Kim Molina at Jerald Napoles, walang keber sa overexposure; “porn” na nga daw kasunod na project?

“I think it’s necessary for a person, especially sa ganitong career, na maging exposed all the time.”—Jerald Napoles

Photos: Vivamax | @kimsmolina

“I think it’s necessary for a person, especially sa ganitong career, na maging exposed all the time.”—Jerald Napoles

Nasa Top 10 pa rin ng steaming app na Vivamax ang pinagbidahang Ang Babaeng Walang Pakiramdam  ng KimJe couple (Kim Molina at Jerald Napoles) na nag-premiere noon lang June 11. 

Pero heto at sa August 13 ay magbubukas ang panibagong team-up movie nilang Ikaw at Ako at ang Ending na isang totally new genre na magtatala sa consciousness ng audience that the KimJe couple ay hindi lang pang-comedy.

Ito ang bale, balik-tambalan ni Kim at Direk Irene Villamayor, ang director na nagbukas ng pintuan kay Kim sa mundo ng pelikula (from theater) via Camp Sawi (2016). Sa nasabing pelikula unang nakatikim si Kim ng pictorial dahil kasama siya sa poster at billing ng pelikula.

Action/thriller ang Ikaw at Ako at ang Ending, isang genre na matagal na ring pangarap ma-explore ni Direk Irene na kilala sa kanyang masasakit na romantic drama movies gaya ng Sid & Aya, Meet Me in St. Gallen, On Vodka, Beers And Regrets, at Ulan.

Mga patapon ang buhay—in the mold of Bonnie and Clyde—ang characters nina Kim at Je sa pelikula. Pagtatagpuin sila ng tadhana at magsisilbing “salvation” ang isa’t isa. At least, that’s the premise. 

Sa pananaw ni Direk, kahit mga halang ang kaluluwa ay may makulay na love story din that deserves a movie.

Ay ayon kina KimJe, they’re not nagpo-promote lang when they say ibang-ibang KimJe ang makikita ng audience dahil base palang sa trailer, wala ni isang nagpapatawang eksena.

With this project, kita rin na bilib sa mag-dyowa ang mga Viva bosses dahil kahit subok ang tandem nila sa romcom, sinugalan pa rin sila sa offbeat genre.

Kaya nga ang naging tanong namin sa KimJe during the Ikaw at Ako at ang Ending virtual media conference kamakailan, ay kung ano ang next genre na ie-explore nila bilang mag-onscreen partners.

“Porn,” pa-seryosong sagot ni Jerald na agad din niyang binawi. “Charot lang, charot lang. Hahaha!”

“Actually tapos na ’yon [porn movie], hindi palang nare-release. Hahaha!” sakay naman ni Kim.

“May gagawin po kaming movie pero next week [pa]. Pero hindi pa po namin yata p’wedeng sabihin,” dagdag-info ni Kim.

Agad-agad? 

“Maraming pong bills. Hahaha!” birong salo ni Kim.

“At kung ano po ’yong p’wedeng ma-offer ni [Direk] Irene sa susunod namin. Wow!,” birong parinig ni Je sa kanilang direktor. 

“Actually, meron na po,” dugtong na urot ni Kim sa sinimulan ni Je. “Nangongontrata na kami kay Direk Irene Villamor. Meron na po siyang naisip, isusulat nalang niya po talaga. May location na rin. Hahaha!”

Dahil hindi pa man ay may kasunod na silang movie project, ang next na naitanong sa mag-dyowa ay kung hindi ba sila takot sa over-exposure.

“Hindi, e,” seryosong sagot ni Je. “Because nowadays, you have to be overexposed. Ang transition ngayon ng content ay mabilis at ang pagiging relevant ngayon...p’wede kang maging relevant ngayon, bukas hindi.

“So, I think it’s necessary for a person, especially sa ganitong career, na maging exposed all the time.”

Bukod sa sunod-sunod na film projects, malakas din ang presence ng mag-dyowa sa social media. They have a YouTube Channel, ang KimJe TV, na hindi rin nila pinababayaan basta’t kaya ng oras. They also do TikTok at balita namin ay magkaka-podcast din.

Malinaw na malinaw na wa keber sila sa over-exposure dahil paniwala ni Je, sa panahon ngayon, “Content is King.”

At para sa amin, sila ang over-exposed na may K.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kim Molina, na-attract daw sa height at pagiging mukang madumi ni Jerald Napoles; apila ni Je: “Mukha lang akong mabaho pero mabango po ako.”

Exclusive: The KimJe couple answers Pikapika’s Random Questions

Kim Molina, ibinahagi ang sikreto ng solid relationship with Jerald Napoles despite their “age gap”

Jerald Napoles, nag-init ang pwet sa impromptu’ng pa-fast talk ng nobyang si Kim Molina

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.