Kim Molina, na-attract daw sa height at pagiging mukang madumi ni Jerald Napoles; apila ni Je: “Mukha lang akong mabaho pero mabango po ako.”

“Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako...Maliligo ako mamaya. Dumumi ako sa paningin ko, e.”—Je’s reaction to Kim’s description of him

Photos: Melo Balingit

“Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako...Maliligo ako mamaya. Dumumi ako sa paningin ko, e.”—Je’s reaction to Kim’s description of him

There’s no dull moment kapag ang kalog at witty’ng #KimJe couple (Kim Molina at Jerald Napoles) ang interview subjects.

Kahit kasi gasgas na tanong, kaya nilang flavor-an ng humor. Pero may substance pa rin. 

Gaya nalang ng sagot nila sa tanong kung ano ang mga initial attractions nila sa isa’t isa during their courtship stage.

“His intelligence,” maagap na papuri ni Kim kay Je. “I’m always proud of it. I always tell it to the people in my interviews, or even my friends... whenever someone asks me, ‘Ano ’yong nakita mo kay Jerald na nagustuhan mo talaga?’ Ako his intelligence. When people ask me nga ano’ng first impression mo kay Je, dati akala ko parang ano siya mayabang, presko ganyan. Pero isa siya sa mga kaibigan ko na nakakausap ko na matagal. We get to talk about different topics...

“Matalino talaga kasi siya—siya po ay Mr. Science District 2B 1998... hahaha! Tapos consistent honor student siya ng Holy Child. I think nagugulat ’yong mga babae. Aside, of course, from his sense of humor. Matalino talaga si Je...and his sense of humor, the way he talks, he’s a good conversationalist.”

Sa pisikal?

“Ako serious, ang lakas ng appeal niya,” pa-testify na sagot ni Kim. “Mahilig po kasi ako sa matangkad tapos gusto ko ’yong... pag tinatanong ako, ‘Ano’ng gusto mo sa lalaki’ Gusto ko ’yong matangkad, gusto ko ’yong madumi...’yong ganyan, madumi.  Hahaha! So, dirty ganyan.”

Tila hindi ready si Je sa naging bitiw ng Baby Girl niya.

“Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako...” natatawang react niya. “Maliligo ako mamaya. Dumumi ako sa panitingin ko, e.”

“At saka lagi siyang mabango. Kapag kakausapin siya ng mga babae, maaamoy,” bawi naman ni Kim.  

“Mukha lang akong mabaho pero mabango po ako,” depensa ni Je sa sarili. 

“Total package” naman ang description ni Je kay Kim.

“Total package in terms of... ang first impression: itsura, katawan... second impression: pag nakausap mo na. Third impression: ’yong ugali mo. Habang nagiging kakilala’t kaibigan mo ’yong tao, lahat ’yon matutuhog sa’yo,” ma-detalyeng lahad ni Je. 

“’Yon ka, e,” dagdag pa ni Je, directly addressing Kim. “I mean marami tayong kasama sa industriya—direktor, artista, producer, and even our press—nagsasabi na ano ka, e, one of the sweetest and most adorable...”

“Wow, keychain!?” kinikilig na nang-uurot na hirit ni Kim.

“Isa kang keychain. ’Yong elf?” mabilis na pick up ni Je. “’Yong duwendeng keychain? Ganu’n ka.  Hahaha!”

“Ang ganda isang madumi at isang keychain!” pagsa-summarize naman ni Kim sa nailatag nila.

At dahil parehong smart and witty, aminado ang mag-dyowa na sanhi rin ’yon ng marami nilang clashes.

“’Yon ang away namin hindi sa relasyon...’yong clash nu’ng ideas,” say ni Je. “Palaging debatable pag sa amin, laging debatable...Everything is debatable.”

Mabilis din naman daw silang magka-bati pero walang gustong magpa-talo.

“Maliliit na bagay...sa lahat,” pag-elaborate ni Kim “Pero nag-aayos din naman kami. Pero alam mo ’yon pag pareho kayong alpha, in a way? Meron kaming... ‘Kailangan ako ’yong last na sentence sa conversation.’ Kasi parang... ‘Basta ako nagsabi nu’n.’ Sasabihin niya din ’yon. Kaya wala na pong last na sentences. Ayon.”

“Ganun kami. Pero ano po naniniwala kami...siguro hindi lahat ng tao makaka-relate sa: we can agree to disagree. ’Yong, okey lang. Hindi tayo agree. Ganu’n talaga, e, ano’ng gagawin natin?” 

Ang nakakakilig at nakaka-aliw na real-life banter na kagaya niyan ay madali nilang nai-ta-translate sa mga roles nila at mapapanood na ang sample niyan sa first full-length na pagbibida ng kanilang loveteam onscreen sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam na magsisimula nang ma-stream sa Vivamax, ktx.ph, at iWantTFC starting this Friday, June11.

Para naman sa full-length masayang tsikahan namin with #KimJe, kindly click the video below.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kim Molina, ibinahagi ang sikreto ng solid relationship with Jerald Napoles despite their “age gap”

Jerald Napoles, nag-init ang pwet sa impromptu’ng pa-fast talk ng nobyang si Kim Molina

Sa mga punang hindi niya paggamit ng real Aeta sa pelikulang tungkol sa isang Aeta, may sagot si Darryl Yap: “Too much political correctness is bullshit in cinemas.”

Dahil mukhang Latina, US-based na si Ruby Rodriguez, nakaka-iwas daw kahit papaano sa mga Asian haters doon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.