isang yate at isa sa bedroom.

 

Ayon sa director ng pelikula na si Eric Quizon, hindi naman daw kinailangang i-convince si Kim, na nakilala sa mga pa-tweetums role, para gawin ang mga love scenes dahil nasa script naman daw from the very beginning. Isa pa ay in-assure naman niya si Kim na hindi Rated R ang ina-achieve nila sa pelikula.

 

Kabado daw si Kim tuwing may kukuhanang love scene according kay Direk Eric pero once nakasalang na ay game na ito at “real trooper.” Nagtititili nga lang daw ito pagkatapos maitawid ang eksena.

 

Very involved daw si Kim sa project na ito to the point na pati pamimili ng theme song ay inako na nito. “One thing with Kim, she knows what she wants,” dagdag pa ni Direk Eric. “Kung meron man sigurong hindi siya kumportable, tatawag naman agad yan o magsasabi, pero wala naman.”

 

 

Puro suggestive lang naman daw ang kinunan nila sa mga nabanggit na love scenes at walang “rough” o “wild” gaya ng mga tinatanong ng entertainment press. Kilig daw ang epek na in-achieve nila dito at hindi anupaman. “Love story ito, hindi naman to porn,” natatawa pang say ni Direk Eric.

 

Samantala, naging kampante rin si Kim sa set dahil alam naman daw siyang aalagaan siya ni Direk Eric at ng kanilang DOP (Director of photography).  At equally kampante siya sa kinalabasan ng mga eksena. Hindi naman daw kasi siya papayag na basta lang mahaluan ng love scene ang pelikula kung hindi naman kailangan lalo pa nga’t first time niya.

 

Here’s Direk Eric and Kim:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.